JAYDEE'S POV
Papunta na ako ngayon sa bahay nila Amy at saktong napadaan ako sa isang flower shop kaya bumili ako ng isang bouquet ng sunflower para kay Amy.
Nandito na ako ngayon sa tapat ng bahay nila Amy kaya bumaba muna ako ng sasakyan para mag-doorbell,may isang maid na lumapit sa gate at binuksan ito,bumalik na ako sa kotse para magpark.Bumaba na ako sa kotse dala-dala ang mga bulaklak na binili ko.
MAID:magandang araw po ma'am
JAYDEE:magandang araw rin po manang, andyan po ba si Amy?
MAID:napakaganda po ng mga bulaklak na dala ninyo para kay ma'am Amanda po ba yan?
JAYDEE:opo manang
MAID:nandoon po si ma'am Amanda sa may garden nagbabasa po ng libro,samahan ko na po kayo
Nauna nang naglakad ang maid at sumunod naman ako rito.
Napakaganda ng hardin nila at napakaraming makukulay na bulaklak,mula rito ay nakikita ko na si Amy na nakaupo sa isang maaliwalas na pahingahan na pinalilibotan ng mga puting kurtina.JAYDEE:manang pwede niyo na po akong iwan dito
MAID:sige po ma'am,gusto niyo po ba ng maiinom?
JAYDEE:ah hindi na po ayos lang po ako
Ngumiti lang ito sa akin bago tuluyang bumalik sa loob ng bahay.
AMY'S POV
Kakatapos ko lang magpatuyo ng buhok ko mula sa pagligo,tinanghali na ako sa paggising kaya hindi ako nakaligo ng maaga kanina.Masyado pang maaga para sunduin ako ni Jaydee dahil sabay kaming magsisimba mamaya.Binuksan ko ang bintana ng aking kwarto upang sumilip sa hardin,gusto ko talaga dito sa kwarto ko dahil katapat pang nito ang aming hardin kaya kapag sumilip ako dito sa bintana ng aking kwarto ay kitang-kita ko ang mga nag gagandahan at makukulay na bulaklak.
Napakaganda ng panahon ngayon hindi masyadong mainit sa labas,gusto kong pumunta sa pahingan sa may hardin kaya kumuha muna ako ng libro bago bumaba.
Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa hardin at umupo sa pahingahan,ramdam ko ang sariwa ng hangin at mababangong amoy ng mga bulaklak mula rito sa kinauupoan ko.
Napakagaan ng pakiramdam ko sa tuwing nandito ako.Ibinuklat ko na ang librong dala ko at sinimulan na ang pagbabasa.
JAYDEE'S POV
JAYDEE:mahilig ka rin palang magbasa
Panimula ko kay Amy na nakafocus ang atensyon sa pagbabasa.
Ramdam ko ang bahagyang pagkagulat niya nang lumingon ito sa akin.AMY:hindi ka naman nang gugulat noh?
JAYDEE:haha pasensya na,ito nga pala para sayo
Sabay abot ko sa kanya ng bulaklak.
AMY:salamat at nag-abala ka pa,nililigawan mo ba ako?
JAYDEE:h-ha?,h-hindi ah s-sabi n-ng tindera dun sa f-flower shop maganda daw yung sunflower kapag ibibigay sa kaibigan
AMY:haha ba't ka nauutal?,binibiro lang kita
Wala naman talagang nagsabi sa'kin,nagandahan lang ako sa bulaklak kaya yun na lang yung binili ko.
AMY:akala ko ba mamaya mo pa ako susunduin ba't parang napaaga ka yata?
JAYDEE:wala rin naman kasi akong gagawin sa bahay kaya pumunta na lang ako ng mas maaga dito
AMY:sige dito ka muna at magbibihis lang ako
JAYDEE:teka tapusin mo muna yung binabasa mo,hihintayin na lang kita mamaya pa naman tayo magsisimba eh
AMY:ilang beses ko nang binasa yan at halos kabisado ko na kaya 'di ko na kailangang tapusin,baka kasi may gusto ka pang puntahan
JAYDEE:sige dito na lang ako maghihintay at may naisip ako
Naiwan ako ngayon dito sa pahingahan at dinampot ko mula sa mesa ang librong iniwan ni Amy para tingnan ang pamagat nito.
JAYDEE:Romeo and Juliet by William Shakespeare
Pagkakabasa ko sa pamagat ng libro.
JAYDEE:haha ito ang paborito nyang libro?,maganda ngunit...
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko pulang-pulang rosas na nakatanim sa hardin nila Amy
Nilapitan ko ito at pinagmasdan,kung nandito lang si mom ay siya ang unang makakapansin ng bulaklak na ito.Sa tuwing nakakakita ako ng pulang rosas ay si mom lang ang naiisip ko.Sa lahat ng mga bulaklak ay pulang rosas ang pinakapaborito niya kahit na itabi pa ito sa iba pang mamahaling bulaklak ay ito lang ang mapanpansin niya.
AMY'S POV
Pagkatapos kong magbihis ay bumalik na ako sa may hardin at pinuntahan si Jaydee.
Nakita ko siyang pinagmasmasdan ang mga tanim na rosas.AMY:ano ang iniisip mo at nakangiti ka dyan ng mag-isa
JAYDEE:naaalala ko lang ang taong pinakamamahal ko dahil paborito niya ang mga pulang rosas
Aba akala ko ba sobra siyang nasaktan noong iniwan siya ng girlfriend niya dati tapos ngayon iniisip niya pa rin.
AMY:g-ganun ba tara na
JAYDEE:sige tara na
Nauna siyang naglakad papuntang sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.
AMY:thank you
Sumakay na rin siya at nagdrive.
Sa halos sampung minutong pagmamaneho ay hindi pa rin kami nakakarating.JAYDEE'S POV
Ano bang nangyari dito sa kasama ko at bigla na lang natahimik.
JAYDEE:hindi ka yata nagsasalita,may masakit ba sa'yo?
AMY:wala
Malamig na tugon nito sa tanong ko.
JAYDEE:sigurado ka ba?
AMY:Oo,iniisip ko lang kung malapit na ba tayo
JAYDEE:yun lang ba?,wag kang mag-alala malapit na tayo
AMY'S POV
Tahimik lang ako sa byahe dahil wala naman akong gustong sabihin.
JAYDEE:hindi ka yata nagsasalita,may masakit ba sa'yo?
Ang dami niya yatang iniisip at naisama pa kung may masakit ba sa'kin,bakit mukha ba akong may sakit.
AMY:wala
JAYDEE:sigurado ka ba?
AMY:Oo,iniisip ko lang kung malapit na ba tayo
JAYDEE:yun lang ba?,wag kang mag-alala malapit na tayo
Pumasok kami sa isang malaking gate at nagpark.
Bumaba na ako kaagad at hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto.
Bumaba rin naman siya kaagad at tumayo sa tabi ko.
Inilibot ko naman ang aking paningin sa buong paligid.AMY:teka park ba 'to?
JAYDEE:bakit mukha bang park?
AMY:Oo
JAYDEE:haha kasi park talaga 'to
AMY:ang corny mo
JAYDEE:tara may ipapakita ako
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila ako patakbo sa kung saan.Ang weird ng pakiramdam ko kasi tila ba biglang bumagal ang oras habang tumatakbo kami at tanging siya lang ang nakikita ko.
JAYDEE:nandito na tayo
Sabi niya habang hinihingal galing sa pagtakbo.
AN:thank you po sa pagbabasa💙🤍
BINABASA MO ANG
Let's Stop Pretending (JayMy)
Short StoryMaaari bang ang pagkukunwari ng dalawang tao ang maging dahilan ng kanilang tunay na pag-iibigan?