Chapter 3
(Past)
The Traitor
Scene Eleven
Sa kaharian....
"Judge Gosval, anong kailangan mo?" Tanong ng Hari.
"Hindi nako magpapaligoy-ligoy pa. Alam ko na alam mo kung ano ang nagawang tulong sayo ng aking yumaong kapatid at ng kanyang asawa para sayo at sa kahariang ito." Ani ng Hukom.
"Alam ko iyon at hindi ko makakalimutan at tinatanaw kong utang na loob iyon. Sige ipagpatuloy mo." Tugon ng hari.
"Naiwan aakin ang kanilang mga anak na sila Capitan Joli at si Katarina. Ako na ang tumayong amain ng magkapatid na iyan. Andito ako dahil lam kong alam mo rin na marami na ring nagawa si Capitan Jolo sa iyong paghahari."
"Alam ko iyon. Tinuturing ko narin syang anak at alam mo iyon Hukom." Tugon muli ni Haring Apo.
"Alam mong gusto rin ni Capitan Jolo ang iyong anak na si Prinsesa Mia. At kung tutuusin ay naipangako mo ito sa yumao kong kapatid na sila ang magkakatuluyan." Paliwanag muli ng. Hukom.
"Alam ko."
"Pero alam ko rin na alam mo ang tungkol kay Capitan Aldryn at sa itong anak na Prinsesa. At hinahayaan mo lamang ito."
"Alam ko. Pero mahal ko ang aking anak. Binigyan ko ng pagkakataon si Jolo pero hindi ko hawak ang puso ng aking anak. Ang mahalaga ngayon sa akin ay ang kanyang kaligayahan. Mabait na bata si Aldryn Hukom Gosval." Paliwanag rin ng Hari.
"Alam ko ng sasabihin mo iyan. Kahapon sa palengke, balita na, na balak ng mahpakasal ni Aldryn at kunin ang kamay ng Prinsesa sayo. Kung wala ka ng magagawa tungkol sa mga bagay na ito. Ano naman ang magagawa mo para sa anak ng taong nagbuwia ng buhay para saiyo Haring Apo?" Sumbat ng Hukom.
Napaisip ang Hari.
"Ano ba ang gusto mong mangyari? Pakikinggan ko." Tanong ng Hari.
"Na kay Aldryn na ang Prinsesa, pati ba naman ang buong hukbo at mataas na posisyon ay nasakanya rin? Alam mong magaling at hangad din ni Jolo ang kaayusan at tagumpay ng kaharian. Hinihiling ko na ibigay mo sakanya ang pagiging Leader at General ng hukbo at ng hindi naman sya makaramdam ng pinagkaitan ng lahat." Paliwanag ng Hukom muli.
"Ngunit hindi ako ang pumili, kundi ang buong hukbo mismo."
"Ngunit ang utos ng Hari nga ba ay hindi mababali? Kung iuutos mo ito ay susunod din naman ang buong kawal mo." Paliwanag at pilit muli ng Hukom.
Nag isip ang Hari.
"Sige, alam kong maiintindihan ito ni Aldryn. Ibalita mo na ang pinipili kong General na papalit ay si Jolo. Magkaibigan naman ang dalwang iyan at alam kong pareho sila ng hangarin sa ating kaharian."
Ngumiti ang Hukom.
"Salamat Haring Apo, siguradong matutuwa si Jolo sa balitang ito at matatakpan ang kalungkutan nararamdaman nya ngayon." Pagkaani ay lumisan narin ang Hukom.
Scene Twelve
Sa Hardin...
"Kailangan ko ng umalis mahal kong Prinsesa. Lalo ng lumalapit ang mga kalaban at kailangan namin harangan sila bago pa man mas makalapit sila sa kaharian." Paalam ni aldryn sa kasintahan.
Yumakap ang Prinsesa.
"Mag-iingat ka huh. Gabayan ka sana ng ating panginoon at hihintayin kita Adryn." Ani na halos namumugto na ang mga luha.
Kinuha ang dalang singsing.
"Para sayo. Gusto ko sa pagbalik ko ay suot mo na iyan. Matutuwa akong suot mo iyan na pumapayag kang maging akin na habang buhay. Mahirap na at baka mawala ko pa yan sa labanan. Kaya ikaw na ang magtago." Patawa bigla ng binata.
Nagulat ang prinsesa at gandang ganda sa singsing.
"Oo, mahirap na suutin agad at baka maudlot. Gusto kong ikaw mismo ang magsuot sakin nito sa aking mga kamay."
"Hintayin mo ko huh. Bibigyan lang natin ng leksyon sila."
Tumngo ang prinsesa at ngumiti.
Hinagkan muli ng binata ang dalaga at niyakap nya ito ng mahigpit.
Scene Thirteen
Naghahanda na ang lahat ng mga ibang kawal para sumunod sa norte kasama ng ibang mga naunang mga mandirigma ng nagbabatay at nagkampo doon.
"Iasakay na sa mga karwahe at kabayo ang mga pagkain, tela at mga sandata. Nakuha nyo naba ang iba pang ihahabol na mga panangga?" Sigaw at ani ni Aldryn.
"Oho General este Capitan Aldryn. Maayos napo at kumpleto." Ani ng iba pang leader ng isang pangkat.
Napataka si Adryn sa nasabi ng tauhan. Pero binalewala nya lamang ito.
"Mabuti. Teka nasan ang iba pa?" Biglang napansin ito ni Aldryn.
Nagtinginan ang mga kawal sa isat-isa.
"Capitan, kasama po sila ni Capitan Jolo. Ipinatawag sila at ngayon ay pinagsasanay." Sambit ng isa.
"Pinagsasanay? Wala na tayong oras. Samahan nyo ako doon. Sa mga maiiwan, pakitignan maige ang ating mga kailangan at siguraduhing walang maiiwan at sapat ang lahat pati ang mga pang gamot at para sa mga sugat." Pahabol ni Aldryn.
Scene Fourteen
Dumating si Aldryn sa kung nasan ang mga iba pang pangkat na kanyang hinahanap.
"Anong ibig sabihin nito Capitan Jolo? Wala na tayong oras para ituro mo ang mga bagay na iyan. May mga naituro na ako at maayos na nilang alam ang mga bagay na iyon." Halatang naasar si Aldryn at nangangamba na maaring maguluhan ang mga utak ng mga mandirigma.
"Hindi mo ba alam? Ako ang itinalang General na ngayon ng hari kapalit ng matandang useless na iyong ama." Sabay ngisi nito.
Nainsulto si Aldryn.
"Ngunit ako ang itinalaga ng Hari." Tugon ni Aldryn.
"Pakisabi nga sa Capitan na ito ang utos ng hari at ipakita ang lagda at mensahe ng Hari." Utos bigla ni Genreal Jolo sa kanyang mga tauhan.
Inabot ito ni Aldryn at binasa.
Nakita nya nga ang lagda ng Hari at totoo nga.
"Kung ganun, kung ito ang utos ng Hari ay wala akong magagawa." Pagkaani ay tumingin ito sa mga mandirigma, at halatado sa mga mata ng mandirigma na napipilitan kang din sila kay General Jolo.
"Kung iyong mamarapatin ay nakakasagabal ka sa aming ensayo. Gaya ng sabi mo ay wala ng oras. Hindi lang ikaw ang may utak at hindi lang ikaw ang may kapasidad. Makakaalis kana Capitan." Maangas na parang namamahiya si General Jolo kay Capitan Aldryn.
Nagbigay galang si aldryn kay Jolo at umalis narin.
Scene Fifteen
Sa isang tagong gubat...
Dumating ang isang karwaheng itim...
May mga nakaabang na mga nakaitim din tao at balot ang mga mukha...
Bumukas ang bintana ng karwahe.
Ang Hukom...
"Akala ko ba na sa isang linggo pa ang kasunduan? Bakit ngayon ay biglang nagbabago kayo ng hakbang?" Ani ng Hukom sa mga nakaitim na malalaking katawan na lalaki.
"Nagbago ang desisyon ng Hari ng Sarabia. Mas mainam ito para magulat at mas hindi preparado ang mga SinagTala." Tugon ng isa sa mga lalaki.
"Pero dapat sinasabi nyo sa akin ang mga bawat hakbang nyo. Ng hindi ako nagugulat. Lalo na ngayon, alam na nila na lumalapit na kayo. Namataan kayo kaya handa parin sila. Pero ginawan ko na ng paraan at si General Jolo na ang bahala sa lahat. Ito, kunin mo, ito ang plano, bukas nila balak ng lumapit at salubungin kayo. Kaya humanda narin kayo." Pagkaani at bigay ay sinarado ang bintana at lumakad na ang karwahe at umalis.
BINABASA MO ANG
The Time Mirror (Fantasy-Comedy-Romance)
ФэнтезиThe Time Mirror (Past, Present and Future) by:Kryz Conwi "Galing sa nakaraan, isang pagibig ang naudlot,ng dahil sa isang maling pag-aakala na naging sanhi ng isang trahedya. Ngunit ng dahil sa mahiwagang salamin, ay pagkakataong maaring...