Chapter 11

151 2 2
                                    

Anong kaguluhan ito?




BIgla na lang kasi nagtatakbuhan ang mga estudyante sa labas nitong school, napakunot tuloy ang noo ko. Lunch break namin, kaya ito andito kami pagalagala. 




"Anong meron?" Tanong ni Leo.




"Muka bang alam namin?" Sarkastikong sabi ni Quest.




"Letse ka Quest!" Asar naman na sabi ni Leo.




At dahil curious kami sumunod kami sa mga estudyante na nagtatakbuhan palabas, sa may gate sila nitong school nagkakagulo. 




"Ang angas, sino yang mga yan?"




"Ang po-pogi! KYAHH!"




"Akin na lang yung babaeng yun oh, ang ganda pre." 




"New students ba sila?"




Ayan ang mga bulungan na nasagap namin, kunot noong nag katinginan kaming lahat. Nakisingit kami sa mga kumpulan ng mga estudyante. Bago ko makita ang mga pinag pye-pyestahan nila.




Kumunot ang noo ko sa nakita ko, anong ginagawa nila dito?




Si Krixtian na nakasandal sa motor niya, habang humihithit ng sigarilyo. 




Si Maura na naka poker face, habang nakatayo sa tabi ni Krixtian. 




Si Catalina, na bored na nag scroll sa cellphone niya.




Si Zayn na nakabukas ang bintana ng kotse. 



Si Gwyneth na kausap si Gazar. 


The last of ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon