DOCE

24 2 0
                                    

"Thank you group 2 for a great group reporting" proud pang sabi ni sir rui sa aming group presentation, kasabay non ang pagpalakpak pa ng classmates namin

Ngayon kami nag present ng aming group reporting, Masasabi ko na maayos at maliwanag ang pagde-deliver namin sa aming report, naexplain namin ang mga topic na binigay sa amin, kahit na medyo kinakabahan, basta talaga pinaghandahan at pinag-aralan mo ang iyong mga aralin, asahan mo na maganda ang magiging resulta neto. 

"Thank you" sabi pa namin at isa isa na kaming bumalik sa kanya-kanya naming mga upuan

May sinabi lang na ilang mga bagay-bagay ang aming prof at nagsimula na siyang mag attendance, kakaiba ang style nya ng pag aattendance, pagkatapos ng discussion saka sya nag aattendance para alam nya kung may tumakas ng klase may mga iba kasing estudyante na magpapaalam lang na magccr hindi na bumalik, if may late ima-mark nya lang muna ito.

Nang matapos na ang pagaattendance lumabas na din si prof

"Tara gala tayo after class" masayang wika ni lury sa amin

"Sige gora ako dyan" sang-ayon nitong si harley sa plano nitong isa

Natagalan akong sumagot iniisip ko pa kung sasama ba ako, tagal ko na ding hindi nakakasama sa dati nilang mga gala

"Hwag mong sabihin na mag papass ka na naman! Subukan mo lang magtatampo na talaga ako sayo!" may hinanakit na kasama sa way ng pagsasalita ni lury

"Eh nakakasawa na yang pagmumukha nyo lagi ko nalang nakikita"

"Ang harsh mo bes ha"

"Hahaha joke lang sige na sasama na ako, baka tuluyang magtampo kayo sa akin"

"Yey" haha natawa ako sa reaction ni lury para syang batang nabigyan ng ice cream

"Saya mo girl"

——

Ako ang ginawa nilang driver, malala pa kotse ko din ang gamit, pambawi daw nila sa akin dahil sa ilang gala nila na hindi ako sumama

Sa isang night market ang napagkasunduan namin na puntahan, kaya lang hanggang ngayon nag di-drive pa din ako dahil sa naghahanap kami ng iba pang open na night market, sarado kasi yung gustong puntahan ni lury maganda daw doon madami ka daw talagang mapagpipilian. I don't know kung bakit sarado

Itinigil ko muna sa isang tabi ang sasakyan ko

"Nilibot na natin ang buong lugar, road trip ba ito? tuloy pa ba tayo? Yung gasolina ko dumadaing na"

"Ito nag chat sakin yung isa kong kalilala, sa may victorina mall katabi lang nito ang night market mas ma-eenjoy daw ang mga pagkain at kung ano ano pang nandoon" sabi sa amin ni harley habang sa cellphone nya pa nakatingin

"Okey"

Muli kong pinatakbo ang sasakyan ko, sana naman hindi sarado don, dahil kung sarado ay ihahatid ko na itong dalawa sa kani-kanilang bahay

Hindi nakasama sa amin sina aizzle at shamie dahil may mga iba silang ganap ngayon

pagkadating namin sa victorina mall naghanap lang ako ng pwede kong pag-parkingan mula dito natatanaw na namin ang night market, mabuti nalang at bukas hindi ko maihahatid ng maaga itong dalawa

"tara na guys" aya ko sa kanila matapos kong makapagpark
tumalima naman agad yung dalawa
"oh my G, im so excited" naeexcite na wika ni lury
pumasok na agad kami ng entrance, magkakasabay kaming naglalakad, may mga napapansin pa ako na pinagtitinginan kami nong mga kumakain at yong ibang namamasyal lang. Hwag na magtaka, kapansin-pansin talaga kami, magaganda kasi kami 😉
Hindi ko na pinansin ang mga tingin nila, nagtingin-tingin nalang ako sa mga tinitinda dito, naghahanap kami ng magugustuhan namin kainin, pagkain lang naman ang pinupunta namin dito, cheap pero superb

Ghost On Me (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon