"Bandang huli"
Bawat sandaling lumilipas ay lalo lang lumalalim ang pagtingin ko kay Limmuel,kaklase ko.
Ang tanging kahilingan ko lang naman ay na sana sa bandang huli ay mapansin nya na'ko.
Na sana sa bandang huli ay mahalin nya din ako kagaya nang kung paano ko sya minamahal.
"Nagawa mo'na assignment?" tanong nya sakin pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa aming classroom.
Heto na naman. Ang aga-aga pinapatibok na naman ng mabilis ang aking puso.
"A-anong assignment ba?Sa English?" nautal ko pang tanong.
Hindi ko alam ang exact date kung kailan ko sya nagustuhan basta ang alam ko lang ay nagsimula lahat noong October 2022,last year.
"Oo, pakopya ah"anito at nginitian pa'ko kaya mas lalong sumingkit ang singkit nyang mata.
Hindi ko alam kung bakit at paano ko sya nagustuhan noon pero sa tuwing nagtatama ang aming tingin, kung paano dumapo ang aking mata sa kanyang napakagandang singkit na mata ay parang hindi ko na kailangang sagutin ang sariling tanong dahil mismong puso ko na ang sumagot.
Nalulunod ako sa kanyang mata, nilulunod ako ng kanyang titig.
"Sure,basta libre mo'ko ah"nakangiti ko ding sabi.
"Sige na nga." anito at tumawa pa dahil naisahan ko sya.
Matalino din sya tulad ko pero tamad nga lang.
Umupo na ako sa aking upuan malapit lang sa kanyang upuan pagkatapos ay kinuha ang notebook na English at binigay na sa kanya.
"Salamat Divang!"anito na may mapang-asar na ngiti.
Talagang palayaw ko pa talaga.
"Atleast maganda."bawi kong sabi.
"Yuck!!!"umamba pa itong parang nasusuka at tumawa.
His laughs is pleasing in ears like a music.
"Ang kapal mo!"at hinampas ko ito sa braso.
Kung 'diko talaga mahal ang isang 'to baka hindi lang hampas ang nagawa ko.
"Pangit!"sabi ko sa kanya at tumalikod.
Syempre joke.
"Crush mo nga ako noon eh." at tumawa pa ang loko." Ano nga ulit yung sinabi mo?"dagdag pa nitong sabi habang tumatawa parin.
Humarap ako dito at pinandalitan ng mata.
"Limmuel!"mahina ngunit matigas kong sabi at pinalaki pa ang mata dahil baka marinig ng aming classmate yung kanyang sinabi.
Mga kaibigan ko at kaibigan nya lang kasi ang nakakaalam na crush ko sya before.
Tumigil na sya sa pang-aasar pero yung mapang-asar nyang tingin at ngiti ay nanatili parin.
Inamin ko kasi sa kanya noon na may gusto ako sa kanya sa chat kasi 'di na talaga kaya ng puso kong kinikimkim ang nararamdaman sa kanya.
