JAYDEE'S POV
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar kaya nilibot ko ang aking tingin sa buong paligid.May nakakabit na dextrose sa kamay ko kaya napagtanto kong nasa hospital ako.Naramdaman ko naman na may nakahawak sa kamay ko kaya sinilip ko ito.
Si Amy bakit siya nandito?
Ang naaalala ko lang ay uminom kami kagabi at sobra ang pagkahilo ko kaya pumunta ako ng cr,pagkatapos ay wala na akong maalala pa.
Naramdaman ko naman ang paggalaw ni Amy at nakita ko ang pagdilat ng mga mata nito.AMY:Jaydee gising ka na?
JAYDEE:Oo,bakit nga pala ako nandito?
AMY:wala ka bang maalala?
JAYDEE:ang naaalala ko lang ay nagpaalam ako sa'yo na mag-ccr lang ako kasi masyado akong nahilo
AMY:ang sabi mo kasi ay babalik ka kaagad pero lumipas na ang sampung minuto pero hindi ka pa rin nakakabalik kaya sinundan na kita,pero nakita kita na nakabulagta ka na sa isang cubicle at walang malay kaya humingi ako ng tulong sa kanila dahil hindi naman kita kayang buhatin ng mag-isa,nag-alala kaming lahat sa'yo kaya dinala ka na lang namin dito
JAYDEE:ano naman ang sabi ng doctor?
AMY:maayos naman na daw ang lagay mo dahil naalis na daw nila ang lahat ng toxic mula sa katawan mo
JAYDEE:toxic?
AMY:Oo,pero hindi ko din alam kung ano ang ibig sabihin ni Doc dahil mamaya niya pa daw ipapaliwag kung ano nga ba talaga ang nangyari sa'yo
JAYDEE:Oo nga pala bakit ikaw ang nagbabantay sa akin dito nasaan sila Cole?
AMY:ah nauna na silang umuwi may pasok kasi ngayon
JAYDEE:eh ikaw,bakit hindi ka pumasok?
AMY:huwag kang mag-alala um-absent ako
ngayon para bantayan kaJAYDEE:ano ka ba ayos lang ako at marami namang maid sa bahay na pwedeng magbantay sa'kin eh,hindi mo na kailangang gawin 'to para sa'kin
AMY:kagustohan ko 'to okay
JAYDEE:hahahah
AMY:oh ba't ka biglang tamatawa dyan,may nakakatawa ba?
JAYDEE:haha alam mo kung may makakakita sa'tin ngayon iisipin nilang may relasyon tayo
AMY:huh ano ba'ng sinasabi mo dyan?,ginagawa ko 'to dahil kaibigan kita,yun lang yun kaya tigilan mo ako
JAYDEE:haha yun nga yung problema eh, kailangan ba kapag babantayan mo yung kaibigan mo sa hospital dapat magka-holding hands kayo?
Agad naman siyang bumitaw sa pagkakahawak ng kamay ko at tila nahihiya pa sa akin.
AMY:a-ah s-sorry n-nakatulog kasi ako,kaya hindi ko na namalayan
JAYDEE:gising ka na oh..haha biro lang,ano ka ba kahit buong araw mo pang hawakan ang kamay ko ay walang problema,aminin mo na kasi na crush mo'ko
AMY:pinapalabas mo na may gusto ako sa'yo?,pero sa pananalita mo ay parang ikaw pa nga ang may gusto sa'kin
JAYDEE:hindi noh!
AMY:haha napaka defensive mo naman biro lang din,nagugutom ka ba?,may pagkain dito baka gusto mong kumain?
JAYDEE:hindi na mamaya na lang
AMY:pero kailangan mong kumain
JAYDEE:masakit yung kamay ko
AMY:problema ba yan?,edi ako na ang magsusubo para sa'yo
JAYDEE:sigurado ka bang wala ka talagang gusto sa'kin?
BINABASA MO ANG
Let's Stop Pretending (JayMy)
Kısa HikayeMaaari bang ang pagkukunwari ng dalawang tao ang maging dahilan ng kanilang tunay na pag-iibigan?