Chapter Two "The Preparation"

47 1 0
                                    

Chapter 2

(Past)

"The Preparation"

Scene Six

Bumukas ang pinto kung saan ang tanggapan at nasan ang. Haring naghihintay.

"Andito na po si Captain Aldryn mahal na Haring Apo." Ani at sabay bigay galang ng isa sa mga tauhan ng hari.

Nagbigay galang si Aldryn.

"Ipinatatawag nyo po ako Haring Apo." Ani ni Aldryn.

Ngumiti ang Hari.

"Oo. Alam kong hindi lingid sayo ang ginawang hakbang ng mga kalaban natin."

Tumungo ang Capitan.

"Nabalitaan ko rin na ikaw pala ang nangunguna ngayong sating mga hukbo." Ani muli ng hari.

"Opo haring Apo. Tinanggihan ko po ngunit sila po ang namimilit. Wala narin pong oras para mag-isip at hangad ko rin na maayos at makapaghanda na ang hukbo para rin saating kaharian at sa aking bayan..." Paliwanag ni Capitan Aldryn.

"Naiintindihan ko, at alam ko kung bakit ka nila pinili. Kamusta na nga pala ang iyong ama? Ang aking matalik na kaibigang si Orello?" Tanong at sympatya ng Hari sa kapitang kausap.

"Maayos na po sya. Ngunit dala ng kanyang katandaan at karamdaman, kahit hilom na ang mga sugat ay mahina parin ito para sumabak."

"Naiintindihan ko. Kung ganun, hinahayaan kitang manguna sa ating hukbo."

Biglang sumingit ang hukom.

"Ngunit hindi ba napakadali ng desisyong iyan? Baka gusto mo munang sumangguni Mahal na Hari sa mga nakatatanda para sa iapapalit na mas karapat dapat sa General..." Ani ni Judge Gosval.

"Gaya ng mga narinig mo, wala ng oras, at sya ang napili ring sundin ng ating mga tao." Tugon agad ng hari.

Natameme at napahiya ang Hukom.

"Mahal na Haring Apo. May gusto rin po sana akong idagdag. Ngunit kung maari ay makausap kayo na kayo lamang. Tungkol po ito sa Prinsesa." Nilakasan ang loob na ani ng binatang Kapitan.

Napaisip ang Hari.

Biglang may dumating.

"Mahal na Hari, handa na po ang mga kontribustyon ng ating mamayan para sa paglalakbay ng ating mga mandirigma." Ani at bigay galang rin sa Hari.

"Oo nga pala. Capitan Aldryn, ikaw na ang bahala. Sumama ka sakanya para makuha nyo ang mga kakailanganin nyo sa paglalakbay bukas. At wala na tayong oras." Pakiusap ng Hari at suyo.

Tumugon si Aldryn at ngumiti.

Scene Seven

Kinaumagahan...

"General, hmmmm...sarap naman nun.(sabay tingin sa ngiti ng kasama). Anong meron sa araw na ito at kanina pa nakangiti ang matalik kong kaibigan?" halatang nang aasar sakanyang kaibigan habang naglalakad sila sa pamilihan.

"Deo,Deo,Deo.. Yang gintong buhok mo na lang ang pansinin mo kesa itong bibig ko ang tinititigan mo, kinikilabutan ako sayo.." Ganti ni General Aldryn.

"Mukhang napakaimportante yata nito at pinagliban mo ang pagsasanay ng huling pangkat at itinakas mo ang beauty ko". pang aasar muli.

"Deo, Deo, Deo, babalik rin tayo agad at sasaglit lang tayo dito sa pamalihan. AT kahit lumusob man sila, handa tayo ano mang oras. Kaya samahan mo nalamang ako at magmadali tayo at isa pa, may dadaanan rin tayo dito na mga kailangan natin bago tumungo sa bandang norte. At Deo, Deo, Deo hindi kita itinakas, kain ka lang ng kain doon at suklay ka lang ng suklay at wala ka naman ginagawa." sagot muli ni ALdryn sa kaibigan habang patuloy na naglalakad sila sa pamilihan.

The Time Mirror (Fantasy-Comedy-Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon