Chapter 4
(Past)
"The Sorrow Victory"
Scene Sixteen
Sa kampo Norte...
"Capitan Aldryn. Masamang balita!!! Naharang at nakuha ang halos kalahati ng ating mga pangangailangan ng mga tulisan. Pero may nakaligtas ang mukhang ang mga kalaban daw ang mga nagnakaw at pumatay sa mga pangkat natin at tagapaggamot." Hingal na hingal at ani ng isang kawal.
"Ano?! Pano nangyari yun? San dumaan at bakit doon dumaan ang mga tagapag gamot at ang iba nating mga pangangailangan? Papaano nalaman ng kalaban at bakit nasalubong sila? Diba inutusan kong sama sama, mahuhuli lamang ng bahagya?" Gulat na gulat at tugon ni Capitan Aldryn.
Nakayoko lamang ang mga kawal.
"Si General Jolo po ang nag-utos na ilihis ng daan ang mga taga paggamot at ang iba nating pangangailangan." Tugon ng isang kawal.
"Nasan si General Jolo?" Tanong ni Capitan Aldryn.
"Nasa kampo malapit sa isang sapa sa gawin kanlurang Norte." Ani muli ng kawal.
Naghanda si Aldryn at sumakay agad sa kabayo. Sumama sila Deo at ang iba pang mga mandirigma kay Aldryn.
Scene Seventeen
Dumating ang grupo nila Aldryn at agad nagtungo ito sa Tent ni General Jolo.
Pumasok ito ng derederetcho...."Alam mo naba ang nangyari sa mga manggagamot at ng iba nating mga pangangailangan?" Halata ang lungkot at galit kay Capitan Aldryn.
"Oo. At kinalulungkot ko ito. Pero anong magagawa natin, nangyari na at talagang malakas at magaling ang kalaban." Kalmadong tugon ni General Jolo.
Nilapitan ni Adryn si General Jolo at hinawakan sa damit.
Nagkaroon ng panic sa tent na iyon.
Biglang naglabasan ng mga sword ang nagtutukan ang mga kanya kanyang body guard ng dalawang panig."Tignan mo ang ginagawa mo Capitan Aldryn? Bukod sa wala ka ng galang sa General nyo, gagawa ka pa ng eksena para kahati ang mga kawal. Magkakampi tayo dito. Bakit mo sakin sinisisi ang pagkamatay nila?" Biglang bait baitan at hugas kamay ni Jolo.
Ninitawan ni Aldryn si Jolo at inutusan na lumabas sila Deo at mga kasamahan nya.
Ganun din ang ginawa ni Jolo, pinaalis rin ang mga bodyguard nya at panig sakanya.Pero bago umalis si Deo at umutot ito at dumila kay Jolo.
Ng makaalis na ang lahat at sila na lang dalawa ang natitira ay nagsalita muli si Adryn.
"Alam mo bang ang ilan sa mga mangagamot ay kababata natin? Kalaro na natin noon pa at kasama nating lumaki.." Malungkot na ani ni Captain Jolo.
"Alam ko pero anong magagawa ko?" Sabay alok ng alak kay Captain Aldryn.
"Meron kang magagawa. Bakit mo hinayaan at bawasan ang mga bantay para sakanila. Bakit mo inilihis ang daan nila? Alam mong mahalaga ang mga kargada na lamang ng kanilang karwahe. Diba dapat nasa likod lang natin sila. Hindi dapat masyado na lalayo sa ating paglalakbay." Ani ni Aldryn.
"Kaya ko nga iniiwas, para pag nilusob tayo, hindi sila madadamay at may sasagip satin at gagamot pa." Sabay inom at balat ng mansanas gamit ang isang punyal at kain ng mansanas ni General Jolo.
Tinitigan lamang ito ni Aldryn at hindi naniniwala sa mga sinasabi.
Namukaan nya ang gamit na punyal."Nasasaiyo pala ang punyal na iyan. Ibinigay sakin yan ng matandang tinulungan ko dahil sa isang leon." Biglang ani ni Aldryn.
BINABASA MO ANG
The Time Mirror (Fantasy-Comedy-Romance)
FantasyThe Time Mirror (Past, Present and Future) by:Kryz Conwi "Galing sa nakaraan, isang pagibig ang naudlot,ng dahil sa isang maling pag-aakala na naging sanhi ng isang trahedya. Ngunit ng dahil sa mahiwagang salamin, ay pagkakataong maaring...