Chapter 11

61 21 0
                                    

AMY'S POV

JAYDEE:nandito na tayo

Sabi niya habang hinihingal galing sa pagtakbo.

Tumingin ako sa harapan ng hinintuan namin at nakakita ako ng isang hindi kalakihang fountain.

AMY:fountain?

JAYDEE:Oo fountain,ganyan lang yung reaksyon mo hindi ka man lang ba natuwa o nasurprise?

AMY:Jaydee buong buhay ko ilang beses na akong nakakita ng at fountain at 'di hamak na mas magaganda ang mga ilan sa nakita ko kesa dito

JAYDEE:ano ka ba hindi lang 'to basta fountain,ayan nakikita mo ba ang mga baryang yan?

Tumingin ako sa bandang ilalim ng fountain kung saan nakaturo si Jaydee,at puno nga ito ng napakaraming barya.

AMY:ano naman ang ibig sabihin ng mga baryang yan?

JAYDEE:kung gaano karaming barya ang nakikita mo ganyan rin karaming tao ang humiling dito

AMY:natutupad naman ba?

JAYDEE:marami-rami na rin ang nagsabi na natupad daw yung mga hiling nila

Pag-aalangan niyang sabi sa'kin.

AMY:edi may possibility na hindi rin matupad

Nakita ko siyang kumuha ng barya mula sa bag niya at ipinakita sa akin.

JAYDEE:eh ano lang naman yung limang piso kung susubukan natin

Nakangiti niyang sabi sabay abot sa akin ng barya.
Sabay kaming tumalikod mula sa fountain para humiling.Hindi ako naniniwala dito pero wala nga namang mawawala kung susubukan.

JAYDEE:sabay na tayo ha

Sabay naming ibinato patalikod ang baryang hawak namin at humiling.

AMY:sana matupad ang hiling ni Jaydee

Napakahinang sabi ko na ako lang ang makakarinig.Wala akong maisip na hiling para sa sarili ko kaya para sa kanya na lang.

JAYDEE:ano yung hiniling mo?

AMY:ano muna yung sa'yo?

JAYDEE:sasabihin ko sa'yo kapag natupad na yung hiniling ko

AMY:edi hindi ko rin sasabihin yung akin

JAYDEE:okay hindi na kita pipilitin na sabihin sa'kin,tara umupo muna tayo dun sa bench

Sumunod naman ako sa kanya at pinagpagan niya muna ang upuan bago ako pinaupo,umupo naman siya sa may bandang kanan ko at tumingin sa malayo.

AMY:alam mo kung lalaki ka lang pwede ko nang sabihin na gentleman ka

JAYDEE:pwede naman ah

AMY:gentlewoman?

Sabay kaming tumawa dahil sa sinabi ko.

AMY:tama naman ah

Bigla kaming binalot ng katahimikan sa 'di ko malamang dahilan.
Biglang may humintong sobetero sa tapat ng kinauupuan namin kaya sabay kaming napatingin dito.

JAYDEE:gusto mo ng ice cream?

Tumango lang ako sa kanya at 'di na nagsalita.

JAYDEE:anong flavor yung gusto mo?

AMY:strawberry at cookies 'n cream

JAYDEE:dalawa yung gusto mo?

Tanong niya sa akin na blangko ang reaksyon.

AMY:pwede kasi yung paghaluin

JAYDEE:haha biro lang,nagulat lang kasi ako na pareho tayo ng gusto

Tumayo na siya kaagad para bumili ng ice cream.

JAYDEE:kuya paghaluin n'yo po yung strawberry at cookies'n cream,dalawa po

Nagbayad na siya at bumalik sa pagkakaupo bago umalis ang sorbetero.

JAYDEE:ito yung sa'yo

Sabay abot sa akin ng ice cream.
Nagsimula na kaming kumain ng tahimik at walang nagbalak na magsalita.

JAYDEE:u-umm Amy may chance ba na magkagusto ka rin sa isang babae?

AMY:bakit mo naman natanong?

JAYDEE:w-wala naisip ko lang

AMY:depende

JAYDEE:depende?

AMY:ibig sabihin hindi pa ako sigurado

JAYDEE:bakit never ka pa bang nagkagusto sa isang babae

AMY:nagagandahan ako sa ibang mga babae pero never pa akong nainlove

JAYDEE:pero may chance ba na magkagusto ka

AMY:hindi ko alam kung may chance,pero hindi naman kasi namimili ang puso ng taong mamahalin nito

JAYDEE:paano kung nagkagusto ka kaya mo bang ipaglaban?

AMY:kung mahal ko talaga ipaglalaban ko kahit mapalalaki man ito o babae

JAYDEE:napakaswerte swerte ng taong mamahalin mo

AMY:talaga

Pagmamayabang ko sa kanya.

AMY:eh ikaw,handa ka na bang magmahal ulit

JAYDEE:matagal na akong handa,hinihintay ko na lang yung taong mamahalin ko

AMY:bakit wala ka pa rin bang nahahanap?

JAYDEE:ummh meron akong natitipuhan kaso medyo nag-aalangan pa yung taong yun eh

AMY:bakit sino ba?

Tumingin ito sa kanyang relo at hinawakan ang kamay bago tumayo.
Bakit ba pabigla-bigla na lang 'tong babaeng 'to.

JAYDEE:tara mahuhuli na tayo sa misa

Mabilis siyang naglakad habang hawak pa rin ang kamay ko.

AMY:teka hindi mo pa nasasagot yung tanong ko

JAYDEE:kailangan na nating magmadali mahuhuli na tayo

Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang makasakay sa kotse.

JAYDEE:yung seatbelt mo,akin na ako na lang ang magsusuot sa'yo

Ba't ba siya nagmamadali eh may 20 minutes pa naman at malapit lang naman ang simbahan dito.

Nagdrive na siya papuntang simbahan ng tahimik.

AMY:yung tanong ko hindi mo pa nasasagot

JAYDEE:yung alin?

AMY:kung sino ba yung taong natitipuhan mo

JAYDEE:kahit sabihin ko sa'yo hindi mo rin naman kilala

AMY:sige madali naman akong kausap

Nang makarating kami ng simbahan ay nagpark na kami bago pumasok sa simbahan.
Kaunti pa lang ang mga taong nandito at napakarami pang bakanteng upuan.
Umupo kami sa may harapan dahil marami pa namang mauupuan dito.

AMY:masyado ka kasing nagmadali kaya maghihintay muna tayo ng sampung minuto bago magsimula ang misa

JAYDEE:mas maganda na yung maaga

AMY:kung sa bagay tama ka naman dun


















AN:pasensya na po kung may mga mali mang words💙🤍

Let's Stop Pretending (JayMy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon