Maikling Kwento
PAMAGAT:PagkahimlayBakit nangyayari ito?
Tulala akong nakatitig sa kisame ng aking kwarto habang patuloy paring tumutulo angaking luha.
Ang tanga tanga ko.
Limang taon na kaming magkasintahanni Jace at hindi ko inakala na dumating ako sa sitwasyong ito.
Isang araw ay bigla na lamang akong nagising na hindi ko na sya mahal.
Mga pananabik,ligaya,lumbay at pagmamahal ay biglang naparam.
Ang malala pa ay nahulog ako sa kanyang kaibigan at dalawang buwan ng may namamagitan sa amin.
Patawad Jace.
Gulong-gulo na'ko kung sasabihin ko na ba kay Jace ang totoo o hihintayin ko na lamang na malaman nya.Patawad kung mas naramdaman ko kay Raiden ang gusto kong maramdaman.
Patawad kung nakaramdaman ako ng pagkahimlay
sa ating relasyon.Kinabukasan ay nagising ako ng maaga at napagdesisyonan na mas maiging sa akin na lamang mismo manggaling ang katotohanan
kaysa sa iba nya pa malalaman.Habang naliligo ay hindi ko maipaliwanag ang
aking nadarama.Itutuloy ko ba?
Sa totoo lang,halo-halong emosyon ngayon ang
aking nadadama at ramdam kong lungkot at takot
ngayon ang nangingibabaw.Pagkatapos kong maligo at nagbihis ay nagpalit agad ako ng mensahe para kay Jace.
To Jace:
-Jace, pwede ba tayong magkita?From Jace:
-Sure babe,ngayon na ba?To Jace:
-Oo sana,may pag-usapan lang sana tayo pero kung may ginagawa ka naman it's okay.From Jace:
-location?To Jace:
-Sa cafe na paborito natin.From Jace:
-Okay babe,just wait me there luvyou!Pagkasend na pagkasend ko ng mensahe ay agad ko ng nilisan ang aming bahay at dumeretso na sa cafe.
Pagkarating ko sa cafe ay agad akong nag-order para mabawasan naman ang aking pagkabalisa at nerbyos.
Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa matanaw ko na nga si Jace sa pintuan ng cafe.
Walang kasing tamis na ngiti ang ginawad nya sakin pagkatama na pagkatama pa lamang ng aming mata at parang gusto ko na lamang umiyak sa aking nakikita.
"J-jace..."
Parang biglang bumagal ang oras habang lumalapit sya sakin na sya namang kabaliktaran ng aking puso dahil labis ang lakas at bilis ng
pagtibok nito."Hi babe!"nakangiting bati nito sakin.
Parang nawalan ako ng boses at walang mahanap na salita.
"Bakit biglaan?"tanong nito.
"A-ah...m-mag-order muna tayo" nauutal kong sagot.
"Waiter please"pagtawag ni Jace sa waiter at gaya ng dati ay sya na ang nag-order ng para samin.
Buti na lang saktong naubos ko na ang coffe na inorder ko kanina.
Habang naghihintay sa order,hindi ako makatingin sa kanya na sya namang kanyang ikinataka.
