Kabanata 3

87 12 17
                                    

Maraming pamilya ang kilala na pumunta sa salo-salo. Inaya pa nga kami sa loob ng mansion nina Caleb pero mas pinili kong manatili na lang dito sa bakuran kung saan mismo nagaganap dahil kinakain na ako ng hiya.

"Alam mo, ang boring mo talaga, Nanis! Dapat pumayag ka na lang sa loob para hindi tayo naiinggit sa mga tao rito," pangungulit ni Joy.

Isa kasi siya sa mga payag sanang sa loob na lang kami kumain pero dahil nga sa ayaw ko, nandito kami.

"Nis, Joy, nakita niyo ba si Rona?" tanong ni Reziel na may dalang pagkain galing buffet.

Pinaalis na muna namin si Caleb dahil masiyado nang maraming mata ang nakamasid sa amin, na parang hindi makapaniwalang pinapasali ang mga katulad naming hindi nila ka-level dito sa party ng mga Buenafuerte.

Umiling ako at inabot ang dalawang platong dala ni Reziel. Kasunod niya si Angie na may dala rin para kina Rona.

"Wala rin dito si Andrea," puna ni Angie.

Nangunot ang noo ko at nakaramdam ng pag-aalala. Hindi maganda itong bigla-bigla na lang silang nawawala lalo na't hindi namin balwarte ang lugar na ito.

"Ano? Hahanapin na ba namin?" presenta ni Joy. Tumayo na rin siya sa pagkaka-upo.

Hinawakan ko siya sa braso upang pigilan. "Sandali lang. 'Wag na muna kayong umalis dito."

"O, Nanis, saan ka pupunta?" usisa ni Angie.

Sinundan ko nang tingin si Samuel na siyang kalalabas lang ng mansion ng mga Buenafuerte. May hawak itong bote ng wine at may kasamang babae.

"Nakita ko si Samuel. Itatanong ko dahil baka nakita niya sina Andrea."

Ramdam ko ang pagtapik ni Reziel sa balikat ko kaya napalingon ako sa kaniya. "Bakit?"

"Sumama na lang kaya kami sayo, Nanis? Para mabilis tayo?" ani Joy.

"Bakit hindi na lang natin sila hayaan? Baka nandiyan lang naman 'yan at masiyado lang silang namangha sa paligid?" wika naman ni Angie.

Kumalabog ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Hindi ko alam ngunit may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko naman ito laging nararanasan pero hindi rin ako sigurado kung bakit nangyayari ito ngayon.

"Babalik din ako agad," sabi ko na lang. "Kumain na rin kayo diyan. Alam ko namang gutom na kayo."

Tumango na lang sila sa akin dahil wala nang nagawa. Habang ako naman ay sinunod ang sinasabi ng instinct ko. Sinundan ko si Samuel na papunta sa isang lamesa kasama ang mga magulang niya-si Mayor at ang SB Member ng bayan namin.

"O, Nanis, hija, nandito ka pala..."

Ngumiti ako kay Tita Vina, ang asawa ni Mayor David na siyang Papa ni Samuel. Napatingin sa akin sina Samuel at ang kapatid niyang si Rica.

"Hello po, Tita, Tito and Rica. Gusto ko lang po sanang makausap si Samuel, kung papayagan ninyo?"

Lumingon sila nang sabay kay Samuel na may kakaibang tingin maliban kay Samuel na hindi man lang sila tinapunan ng tingin at napainom pa sa wine na nasa lamesa niya.

"Bakit, Nis? May problema ba?" tanong niya nang makalapit sa akin.

"Puwede ko po bang hiramin muna si Samuel?"

Natawa si Mayor. "Oo naman, hija. Kung gusto mo, 'wag mo nang ibalik."

"Pa," pagbabanta ni Samuel.

Marahang hinampas ni Tita Vina ang balikat ni Mayor dahilan para mapatingin sa kaniya ang asawa. Kinuha nito ang table napkin at marahang pinunasan ang gilid ng labi. "Of course, you can, hija. May problema ba kayo ni Samuel?"

Dauntless MelancholiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon