Chapter 17

86 2 1
                                    

Hi guys! Long time no update, nag update na ako after one hundred years. Char! Ang oa! Busy lang talaga si author, kaya sana 'wag mainip sa mga updates.

One day at the time lang guys. Medyo nahihirapan din me sa daming nasa schedule ko huhuhu!

Enjoy reading! Love lots! ^3^

--

Z'S POV

"Do it." 

Nanlaki ang mata ko na tumingin sa mga mata ng tatay ko, inuutusan niya ako ng isang bagay na hindi ko masikmura.

Isang batang sampong taong gulang, ganito ang pinagagawa niya? Hindi ba ay isa itong kasalanan sa batas?! 

"D-Dad... I-I can't..."

"I SAID DO IT!" 

Dahil sa sigaw niya ay pikit mata kong pinaputok ang baril, dumaing ang lalake na nakatayo dahil sa ginawa ko. Am I a killer?

"Open your god damn eyes Ashton! Do not close your eyes, and see what you did!" Sigaw nito.

Maluhaluha kong binuksan dahan-dahan ang mga mata ko, at halos panghinaan ako noong makita ko ang lalake na namimilipit na sa sakit dahil sa tama ng bala sa braso niya. Hindi ko na napigilan ang pagluha ko, nabitawan ko ang baril at hindi ko na marinig ang galit na sigaw ni Dad.

Nagising lang ako sa katotohanan, noong sampalin niya ako at maramdaman ko ang sakit sa kaliwang pisngi ko.

"Do not fucking cry! If you kill someone do not cry!" Duro nito sa muka ko.

"Always remember, no mercy. Kill them with no mercy." 

Pagkaalis niya sa harapan ko, ay doon ko na pinilit punasan ang luha sa mga mata ko. Hindi na humihinga ang taong nabaril ko, naubusan siya ng dugo. 

Mamatay tao na ako, gaya niya. 

Isang mamatay tao.

NANINIGARILYO ako habang nakatingin sa lalake na nakatali sa upuan, sumenyas ako na gisingin na ito. Kaya naman binuhusan ito ng malamig na tubig, agad naman itong nahimasmasan. Naghintay ako ng ilang segundo bago niya ma realize kung nasaan siya, ibinuga ko ang sigarilyo ko noong makita ko ang gulat na muka niya sa nakataling kamay niya.

"A-Ano ito?!" 

Napatingin ito saakin, nakita ko ang panlalake sa mata nito. 

"Smith? A-Ano? Bakit ako nakatali?!" Gulat na gulat itong tumingin saakin. 

"May gusto lang akong alamin, 'wag kang mag-alala Kai dati naman tayong mag kaibigan kaya magiging mabait ako sa'yo." 

Ani ko dito habang kumuha muli ng sigarilyo sa kaha, at sinindihan ito.

"Z, bakit ba kasi natin 'to ginagawa kay Kai?!" Sigaw ni Timothy, sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumahimik siya.

"Alam mo na ano?" Natatawang sabi ni Kai, napatigil ako sa pagbuga ng asking sigarilyo.

Nakangisi na siya sa harapan ko ngayon, ramdam ko ang mga tingin ng aming kaklase na nag tataka at hindi maintindihan ang aming usapan.

Agad akong lumapit sa pwesto niya, seryoso akong tumingin sa mga mata niya. Nakita ko ang nakakalokong muka nito, natatawa na siya ngayon sa harapan ko. Tila gusto niyang maubos ang pasensya ko.

"Kung alam mo na, bakit hindi mo pa ako patayin? Hindi ba ayaw mo sa mga traydor?" Natatawang ani nito.

Sa pikon ko sa tawa niya, ay inilagay ko ang sigarilyo ko sa balikat niya.

"AHHH! Shit!" Sigaw nito.

Narinig ko ang mga angal ng mga kasamahan ko, ngunit hindi sila makalapit sahil alam nila ang utos ko. May isang salita ako.

"Akala mo ba natatakot akong patayin ka? You must be joking?" Natatawang ani ko.

"A-Ano bang nangyayare? Bakit mo ba sinasabi na traydor siya?" Lakad loob na sabi ni Timothy.

"Sagutin mo ang tanong ni Timothy." Matigas na salitang sabi ko sakanya.

Lumingon naman siya sa nagtatakang si Timothy, hindi niya sinabi ngunit nakita ko sa mga mata ni Kai na parang ayaw niyang mawala ang tiwala ng mga kaklase namin sakanya.

"Bakit hindi ka makapagsalita? Dahil alam mo na mawawala ang tiwala nila sa'yo!" Sigaw ko, at muli ko ulit diniin ang sigarilyo ko sa braso niya.

Maririnig ang sigaw niya sa apat na sulok ng bodega, pero wala ni isang nagalinlang na tumulong.

Narinig ko muli ang pagtawa niya, wala talaga siyang planong sabihin sakanila?

"Akala mo naman malinis ka Z." Madiin na sabi niya. Tumitig siya sa akin, may ngisi sa mga labi niya. "Oo nga pala, wala kang pake, kasi mamatay tao ka—"

Hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil tinarak ko ang kaunting natitirang sigarilyo sa mata niya, dahil sa mga sigaw niya napangiti na lang ako dahil sa satispaksyon na nararamdaman ko.

"Z! That's enough!" Nagulat ako dahil sa pag hila ni Van saakin, kitang kita sa mga mata niya ang galit.

"What are you thinking?!" Galit na sigaw niya, napangisi na lamang ako.

Umisa pa s'ya.

"Alam mo Van, dapat talaga hindi pinagkakatiwalaan ang mga traydor. Alam mo na hindi ba? Sabagay nakuha niya na ang loob mo. Why did you already have sex her? Masarap ba siya sa ka—"

Nagulat na lamang ako dahil sa malakas na suntok sa kaliwang pisngi ko, nalasahan ko ang dugo na mula dito.  Napatawa na lamang ako, habang hinahawakan ang labi Kong may dugo na.

"Z SINASABI KO SA'YO 'WAG MONG BABASTUSIN SA HARAPAN KO ANG KAPATID KO!" Narinig kong malakas na pagwawala ni Kai, sinusubukan niyang makaalis sa pagkatali niya.

"May kapatid si Kai?"

"Huh? Sino?"

"Weh hindi nga?"

"Teh may kapatid siya? Bakit hindi na ako updated???"

Iba ibang reaction ang maririnig sa paligid, Hindi ko na masyadong pinansin ang mga salita nila.

"Bastos yang bunganga mo! Kahit kailan hindi mo alam ang salitang respeto!" Sigaw ni Van, rinig na rinig ang diin nang mga salita niya.

Wala na akong pakealam kung ano ang nangyayare, ngumiti na lamang ako sakanila bago nag lakad paalis.

Hindi talaga ganito ang plano, pero may panira lang talaga.

Agad kong pinaharurot ang kotse ko, sa sobrang gigil ko ay hindi ko na alam kung saan ako papunta. Basta ang alam ko ay gusto Kong mawala lahat ng galit na nararamdaman ko.

Hindi ito ang unang beses na may traydor akong malapit sa buhay ko, sadyang hindi ko lang inaasahan kung sino ang mga taong iyon.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong bigat sa puso ko, noon wala akong pakealam kung sinong tra-traydor sa likuran ko. Pag nalaman ko na trinaydor mo ako, buhay na ang kapalit nun. Ngunit iba ngayon, iba sila.

Trinaydor ako ng nanay ko, para sa pera. Trinaydor at ginamit ako ng tatay ko, para sa pansariling kagustuhan niya. Lahat sila traydor!

Walang ni isang natira sa akin, dahil lahat sila tinitira ako patalikod. Ni maski pamilya ko ginagawa yun, dahil sa mana. Dahil sa nagagawa ng pera.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The last of ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon