KADILIMAN

13 7 0
                                        

KADILIMAN

Liwanag ang sumalubong sa akin pagkadilat na pagkadilat ko pa lamang sa aking mata pagkatapos ay bumangon sa pagkakahiga at tumingin sa labas ng bintana habang sinusuklay ang aking mahabang buhok gamit ang aking palad nang biglang may naisip at napagtanto

"Nakakakita na'ko?"tanong ko sa aking sarili at pinikit ang aking mata pagkatapos ay dinilat kaagad at totoo ngang nakakakita na'ko.

Dali-dali kong nilisan ang aking kwarto at tinawag si Mama at Papa.

"Maaa!Paaa!nakakakita na po ako!"sigaw na sabi ko at hindi ko namalayang tumatagaktak na pala ang aking luha pababa sa aking pisngi.

Pagkarating ko sa aming sala ay tahimik at malinis ko itong nadatnan pagkatapos ay tinitigan ang kabuuan nito at masasabi kong ang daming gamit na pinalitan o binago.

Sa aking nagtutubig na mata,lumapit ako sa kabinet kung saan akin ng masisilayan ang aming huling larawan dalawang taon na ang nakakaraan.
Pinunasan ko ang aking luha dahil hindi ko masyadong maaninag ng klaro ang larawan ngunit ganun na lamang ang aking pagtataka na imbis na kaming tatlong nila Mama at Papa ang aking makikita sa larawan ay paanong biglang mag-isa na lamang ako?kaya naluluhang pinikit ko ang aking mata at kaagad din na minulat ngunit ganun pa'din,walang nagbago.

Paanong biglang mag-isa na lamang ako sa larawan?

"Ma!..Pa!...."sigaw na tawag ko at nagtungo sa kusina habang hawak-hawak parin ng larawan ngunit ni anino nila hindi ko maaninag.

"Ma!...Pa!...magpakita naman po kayo oh,...nakakakita na ang anak nyo..."patuloy parin na sigaw ko."B-ba't po mag-isa na lamang ako dun sa litrato?..."tanong ko sa dalawang taong ni anino nila ay diko makita.

"N-nasan na kayo Ma,Pa....."patuloy na sabi ko at humagulgol na lamang.

Nilibot ko na lahat-lahat ang buong bahay ngunit di parin sila nagpapakita,diko parin sila nahahanap.

"Ma!Pa...nakakakita na ang anak nyo oh,...gustong-gusto ko na po kayong makita"patuloy parin ang paglandas ng luha sa aking mata."Mahigit dalawang taon na po akong nangungulila sa inyo at batid kong maging kayo ay naramdaman din yon....kaya Ma,....Pa...magpakita na kayo sakin oh"at mas lalo na lamang akong humagulgol nang ingay galing sakin lamang ang aking naririnig.

Nakakakita na nga ako ngunit ayaw naman magpakita ng mga taong gusto kong makita.

Tumingin ako sa aking hawak-hawak na larawan at ngumiti na lamang ng malungkot habang wala paring tigil ang pagtulo ng aking masaganang luha pababa sa larawan hanggang sa bigla na lamang itong lumiwanag kaya aking nabitawan.

Tinakpan ko ang aking mata gamit ang aking palad dahil ang liwanag nito ay talagang labis na nakakasilaw at talagang pagpikit na lamang ang tangi mong magagawa hanggang sa biglang lumiwanag na nga ang buong paligid.

Liwanag ang huli kong naaninag bago ko pinikit ang aking mata ngunit ilang sandali lamang ang lumipas nang biglang may yumugyog sa'king katawan.

"Anak.."pagkarinig ko pa lamang sa boses ni Mama ay ganun na lamang kabilis ang pagkadilat ko sa aking mata ngunit ganun na lamang din ang paninikip ng aking dibdib at ang  pagpatak ng aking luha ng KADILIMAN ang sumalubong sakin pagmulat ko sa aking mata at mas lalong nanikip ang aking dibdib sa mga sumunod na katagang sinambitni Mama.

"Nananaginip ka anak"si Mama.

Humagulgol ako ng malakas habang niyakap naman ako ni Mama ng napakahigpit at sinabayan ako sa pag-iyak.

Para saan pa ang panaginip na yun?Para iparating ba sakin na maging sa panaginip ay hindi ko na sila makikita.

Nangungulila lamang naman ako sa kanila eh.

Napakalapit nila sakin pero parang ang layo layo nila sakin sapagkat hindi nga ako nakakakita.

Umaga ngunit madilim,nakadilat man, madilim parin,Ano mang gawin ,madilim parin at saan man mapadpad madilim padin.

Ngayon tanggap ko na,Saan man mapadpad,sa panaginip man yan o sa reyalidad ay talagang di na mababago ang katotohanang nababalot na ng kadiliman ang aking buhay.

Mapait akong ngumiti at sinabi Ang salitang....

"Pangalan ko na lamang ata ang maliwanag sa aking buong pagkatao"

"Huwag mo yan sabihin Liwanag anak"Sabi ni Mama

Pinikit ko ang aking mata dahil kahit nakadilat naman ako ay kadiliman parin ang aking naaaninag.

-Wakas

One Shot StoryWhere stories live. Discover now