Chapter 07

237 6 4
                                    

"ANO BA!" Inis na sigaw ko dito, pero s'ya patuloy pa rin sa pagyakap sa bewang ko.



"Z kita mong nag hihiwa ako dito eh! Takte, lumayas ka nga d'yan! Para kang linta kung kumapit eh!" Iritadong sigaw ko sakanya, pero s'ya patuloy pa rin sa pagiging clingy.



Nagluluto kasi ako dito sa bahay n'ya, dito kami tumambay. Dahil naabutan na kami ng ulan, dapat aalis kami ngayon. Kaso sa sobrang lakas ng ulan, sinabi ko na lang na mag stay na lang kami sa bahay n'ya. At magluluto na lang ako.



"Ang bango naman ng asawa ko..."



Nanindig ang balahibo ko dahil sa sinabi n'ya, ang husky nung pagka sabi n'ya eh. Nararamdaman ko na ang pamumula ng muka ko! Letse itong letrang 'to!



"S-saksakin kita d'yan eh!" Sigaw ko dito! Pero s'ya tumawa lang.



"I love this feeling... Can you stay forever? Can we be like this in the future?" Sabi nito, dama ko na ang kaseryosohan sa boses n'ya.



Napagakat ako sa labi ko dahil sa sinabi n'ya, hindi ko din alam Z...



"Alam mo... Buong buhay ko ako lang mag isa dito sa bahay." Malungkot na sabi nito, habang nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat. Ang higpit nang pagyakap n'ya saaking bewang, tila takot s'yang mawawala ako agad...



Agad kong ibinaba ang kotsilyong hawak ko at ang patatas na hihiwain ko na dapat, bago ako humarap sakanyan. Doon ko nakita ang sakit, at mabigat na dinadala n'ya. Sinong magaakalang may ganitong side ang isang Ashton Z Smith?



"But you came... You saved me." Bulong nito saakin, habang nakatingin s'ya na punong puno ng emosyon at sinseredad.



"I feel empty everytime uuwi ako... I did not hire any maids, or even a butler, o kahit mga guards... It was just me. This mansion... Does not feel like home. Pero nung dumating ka, pakiramdam ko naging maliwanag ang bahay na 'to. Pakiramdam ko ang sarap palang mabuhay... Dati kasi hindi ako takot kung mamatay ako, o kung may papatay saakin dahil sa dami ng kaaway ko. Pero dumating ka... ngayon takot na ako na mawala. You gave a meaningful meaning to my life, thank you."

The last of ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon