"The Time Mirror" Past , Present, Future
(Romantic-Fantasy-Adventure)CHAPTER 1
(Past)
"The Roses of SinagTala Garden"
Scene One
May isang kaharian sa gitna ng isang patag at malusog na lupain. Hindi man ito kasing laki at tanyag ng ibang kaharian, ay masaya at matiwasay at maayos ang pamumuhay ng bawat mamamayan dito. Ang kahariang ito ay tinatawag nilang SinagTala. Dahil kapag sumapit ang dilim, akala moy nag usap usap ang mga bituin na ilawan ang buong kaharian. Na kaya kahit gabi ay di nababalutan ng lungkot ang bawat isa at mapaumaga man o gabi ay buhay na buhay ang negosyo, hanap buhay at mga tao dito. Halos magkakakilala rin ang bawat tao dito. Ang malusog na mga lupa na halos kahit ano pa ang itanim ay siguradong mabubuhay at aani ng marami at masustasya. At mga ibat ibang klase ng mga halaman at puno na nagbibigay rin sakanila ng ibat ibang klaseng prutas. Ang mahaba at napakagandang ilog na kung saan ay may lagusan papunta sa masaganang dagat at mga likas rin dito. Lahat na halos ng kailangan ng isang tao ay nandito na, mapa karne, isda, prutas, gulay, tela, gamot, sandata, alahas, ginto, tubig, mineral, langis, bakal, tanso, kahoy at mga bulaklak ay madali lang mahanap. Utang ito ng mga mamayan na disiplinado at sumusunod sa napakatalino at mabait na mga namuno sakanila lalong lalo na kay Haring Apo na syang namumuno sakanila ngayon.
Hanggang sa ang tahimik at mapayapang pamumuhay dito ay biglang binalutan ng takot at pangamba...
Nakarating sa ibang kaharian ang tungkol masaganang buhay at mga likas na kayamanan dito.
Marami ang natuwa ngunit may ilan rin naiinggit at nagahaman....Nakarating sa hari ng Sinagtala ang masamang balita.
Nakiusap ito na magtalaga ng petsa at lugar ng sagupaan ng wala ng madamay na mamayan at mga ari-arian at masira ang kagandahan ng kaharian.
Sumang-ayon ang mga ganib na mananakop at pabor sakanila ang kasunduang ito.Nagsimula ng maghanda ang kaharian ng Sinagtala...
Hanggang isang araw....
Scene Two
Tumatakbo ang isang tagapagbalita papunta sa hari...
Binuksan ang malaking pinto kung nasan ang hari...
"Mahal na Hari..." Ani ng tagapag balita hawak ang isang mensahe at ilang mga bulaklak.
Lumingon ito at lumapit agad sa mensahero at inalalayan makabawe ito ng hangin dahil sa pagtakbo.
"Ang ating mga kalaban, mahal na Hari. Nakita sila ng mga tagapagbantay natin sa norte. At tansya nila na sa ikatlong araw ay nandito na sila at ng buong hukbo nila." Ani nito.
Nabahala si Haring Apo.
"Masamang balita ito. Akala ko bay sumang-ayon sila na sa ikapito at sa burol ng kamatayan lalaban ng patas satin. Hindi sila tumutupad..." Malungkot na ani ng Hari.
"Ito rin po ang mga bulaklak." Inabot ng mensahero ang mga bulaklak na may mga dugo sa Hari.
Nagulat ang Hari.
"Paano nila nakuha ang mga bulaklak na ito sa Hardin? Ang Pulang Rosas sa hardin.... Diba tayo lang ang merong klase ng bulaklak na ito at ganito ang itsura? May nakapasok na ba sa teretoryo natin?" Halatang nababahala na ang Hari.
Biglang sumingit ang isang lalaki na halos kasing edad ng Hari.
Nakadamit ito na halatang may mataas na katungkulan rin sa kaharian."Wag kang mabahala Haring Apo. Kung nandyan na ang kalaban, ipasugod muna agad ang mga kawal natin." Ani nito.
BINABASA MO ANG
The Time Mirror (Fantasy-Comedy-Romance)
FantasyThe Time Mirror (Past, Present and Future) by:Kryz Conwi "Galing sa nakaraan, isang pagibig ang naudlot,ng dahil sa isang maling pag-aakala na naging sanhi ng isang trahedya. Ngunit ng dahil sa mahiwagang salamin, ay pagkakataong maaring...