Chapter 1

300 141 131
                                    


Chapter 1

Tanghali na nang magising ako, kaya paniguradong rarat-ratin na naman ako ni mama ng mala-scarlight niyang bunganga. Tsk! mahihirapan na naman akong magpa alam mamaya!

Bumangon ako mula sa pagkaka-higa at kinuha ang phone ko, tinanggal ko ang pagkaka-plug in ng earphone ko sa phone kaya nag play bigla ang album ng LANY. Bumungad sa pandinig ko ang kanta nilang "Hurts" kaya medyo nabuhay ang inaantok kong diwa. I snapped my finger along with the opening beat while singing along to their song.

"Here I am again, back to my old ways, frozen with my thoughts. Wasting all my younger days, and I just can't decide, should I be alone? Hate the way I am, up every night, glued to my phone"

'Lany never really fails to express how I feel; their music is just something my heart can really relate to.'

I approached the adjacent mirror and snapped my reflection; I have dark-brown hazel eyes, fairly straight nose and a pear shaped body. I took my Apollo lip balm and put a small amount on my heavy lower shaped lips, then I managed to leave my room.

"Oh buti naman naisipan mo pang lumabas sa kwarto mo, donyang-doña talaga dating mo e noh?" pagalit na bungad akin ni mama pagkalabas ko ng kwarto.

"Ma, mag-aalas singko na rin kasi ako nakatulog, tinapos ko lang 'yung mga schoolworks namin." depensa ko.

"Hindi ka na talaga naubusan ng dahilan, ang daming estudyante bukod-tanging ikaw lang ang ganyan daig mo pa teacher! Hindi naman ganyan 'yung anak ni Merriam, akala ko ba ay kaklase mo 'yon?" tanong niya pa sa akin.

'Lagi niya nalang akong ikinu-kumpara sa kung sino 'yung maisip niyang mabuting anak para sa paningin niya...kesyo 'yung anak ni ganito o anak ni ganyan. Badtrip!'

Napabuntong hininga ako at sumagot, "Ikaw na mismo nagsabi kaklase ko 'yon, Ma, hindi po 'yun ako at hindi ko rin ho bet 'yung mga trip nun noh! Akala mo lang mabuting anak 'yon dahil sa kung anong naririnig mong sinasabi ng chismosa niyang nanay!"

"Lintek na 'yun pabuhat sa research, kesyo wala raw po siyang load pero nakuhang mag my-day at tiktok. Wala naman po akong pake sa lifestyle niya ah? Pero nakakabanas kasi eh! Ako 'yung kawawa bilang ka-groupmate niya!" mahinang sumbong ko pa.

Lagi naman kasi naba-bale wala 'yung mga effort ko, sinusubukan ko naman maging mabuting anak pero bakit ganun? Laging mas may magaling sa'kin. Hindi na makuntento sa kung ano lang ang kakayahan ko...

"Hindi ka na naubusan ng dahilan, Sia, mag saing ka na nga lang ng apat na takal ng bigas at dalhan mo na lang din ako ng kanin sa tindahan dahil tumatawag na ang magaling mong tatay," sagot ni Mama sa mahabang litanya ko.

Sumimangot naman ako at agad na nagreklamo. "Ang aga naman magpa-punta ni papa, eh alas nuwebe palang ah? Alas onse na nga niya tayo pinalitan kagabi eh."

"Parang hindi mo naman kilala tatay mo, kung kaya ko nga lang mag bantay 24/7 eh hindi ko na lang siya pagbabantayin dahil may nakapag sabi sa akin 'yun bang suki ko dati sa isda? Nagpapa-inom daw 'yang magaling mong tatay sa tindahan. Hindi ko na nga sana papaniwalaan pero talaga nga namang kulang ang benta, " problemadong sagot sa akin ni Mama habang pumihit papasok sa kuwarto.

Minsan gusto kong magalit kay mama kasi palagi na lang mainit ang ulo niya. Ako ang sumasalo sa lahat ng iyon eh hindi naman ako bato para hindi makaramdam ng sakit.

It's the kind of hurt that comes from realizing that your parents weren't the heavenly saviors you expected them to be. Pero gayunpaman hindi ko magawang magalit sa kaniya dahil kahit mahirap siyang intindihin ay pilit na iniintindi ko siya.

Ex i never hadWhere stories live. Discover now