Chapter Six "Present World"

31 1 0
                                    

Chapter Six

(Present)

"Kasalukuyan"

Scene TwentySix

Sa isang banda ng Arts and History Museum.

Nagkasalubong ang dalawang dating magkaibigan..

"Gracey.." Ani ng babaeng kahawig ni Prinsesa Mia.

"Ria.." Pagka tugon ay bigla itong yumuko at gustong umiwas sa kaibigang biglang nakasalubong.

"Gracey.." Habol ni Ria sa kaibigan.

Biglang may pumigil kay Ria at niyakap ito.
Matangkad ito at gwapo. Halatado na isa itong varsity player dahil sa suot na varsity jacket ng football.

"Ahoy, san ka pupunta aking binibini?" Sabay halik nito sa labi at yakap.

"Cean..." Gulat at walang nagawa na si Ria.

"Hayaan muna ang weirdo mong kaibigan. Kung ayaw kang pansinin o kausapin e di pabayaan mo. Tara, nandun ang tropa. Papasok narin kami sa loob ng boring na museum na ito." Ani ji Cean.

Tumingin muli si Ria sa kaibigang si Gracey. Dahil sa pagpupumilit ng kanyang boyfriend ay sumama na rin ito.
Nakatingin lamang si Gracey kay Ria at bakas ang lungkot sa mga mata nito.

Scene TwentySeven

Sa isang banda ng museum...

"Bilog! May atraso ka samin. Bakit mo kami sinumbong kay teacher?" Ani ng isang matangkad at matabang bata sa hawak na kaklase na halos kalahati ng kanyang katawan ang laki.

"Bitawan nyo ko. Bitawan nyo ko!" Pilit na gustong pumiglas sa kaklaseng laging nang bubully sakanya.

"Sumbungero naman talaga yan hikain na yan e. Paano nagpapalakas kay teacher yan si Bilog." Ani pa ng isa pang estudyante na mukhang nasa grade 4.

"Hindi ako nagpapalakas kay teacher. Totoo naman na kayo yung sumira ng gamit ng kaklase natin. Kawawa naman sya. Tuwing nagagalit kayo, pinagtutulong tulungan nyo kami porke madami kayo." Tanggol at paliwanag ni Bilog sa mga kaklaseng bully.

"Kahit na. Pinatawag tuloy yung mga magulang namin. Kala mo kakalimutan namin ito? Humanda ka bilog!!" Ani muli ng malaking kaklaseng bully.

Napansin ito ng isang teacher at kausap na guide sa museum.

"Ano yang kaguluhan dyan Rio? Ano yan Miguel huh? Nananakot ka na naman ba ng kaklase mo?" Sita sakanila ng isang guro.

"Po? Wala po teacher, hinahanap nga po namin si Rio bilog kasi may papakita kami na paintings." Sinungaling bigla ng matabang bully.

Nakakita ng pagkakataon si Rio kaya tumakbo ito papalayo agad sa mga kaklase.

Nagulat ang mga kaklase at nagpaalam kunoh sa guro pero hahabulin lang nila si bilog at gaganti.

Di na binigyan pansin ito ng guro at busy ito sa pakikipagusap rin sa guide at staff ng museum.

Scene TwentyEight

"Ria bakla, andito ka lang pala sa boylet mong napakahangin." Tapik bigla ng isang dalaga kay Ria. Payat ito, morena perohalata ang pagiging jolly person na katangian nito.

"May sinasabi ka Amber?" Sabay tingin na masama ni Cean sa kaibigan ni Ria.

"Wala, sabi ko, yung poging sikat na tinitilian ng buong campus na captain ng football na magaling na si Cean pala ang kasama mo." Sabay bawi ng ngiti si Amber kay Cean.

The Time Mirror (Fantasy-Comedy-Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon