Luke Zachary
• Active 2 hours agoMon 8:45 PM
Hello! Luke may alam ka bang naghahanap ng part timer?
Gipit moments kasi alam mo na lods HAHAHA7:06 AM
Good morning Sia! Sorry for the late reply.
I am glad na lumapit ka sa akin dahil tamang tama may out of the
country na trip si Ate Ren bukas kaya umabot ka pa. If it's okay with you
sa bahay ka na lang dumiretso mamaya? Anytime dahil andoon si Ate Ren,
may class pa kasi kami but don't worry dahil aware na si Ate don and please
accept her friend request daw. Thank you, I'll see you when I see you! <3
8: 49 AM
Literal na good morning! Gege, maraming salamat Luke!
Nakahinga naman ako nang maluwag nang mabasa ang reply ni Luke, agad naman akong nag reply at nagpasalamat sa kaniya. In-accept ko na rin ang friend request sa 'kin ni Ate Ren at wala pang Ilang minuto ay nakatanggap na ako ng message mula sa kaniya.
Loraine Posadas
• Active now8:51 AM
Good morning, Sia!
Luke told me about it and good thing na nasabi mo 'yon
bago ako umalis. Can you come over to our house?
Alam mo naman daw sabi ni Luke or kaya salubungin
na lang kita sa may tree house?
Chat me if on the way ka na. Lovelots ;)Morning! Maliligo lang muna ako teh. Thank you!
Dumiretso na ako sa bahay at dali-daling naligo, mabuti na lang ay wala pa si Papa kaya naging tahimik ang buong bahay. Pagkatapos ko maligo ay nag bihis na agad ako ng uniporme saktong 10 a.m nang makalabas ako sa bahay kaya minessage ko na si Ate Ren at dumiresto na ako sa tree house nila Luke.
Halos magkasalubong lang kami ni Ate Ren sumunod ako sa 'kaniya at pumunta na kami sa bahay nila. Ganoon na lang ang pagkamangha ko nang makapasok sa loob ng bahay nila, may isang mesa sa sala nila na puno ng mga litrato.
'Mukhang mga banyaga talaga, no wonder ganoon kaganda ang pisikal na anyo nitong magkapatid.'
Natigilan ako nang may mamukhaang litrato ng dalawang bata na magkaakbay, pamilyar sa akin 'yung litrato lalo na iyong batang lalaki at kung hindi naman ako nagkakamali ay parang kahawig ko 'yung isang batang babae. Pumikit ako nang mariin at ibinaling sa iba ang paningin.
"Oh si Luke 'yan tsaka 'yung kalaro niya dati kaso hindi ko na matandaan 'yung pangalan. As what I've remembered parang around five or six sila diyan, ang cute nila noh? By the way, iwanan na muna kita rito Sia ah? May kukunin lang ako sa taas, maupo ka muna riyan oh, pinakuhanan na rin kita ng snacks kay Nanay," bilin sa 'kin ni Ate Ren, nag pasalamat naman ako sa kaniya at ibinalik ang tingin sa litratong naka agaw ng pansin ko.
'Napaka impossible! Baka naman sadyang kamukha ko lang 'yung batang babae! Tsaka isa pa ngayon ko lang nakita at nakilala si Luke noh!
Umupo na lang ako sa may sofa nila at namangha na naman nang makita 'yung hagdanan nila, parang nakakatakot humakbang doon dahil mukhang gawa sa pinaghalong salamin at kahoy. Kapansin pansin rin ang mga graduation picture nila na naka hilera sa dingding ng hagdan.
YOU ARE READING
Ex i never had
RomansaI wonder what happened to the both of us; we were so happy back then, but I was astonished to see how much everything had changed all of a sudden, though we weren't together, so I asked myself: how could we break up? It's crazy to think that I was h...