Chapter 13

129 3 0
                                    

Votes and Comments are highly appreciated!

--

YASMIN'S POV

Pagod akong naglakad papapunta sa bahay, ang daming nangyari naguguluhan ako at parang pasan ko ang mundo sa bigat ng pakiramdam ko. 

Ako lang mag-isa sa bahay, ang mga parents ko ay nasa business trips as usual. Wala namang bago sa ganun, pero pag andito sila sinisiguro nila na makakapag bonding kami. 

Mag do-doorbell na sana ako, pero nagulat ako noong may humawak sa braso ko. I was caught off guard, I can't even react. Nanlake ang mata ko noong magakatitigan kami, pakiramdam ko pa nga naka nganga ako dahil sa gulat. 

"A-Arawn? Anong ginagawa mo dito?" Puno nang pagtataka akong nakatingin sakanya, hindi ko maintindihan bakit andito siya? Hindi kaya may nangyari kay Andee? 

He did not respond, nakatitig lang siya saakin. At magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako natutunaw sa mga tingin niya, bumibilis din ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Kinakabahan ako...

"Are you ok? You look drunk." Nagaalalang tanong ko noong makita ko ang pamumungay ng mata niya, namumula rin ang tenga niya. 

Lalapit na sana ako sakanya, pero nagulat ako noong niyakap niya ako. Napasubsob ako sa dibdib niya, at ngayong mas malapit na ako naamoy ko na ang alak sakanya. 

This is so unusual of him.

"A-Arawn?" I was confused, anong nangyayare bakit niya ako niyakap?!

"Just stay, please." 

I feel my tense body crushed in his muscular athletic body, I slowly loosen up noong maramdaman ko na wala naman siyang gagawing masama saakin.

"D-do you have any problem? W-why are you hugging me?" Nagtatakang tanong ko dito.

We are not close sa totoo lang, we just know each other dahil nga classmates kami. But now I'm confused on why is he acting strange now.

Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay kumalas na siya sa yakap namin, hinawakan niya ang dalawang balikat ko kaya mas lalong nangunot ang noo ko sa inaakto niya. Magsasalita na sana si Arawn, pero napasigaw na lamang ako noong may humila sa kaniya at sinuntok siya sa pisnge. 

Nanlake ang mata ko noong makita ko ang galit sa muka ni Van, lumalabas na ang ugat sa kamay niya dahil sa higpit ng pag hawak niya sa kamao niya. Napatingin naman ako kay Arawn na napaupo dahil sa suntok ni Van, dumudugo ang gilid ng labi nito.

Lalapitan ko na sana si Arawn, ngunit mabilis itong tumayo sa pagkakaupo niya bago sinunggaban ng suntok si Van. Naguguluhan ako, at hindi ko alam ang gagawin noong nangsimula na silang magaway dalawa.

"Arawn! Van! Ano ba!" Pilit ako pumapagitan sa kanilang dalawa, pero iba pa rin ang lakas nila.

"Van! Tumigil kana!" 

Hinila ko si Van papalayo noong sinimulan niyang suntukin muli si Arawn, nahila ko naman ito palayo. Nanginginig ang buong katawan niya dahil sa galit, at ang paghinga niya ay lumalalim.

"Ano ba kayong dalawa ha?! Bakit ba kayo nagaaway?! Hindi ba kayo matigil ha?! Pati sa school nag aaway, ngayon sa harapan ng bahay namin magaaway din kayo?!" Sigaw ko sakanilang dalawa, pero pareho lang silang nag sasamaan nang tingin sa isa't isa.

"I told you do not touch her! I already warned you! You piece of shit!" Sigaw ni Van, anumang oras ay parang susugod ito kay Arawn.

"Bakit pag may aari mo ba siya? Kayo ba?! Don't be such a bastard Van! Eh pinapabayaan mo lang naman siya diba?!" Gatong naman ni Arawn.

The last of ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon