Chapter 02

344 5 2
                                    

Trigger Warning!


Nakaupo ako sa aking study table, pinipilit kong kainin ang iniwang pagkain na binigay ni ate Nelia. Dalawang buwan na akong hindi kumakain nang maayos, hindi na ako ganuon katakaw sa pagkain. Minsan nga ay nakakalimutan kong hindi pa pala ako kumakain, kung hindi lang ako papaalalahanan ni ate Nelia.



"Tsk kailangan ba talagang kumain ako?!" Inis na sabi ko sa pagkaing kaharap ko, muka akong baliw na kinakausap ito.



Pero bigla akong napatalon sa kinauupuan ko, noong mawalan ng ilaw ang buong bahay. Brownout?!



Agad na nangilid ang luha sa mata ko, napahawak ako agad saaking tuhod. Habang walang tigil ang pagsigawa ko, ayaw ko sa madilim na lugar! Ayaw ko! Ayaw ko bumalik doon! Ayaw ko doon!



"PALABASIN NINYO AKO DITO!"



Hindi ko namapigilang mag wala, halos isiksik ko ang sarili ko sa pader. Noong umatras ako, pag tingin ko sa harapan ko. Ay nakita ko na naman ang mga senaryo na ayaw ko nang makita, mga panahong torture ang inaabot ko araw-araw.



"TAMA NA! TAMA NA! TAMA NA!"  Iyak na sigaw ko, naramdaman ko ang mga mabibigat na takbo na galing sa labas.



Siguradong sila kuya ito, tutulungan nila ako hindi ba? Papalabasin nila ako dito? Ayaw ko dito!



"PALABASIN NINYO AKO! KUYA! AYAW KO DITO!"



Hanggang sa nakikita ko na ang palapit na palapit na lalakeng naka maskara saakin, ayaw ko na dito! Bakit andito s'ya sa kwarto ko?! Bakit s'ya andito?!



"W-wag kang lalapit! W-wag kang lalapit! D'yan ka lang! AHHHHHHH!"



Hanggang sa bumalik na ang kuryente, at nagising na ako sa kabaliwan ko. Napatingin ako sa pawis na pawis na si Kuya Crius, andito nga pala sila. Alam ko bumisita kasi sila.



Agad ko s'yang niyakap, at walang pagaalinlangan akong umiyak. Ayaw ko doon! Ayaw ko na please lang! Hwag na sana ako habulin ng mga memorya na iyon.



"Are you ok? Why are you shaking?" Sabi nito, pero hinigpit ko lang ang pagyakap ko sakanya.



"K-kuya ayaw ko doon! Ayaw ko doon! Ayaw ko doon..."



At naramdaman ko na lang nag dilim ang buong paligid, at bumagsak na ang katawan ko sa sobrang pagod.



--

CRIUS'S POV



"Then we have a deal, let Andee decide kung gusto n'yang tumira saamin. Or kung g—"



Hindi natuloy ang sasabihin ko, sapagkat biglaang nawalan ng kuryente. Hindi naman ako takot sa dilim, kaya walang problema saakin. Prente lang sana akong nakaupo sa kinakaupuan ko, kung hindi ko lamang narinig ang matinis na pag sigaw ni Andee.



"Si Andee! Takot si Andee sa dilim!" Base sakanyang boses ni Elly Vasquez ito.



Agad akong tumayo, at tumakbo sa taas. Wala nang pake kung ako man ay madapa, halos humarurot ang puso ko noong marinig ko muli ang pagsigaw n'ya.



"W-wag kang lalapit! W-wag kang lalapit! D'yan ka lang! AHHHHHHH!"




Dinig ko ang mga salitang iyon na lumabas sa bibig n'ya, pero wala s'yang kasama sa kwarto? Wala akong maramdaman na may ibang tao.



The last of ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon