Chapter Five
(Past)
"The Mirror"
Scene TwentyOne
Ng makarating si Capitan Aldryn sa kaharian, bumungad sakanya ang napakaraming tao.
Halos nanlaki ang mga mata ng bawat mamayan ng makita si Capitan Aldryn.
Sinundan nya ang madaming tao at patungo iyon sa Hardin.
Agad din syang bumaba sa kabayo kahit mahina sya."Anong balita? Nagwagi ba tayo?" Biglang tanong nito sa isang lalaki.
"Capitan Aldryn, buhay po kayo. Oho, nagwagi ho tayo laban sa mga nanakop." Nauutal na ani ng lalaki pero bakas ang takot at lungkot dito.
Nagtaka ng bahagya si Aldryn dahil sa ipinakitang lungkot ganung panalo naman pala ang kaharian.
Pero minabuti nyang magtungo sa Hardin at tignan ang tinitignan ng mga tao.
Habang naglalakad sya ay halatado ang gulat ng mga mamayan parin at tila para silang tumabi para bigyan ng daan ang binatang Capitan.
Habang papalapit ng papalapit ito ay unti unting bumubungad na sakanya ang isang babae na nakahiga sa isang salamin na kabaong.
Bumilis ang tibok ng puso at kaba ng binata.
At ng makalapit na ay hindi makapaniwala ang binatang Capitan na ang kanyang minamahal na prinsesa ay wala ng buhay.
"Anong nangyari? Bakit sya nasa loob ng salamin? Buksan nyo ang salamin ito baka hindi sya makahinga sa loob, tulungan nya ko." Agad nyang inaalis ang salaming kabaong. Ngunit pinigilan sya ng mga kawal at ni Deo.
"Aldryn, wala na ang prinsesa... Nagpakamatay sya at uminom ng lason. Ang akala ng lahat ay patay kana." Paliwanag at halos mangiyak-ngiyak rin ang kaibigan.
"Hindi, hindi ako patay, ito ako oh, buhay na buhay. Prinsesa Mia, ito na ko, buhay ako oh, halika ka na.. Magpapakasal pa tayo diba." Biglang kausap sa wala ng buhay na kasintahan.
Nakita ito ng Hari at lalo itong umiyak.
"Walang pipigil sakin!! Hayaan nyo ko!!" Sigaw at galit at utos sa mga pumipigil sakanya kanina.
Binuksan mag isa at binuhat ni Aldryn ang salaming kabaong.
At niyakap agad ang Prinsesa."Diba sabi ko hintayin mo ko? Babalik ako at magpapakasal tayo? Bakit mo ginawa ito Mia? Bakit?" Hagulgul nito sa kasintahan.
Hinawakan nya ang kamay nito at napansin na tila may hawak ang dalaga.
Binuksan nya ito, at nakitang hawak parin nito ang sing-sing ibinigay nya.Lalong humagulgol ng iyak ang binata.
Kinuha nya ang sing-sing at dahan dahan na isinuot sa daliri ng Prinsesa."Ito na ko Mia. Diba ako mismo magsusuot sayo nito?" Ani nito.
"Mia... Mia!!!!!!!!!!!" Sigaw nito at dalamhati...
Scene TwentyTwo
Labis na dinamdam ni Capitan Aldryn ang pagpanaw ng Prinsesa.
Laging mag-isa at umiinom ito sa hardin.Nag-alala ang ama nya sa kalungkutan ng anak.
Hanggang sa ipinatawag nya ito at kinausap kahit may karamdaman ito."Alam ko ang nararamdaman mo ngayon anak ko. Nasaktan din ako katulad ng pagpanaw ng iyong ina noon." Ani ng ama nito sakanya na si Orello.
(Kasamang namatay at nagbuwis ng buhay ang kanyang ina at mahal na reyna at mga magulang noon nila Deo at Jolo sa mga naunang gustong sumakop sakanila.)
BINABASA MO ANG
The Time Mirror (Fantasy-Comedy-Romance)
FantasyThe Time Mirror (Past, Present and Future) by:Kryz Conwi "Galing sa nakaraan, isang pagibig ang naudlot,ng dahil sa isang maling pag-aakala na naging sanhi ng isang trahedya. Ngunit ng dahil sa mahiwagang salamin, ay pagkakataong maaring...