Bayani

8 4 0
                                        

Nanginginig ang mga tuhod at kamay ko habang lumalakad dahil kanina ko pa ramdam na parang may sumusunod sa'kin.

Hindi ko na mabilang kung gaano ko na karami binilang ang ngalan ng panginoon.

Mas binilisan ko pa lalo ang aking paglalakad ng naramdaman na parang ang lapit-lapit na nito sakin.

Panginoon kong Diyos,ako po'y magsusumamo sayo....ilayo nyo po ako sa kahit anong kapahamakan lalo na po sa taong sumusunod sa'kin ngayon.

Aakbang tatakbo na sana ako ng biglang may pumigil sa aking braso dahilan ng aking pagkatigil.

Lilingon na sana ako dito ng magsalita ito.

"Ibigay mo sa'kin yang cellphone mo kung ayaw mong saktan kita!"anito pagkatapos ay may naramdamang matulis sa aking likod.

"Maawa ka po sa'kin..... " pagmamakaawa ko.

"Ibigay mo na lang miss kung ayaw mong masaktan."

Regalo ito ni Mama sakin nung debu ko.Isa pa ay kailangan na kailangan ko ito sa aking pag-aaral lalo na't wala naman akong laptop.

"K-kuya please....."pagmamakaawa ko ulit pero mas diniinan lamang nya ang patalim sa aking likod."Ouch!" daing ko

Sa hindi inaasahan ay narinig na nga nang tuluyan ang aking daing.

Isang matipunong lalaki ang dumating at agad naman tumakbo ang lalaking magnanakaw pagkakita pa lamang sa lalaking dumating.

"Huy!"sigaw ng matipunong lalaki pagkatapos ay hinabol ang magnanakaw.

Bayani.

He's my hero.

"Okay ka lang?"tanong nito sa'kin pagkalapit. "Sorry hindi ko naabutan, masyadong mabilis eh."pagkasabi nya nun ay napatitig ako sa kanya.

Hindi agad ako nakasagot sa kanyang sinabi dahil tumagal ang pagkakatitig ko sa kanya.

"S-salamat" tanging nasambit ko.

Doon nagsimala lahat.Naging magkaibigan kami at sa bawat minuto na magkasma kami ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya.

Mahal ko sya at hindi ko alam kung ganun din sya. Sapat na sakin ang nakakasama sya kahit hindi na suklian ang aking lihim na pagsinta.

Palagi nya kong tinutulungan kapag nahihirapan ako.Pinapagaan nya ang aking pakiramdam sa tuwing nagdaramdam ako at inaalagan ako sa tuwing kailangan ko ng aruga.

Kung nasa fantasy world siguro kami ay maituturing syang isang superhero at masasabi kong sya ang hero ko dahil palagi nya akong inililigtas sa kahit anong paraan.

Ngayon, nasa isang restaurant kami at kakatapos lang namin kumain.

"Hayaan mo nang ako ang magbayad."sabi ko dito dahil ang kulit.

"Ako na Cha,huwag ng matigas ang ulo"pagpupumilit parin nito.

"Ako na"sabi ko pagkatapos ay nagtungo sa kanang bahagi ng restaurant at nakangiting binayaran ang aming kinain.

"Tara"yaya ko dito at lumabas kami ng restaurant.

"Hintayin mo'ko dito,may bibilhin lang" anito pagkatapos ay nagmamadaling tumuwid ng kalsada.

Habang hinihintay sya ay napaisip ko at tinanong ang sarili sa isip.

Kung imumungkahi ko kaya ang pagsinta ko sa kanya ay ganito parin ba kami?May magbabago ba?

Mahal na mahal ko sya.

Napatigil ako sa aking pag-iisip ng matanaw na sya. Deretso ang tingin nito sakin habang nakakubli ang napakatamis na ngiti sa kanyang labi na tila ay walang pake sa paligid at parang ako lamang ang tanging natatanaw sa mga sandaling iyon.

Nginitian ko din sya pabalik.

Habang tumutuwid sa kalsada ay hindi parin nito matanggal ang mata sa'kin at walang pake sa mga naglalakihang sasakyan na dumadaan.

Bigla akong kinabahan at natagpuan na lamang ng sarili na sinisigaw ang kanyang ngalan habang patakbong palapit sa kanya.

May isang sasakyan na mabilis ang pagpapatakbo at malapit na ito sa kanyang direksiyon habang sya ay wala paring pakialam habang sya gulat na ngayon na nakatitig sakin dahil sa pagtataka kung bakit ako nagmamadaling lumapit sa kanya.

Mabilis ko syang tinulak sa isang gilid
upang sya ay mailigtas sa bingit na kamatayan.

Hayaan mong ako naman ang maging bayani mo.

Hayaan mong ako naman ang magligtas sayo.

Pangalan ko naman ngayon ang sinigaw nya at yun ang huli kong narinig bago dumilim ang buong paligid.

Ngayon, ako naman ang naging hero nya.

Ako muna ang nagligtas sa kanya.

-WAKAS

One Shot StoryWhere stories live. Discover now