Sabi nila ang buhay daw ay sadyang madaya at punong-puno ng kadamutan kaya naluluha na lamang ako ngayon sa katotohanang isa ako sa dahilan kung bakit sinasabi nila na ganun ang buhay.
"H-huwag mo 'kong iwan R-rico..." patuloy lamang ako sa pagmamakaawa kasabay din ng pag-agos nang aking masaganang luha.
Nandito kami ngayon sa kanyang apartment.
Nagiging madaya at madamot ako dahil ayokong mawala sa'kin si Rico. Mahal na mahal ko sya at ikamamatay ko kung mawawala sya sa'kin.
"Misha please......palayain mo na'ko," pabulong na sabi nito, lumuluha na din.
Hindi ko kaya.
Ayoko.
"N-no please......I'm begging you..."I said and held his hand.
I can't let him go yet, not now.
"A-ang daya mo....."utal ko paring sabi.
Hindi ko magawang magalit sa kanya kasi ganun ko sya kamahal tsaka hindi din kasi maitatangging may kasalanan ako kung bakit ganito kami ngayon, kung bakit nawala yung pagmamahal nya sa'kin pero hindi lang naman ako eh, sya din.
"Ikaw ang madaya Misha,"buong-buo na sabi nito."Madaya ka kasi....hindi mo parin ako pinapakawalan."
Sa apat taon naming magkasintahan, ngayon lang nangyari ang ganitong sitwasyon. Palagi kaming gumagawa ng paraan para makalaan lang ng oras sa isa't- isa pero nitong mga nakaraang buwan ay naging busy ako at talagang nawalan ako ng oras sa kanya.
Bukod sa kawalan ko ng oras sa kanya, isa din sa pinagtatalunan namin ay si Klark, katrabaho ko na palaging dikit ng dikit sa'kin. Panandalian tuloy akong nanginig sa kadahilanang pagdaan nang lalaki na yun sa isip ko.
"M-mas madaya ka Rico... bakit parang ang d-dali mo lang bitawan ang lahat?"sabi ko at bumitaw sa pagkakahawak sa kanya.
"Really Mish? Ako pa ngayon ang madaya?"tanong nito na mas lalong nagpaluha sakin."Naririnig mo ba ang sarili mo?"
Namayani ang katahimikan, bumalot ang iyakan sa mapayapang gabi na kung saan sa loob ng isang silid may dalawang taong nagdadalmahati na pilit pinaghihiwalay ng kapalaran ngunit isa lang ang kumakapit.
"Oh bakit? Nakinig ka ba sa sinabi ko?"deretso kong sabi."Pilit kong
pinagsiksikan sayo na hindi ko magagawa yun pero anong ginawa mo? Narinig mo nga lahat pero hindi mo naman pinakinggan!""Hindi---"
"Ang sabi mo intindihin natin lahat. Ang sabi mo kahit anong mangyari papakinggan natin ang isa't-isa pero ano na ang nangyari? Nasan na yun Rico?"patuloy na sabi ko.
"Hindi mo'ko masisisi, Mish...Masyado akong nasaktan"
Ayaw nya kasi nang parang binabalewa. Sya yung tipo ng tao na ayaw matanggihan kapag nag-aaya kaso nitong mga nakaraang araw ay paulit-ulit ko syang tinanggihan sa kadahilanang hindi ko sya kayang maisingit sa schedule ko.
"Eh ako? Hindi ba ako nasaktan? kunting intindi lang naman yung hinihingi ko eh, hindi naman kailangan humantong sa ganito."
"W-walang minuto na halos hindi ako mabaliw sa k-kakaisip kung p-paano?....b-bakit?... anong nangyari?"patuloy na sabi ko.
Paanong nangyari na ang dating walang kasing tamis na nagmamahalan ay humantong sa ganitong sitwasyon na ang hirap takasan?
Bakit sa isang iglap ay naging kalahati na lang ang may tamis sa isang buong bilog at wala nang lasa ang kaliwang bahagi?
Anong nangyari? Bakit ito nangyari? Paano ito nangyari?
"Tapos sasabihin mo lang na...may l-lalake ako? Maluha-luha na nga ako kakagawa ng paraan para lang maisingit ka sa oras ko pero....ganun lang pala yung n-nasa isip mo..."
