Patay na'ko

8 5 0
                                    

"Ma dalawin nyo naman ako!"sabi ko sa aking Mama at ano pa nga ba ang maaasahan ko,dere-deretso lang ito sa kusina at hindi ako pinansin.

Imbis na sundan ito para kulitin na sana dalawin naman sana ako
ay pumunta ako sa aking kwarto at humiga sa kama kahit feel kong nakalutang lang ako at pinikit ang mata.

Nagising ako nang maaga dahil mamalengke kami ngayon ni Mama.

"TOLASSS!"sigaw ni mama sa labas nang aking kwarto.

Jeffyn ang pangalan ko pero hindi ko alam kung bakit Tolas ang tawag sakin ni Mama at sa tuwing tinatanong ko naman sya kung bakit yun ang tawag nya sa'kin ang palaging sagot nya naman ay bagay daw kasi sakin yun.

Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa aking harapan si Mama na may hawak nang bayong para sa mga bibilhin namin mamaya na mga gulay.

~~~

Habang tumutuwid kami sa daan nang biglang may isang bus na papasalubong samin at nagsimulang magsigawan ang mga tao kaya tumakbo kami ni Mama kaso nadapa ako,mabilis na pinatayo ako ni Mama at mabilis din na itinulak sa isang gilid.

"Ouch!"daing ko dahil medyo malakas ang pagkakatulak sakin ni Mama at paglingon ko sa kanya ay nakangiti ito nang matamis at parang bumagal ang oras nang tumalapon ang katawan ni Mama at ganun na lang ang pagkalat ng kanyang dugo.

"Mamaaaaaaa!"sigaw ko kasabay nang pag-agos ng aking luha.

Buhay ako!

Niligtas ako ni Mama!

"BUHAY AKO!"sigaw ko at bangon sa kama at dali-daling pumunta sa salamin na nasa tabi ng aking kabinet at ganun na lang ang panggilid ng aking luha ng nakitang hindi ko nakita ang katawan ko dun.

Panaginip lang pala.

Nananaginip na naman ako na niligtas ako ni Mama na ang totoo ay ako naman talaga ang nagligtas sa kanya.

Nanaginip na naman akong buhay ako.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin tanggap na patay na'ko at kung bakit hindi man lang ako nailigtas ni Mama kahit kayang-kayang nya naman akong iligtas nang araw na yun.

"Ma ang sakit nang tiyan ko!"sabi ko habang nakahawak sa tiyan pero hindi lang ako pinansin ni Mama at tuloy-tuloy lang na tumawid at walang pake kung maiwan nya 'ko sa gitna nang kalye.

Sa sobrang sakit nang tiyan ay napaupo na'ko walang pake kung pinagtitinginan na nila ako.

Ang sakittt!

"Ma!tulungan mo'ko!"sigaw ko kay Mama at lumingon naman ito.

"Tumayo ka dyan Tolas!nakakahiya ka"sigaw ni Mama at tumalikod.

Patayo na sana ako kahit sobrang sakit ng aking tiyan nang biglang nagsigawan ang mga tao habang nakatingin malapit sa direksyon ko at dahil nacurious ako kung bakit nagsisigawan sila ay lumingon ako sa tinitignan nila at ganun na lang ang panlalaki nang aking mata nang makita ang papasalubong na bus sakin at dahil naka-upo ako ay mukhang hindi ata ako napansin nung driver nang bus dahil tuloy tuloy lamang ito at sa huling pagkakataon ay tumingin ako kay Mama na nakatingin sakin at ngumiti ng matamis kasabay ng pagtalipon ng aking katawan.

"TOLASSSS!"huli kong narinig bago nalugatan ng hininga.

At ngayon ay alam ko na din kung bakit Tolas ang tawag sakin ni Mama dahil nang dumalaw ako dito ay narinig ko silang nagkekwentuhan nila ate.

Binaliktad lang pala ni Mama ang Tolas na ang ibig sabihin ay Salot at nalaman ko din na hindi pala ako tunay na anak ni Mama dahil anak pala ako ni Papa sa ibang babae at namatay na din ang tunay kong Nanay at sya mismo ang sumundo sakin nang ako ay malagutan ng hininga.

"Halika na anak"sinusundo na pala ako ni Mama.

Pinunasan ko ang aking luha at tumingin ng huling beses sa salamin kahit hindi ko naman talaga nakikita ang aking sarili at ngumiti bago tinanggap ang kamay ni Mama na nakalahad at binigkas ang salitang tanggap kona.

"Patay na'ko!"

One Shot StoryWhere stories live. Discover now