Chapter 16

158 2 9
                                    

Votes and Comments are highly appreciated.

--

NALIA'S POV 

Nakikinig lang ako sa usapan ng mga Vasquez sa ibaba, napangisi ako dahil gumana ang plano namin. Isa talaga malalaking hangal at tanga ang mga Vasquez, ang kapangyarihan nila sa lipunan ay hindi nga masusukat. Ngunit madali pa rin silang ma traydor, at malinlang.

Nagkakagulo na silang lahat, nakakatuwang makitang magkagulo ang mga daga. Habang ang mga pusa, ay nagsasaya. 

"Naayos na lahat, nagkagulo na sila gaya ng plano mo." 

[Mabuti, alam mo na ang susunod.]

Ibinaba ko kaagad ang telepono, bago ako bumalik sa kwarto ko.

Tsk.. Tsk.. Tsk.. Andee, bakit mo ako pinagkatiwalaan? Bobo.

Agad kong kinuha ang isang kahon sa ilalim ng kama ko, inilabas ko doon ang baril. Buhay ang kinuha nila saakin! Tama lang na mamatay sila! 

"Kung hindi ko kayo kayang maparusahan gamit ang batas, gagamit ako ng dahas sa pamilya ninyo! At uunahin kung gantihan ang pinakamahina sa inyo." 

CRIUS'S POV

"WALA PA RIN SIYA?!"

Sigaw ni Chairman Lewis, lahat kami ay naghihintay kay Andee. Ilang araw na siyang nawawala, at kahit ang mga Vasquez ay hindi masabi kung nasaan siya. Napahilot sa sintedo si Papa, at ang kambal naman ay halatang nagaalala na rin.

"Pumayag na nga tayo na hindi pakealaman ang relasyon ni Andee sa pamilya nila! Pero hindi ko akalain na aabot sa ganito!" Dagdag nito.

"Ni hindi na natin pinakilala si Andee, dahil sabi ni Elly na malaking issue ito! Pero mga de puta! Ang pamilyang iyon, hindi marunong bantayan ang apo ko!" 

Naibato pa nito ang vase, hindi na kami nagulat. Lahat kami dito ay alam na ayaw ni Chairman Lewis sa kanila, kaya nga si Dad ay nagpakasal sa Mama ko.

"Chairman, huminahon po kayo." Ani ni Mommy, sinalinan niya ito ng tubig.

Natahimik ang buong pamilya namin noong tumunog ang telepono ni Daddy, kumunot ang noo nito noong makita niya kung sino ang tumatawag.

"Sino ang tumatawag?" Tanong ni Mommy.

"Unknown number."

Agad niya itong sinagot, at ini-speaker mode.

[Nagkakagulo rin ba ang mga Lewis?] 

Nanlaki ang mga mata namin noong marinig namin ang boses na iyon, isang malalim na boses. Pero natatandaan ko pa kung sino ito.

[Kamusta kana Cassian? Alam mo na miss kita.} Tatawa tawang sabi nito.

[Kaibigan... na miss kita AHAHAHAH!]

"Hayop ka! Bakit buhay kapa?!" Nanggalaiting sabi ni Dad.

[Kasi hindi pa ako patay? Cassian, alam mo noon sabi ko. Hihintayin ko ang karma ninyo, pero ngayon naisip ko. Bakit hindi ako ang maging karma ng kasalanan ninyo?]

Natatandaan ko ang boses niya, pero hindi ko maalala ang muka at pangalan niya...

"Anong sinasabi mo?!"

[Dahil sa inyo, nadamay ang isang inosenteng batang wala kaalam alam. Ang karma mo, ay ang anak mo.]

Sabi nito bago binaba ang tawag, nakita ko ang gulat sa muka ni Dad. Tila hindi niya na proseso ang mga narinig niya, maski kami ay kumunot ang noo. Kinabahan ang bawat isa saamin dahil sa sinabi niya, hindi ko siya matandaan pero parang matagal ko na siyang kilala.

The last of ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon