“Yun yung story.” sabi ni Sir
“Sir, True story po ba yan” tanong ni Noah
“Yes pero hindi ko sure nabasa ko lang kasi sa internet yun sa isang research project nami noon, pero may mga same cases na nangyayari makamakailan lang.”paliwanag ni sir.
“Sir,Ghost po ba ang pumapatay?” nagtatakang tanong ni clive.
”...hindi.” sagot ni sir
“Sir nahuli na po ba yung criminal?” takot na tanong ni princess.
“Hindi pa , Ni hindi nga mainbistigahan ng mga pulis dahil kinabukasan in the day ng discovery ng scene, wala na ang bangkay at patay na rin yung witness” sabi ni sir.
“Sir ano na nangyari kay Paulo” tanong ko kay sir
Kasi curious ako sa nangyari at pala bang may alam ako sa storya or related sa story pero nasa dulo ng utak ko hindi ko maalala, hindi ko alam kung namalikmata lang ako kasi palang nagulat si sir sa tanong ko.
“Nabaliw siya dahil sa trauma at pagkashock” simpleng sagot ni sir
Hindi ako makumbinse sa sagot ni sir. Feeling ko ay may something na mali sa story ni sir.
“Kaya wag kayong lalabas ng gabi, delikado, Okay!” babala ni sir.
“Okay po!” sabay sabay silang sumagot
“Palagay niyo, sino yung pumatay?” tanong ni sir na sadyang ikinagulat namin.
“Sir---” bago pa ako makapagsalita biglang nagbukas yung ilaw at may pumasok na Security Guard.
“Huminto na po yung ulan at hindi na blankout, pwede na po kayong umuwi”sabi ng Guard.
“Okay po sunod na lang kami’ sabi ni sir
May sundo na yung iba kong kasama maliban sa akin kaya nagvolunteer si sir na ihatid ako nagtext na rin si sir sa parents ko na siya na maghahatid sa akin na sadyang ikinakilig ko naman at nagpasalamat na hindi ako masusundo nila papa.
*Growl*
Nahiya ako ng biglang kumulo yung tiyan ko, nagugutom na ako.
“Dumaan muna tayo sa mamihan bago umuwi.” sabi ni sir.
“Ang kuripot mo naman sir. Mami?” biro ko sa kanya.
“Hahaha. Iyon lang kasi kaya ng budget eh” natawang sabi ni sir.
Pero sa totoo lang ay perfect ang Mami pagkayari ng ulan.
Pagkatapos namin kumain at maihatid ay umalis na siya. Hindi ako makatulog kaya ikinuwento ko kay mama yung story na ikinuwento ni sir sa amin.
“Saan mo narinig yan?” tanong ni mama na ikinagulat ko dahil mukhang nagulat si mama sa tanong ko.
“Sa Sir ko po, Sir Steven Drew po” sabi ko “.
“Raine, simula ng maclosed ang kaso na iyon at nagsara na din ang school dahil wala nang gustong mag-aral doon at yung school na sinabi sa kwento ay hindi Rats High School kundi----” hindi ko na pinatapos si mama ..
“Star Academy” pagsingit ko.
“Yes, yung abandonadong private school ng Star Academy pero paano mo nalaman?” tanong ni mama.
“Sa lumang newspaper po na nasa kwarto niyo?” sagot ko na aking ipinagtaka dahil noong 2000 pa yung newpaper at 2018 na pero nasa kwarto pa rin ni mama yung newspaper.
“Saan nalaman ng sir mo yung story?” tanong ni mama,
“Sa internet daw po” sabi ko na ikinagulat ni mama.
“Ma? Bakit?”
“Raine, impossible yun dahil kahit sa internet ay binura na iyon..” sabi ni mama na mas nacurious pa ako, kung bakit nalaman ni sir yun.
“Mama paano nila nalaman yung nangyari kung ang mga bangkay at yung witness ay nawawala at pinatay” tanong ko.
“Sa Basement ng school, natagpuan ang bangkay ng studyante at ang mga hinihinalang witnesses na brutal na pinatay”sabi ni mama
“Yung criminal po, anong nangyari?” tanong ko .
“Patay na siya.” takot na sabi ni mama dahil mukhang may naa-alala siya
“Paano po namatay?” tanong ko at hindi sumagot si mama
“Ma? May nalalaman po ba kayo tungkol doon ?” madiin kong tanong
Hindi kumibo si mama pero hinintay ko lang siya hanggang magsimula ulit siyang magsalita at ikinagulat ko ang mga sinabi niya..
“Raine, I was a student at Star Academy bago mamatay ang mga kaibigan ko na sina Cake, Violet at Jun, habang si Paulo naman ay….alam mo na yung nasa story nabaliw siya kaya raine napakaimpossible na Accurate yung story na para bang nadoon siya mismo”
Nagulat ako sa mga sumunod na sinabi ni Mama.
“Nakita niyo na po ba si Paulo?” tanong ko
“Nakapatay siya at iyon yung pumatay sa kaibigan namin, nakulong at nagsuicide” sabi ni mama na sobrang lungkot at takot ng kaniyang expresyon.
Hindi na ako nagtanong baka kasi umiyak na siya at hindi ko kayanin ang panoorin siyang umiiyak. Pumasok na ako ng kwarto ko pero hindi ako makatulog dahil sa mga nalaman ko. Doon ako napaisip ng mataimtim.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Kakila-kilabot Sa Ilalim Ng Liwanag Ng Kandila
УжасыNastranded si Raine Deguzman sa kanilang school kasama ang kaniyang apat na kaklase at guro, dahil sa biglaang paglakas ng bagyo. Bilang pampalipas ng oras, naisipan nilang magkwentuhan ng mga kakatatakutan. Patay ang ilaw at isang kandila ang nakas...