TALLY POV"Ano ba bae pinagsasabi mo? Bakit ka humihingi ng tawad?"
"Sayo ba ang necklace na yan?" Turo ko sa necklace na nasa tabi ng abo nya
"Nandyan na din yan nong makita ko yan sa tabi ng abo ko, hindi ko matandaan na may necklace ako na ganyan, hindi ba pareho yan nong necklace na suot mo doon sa picture mo? Bakit mo din natanong?"
Kinuha ko sa loob ang necklace, isa lang ang ibig sabihin kapag nakita ko sa likod ng pendant ang nakaukit dito, hinawakan ko ang pendant nito saka ko binaliktad patalikod at
Napaluhod ako dahil sa nanghihina ang mga tuhod ko, nararamdaman ko na din ang pagsikip ng dibdib ko
Pangalan ko ang nakaukit dito, sa akin ang necklace na ito
"Hindi ko deserve ang mabuhay"
"Ano ba! Kanina pa ako mukang tanga dito kakatanong sayo, ano ba problema mo ha?" Tumaas na din ang boses nito
"D-Dahil akin ang necklace na ito, a-ako ang nakabangga sayo
katty" hirap akong sabihin ang mga iyonNagulat sya sa sinabi ko
"Joke yan diba? Tini-trip mo lang ako eh, h'wag ka ngang nagbibiro" naluluha na din sya
"Totoo ang sinabi ko, hindi ko kailangan magbiro sayo, naalala ko na ang lahat"
Maging sya ay napalupagi na din sa sahig at umiiyak
Ang saya lang namin kanina pero bakit agad din kinuha ang kasiyahang iyon
"Bakit? Paano? Paano mo nagawa iyon? Of all people Bakit ikaw pa?"
"Hindi ko sinasadya, hindi ko gusto ang nangyari, walang kapatawaran sa nagawa ko dahil maski ako hindi ko mapapatawad ang sarili ko"
Kailangan may gawin ako
Tumayo ako at ibinalik ko ang necklace ko sa tabi ng abo ni katty
Humakbang ako papalabas
"Saan ka pupunta?" Tanong nya sa akin
Tumayo na din sya at pareho pa din kaming umiiyak
"Tulad ng ipinangako ko sayo na tutulungan kita, gagawin ko lang ang nararapat, kailangan kong pagbayaran ang nagawa ko"
Naglakad na ako palabas ng bahay, dapat nagdudusa din ako
"Tally!"
Napalingon ako sa sigaw ni katty at hindi ako agad nakagalaw dahil sa nakikita ko
Unti-unti syang nagta-transparent at parang nabubura ang pigura nya
Ito na ang ikinatatakot ko, inipon ko lahat ang natitira pang lakas ng loob at mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan nya bago mahuli ang lahat
"Katty!" Sigaw ko
Ngunit bago pa ako makalapit sa kanya ay tuluyan ng nawala ito
"Hindi pwede, katty please magpakita ka, katty!" Sunod-sunod na ang mga luhang lumalabas sa aking mata
Napasalampak muli ako sa sahig at parang niyayakap ang kawalan
Hindi ko na magawang pigilan ang mga luhang bumabagsak at patuloy na umaagos sa pisnge ko
Sobrang sakit na sa pakiramdam, hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba
"Katty mahal na mahal kita, di ko pala kaya na mawala ka, magpakita ka na oh"
Niyakap ko ang tuhod ko at dito ko pa lalong ibinuhos ang mga luha ko na wala atang katapusan
___
"Bakit naman nagmamadali ka?" Nakasunod lang ang kapatid ko sa akin
BINABASA MO ANG
Ghost On Me (GxG) COMPLETED
General FictionTally is a college student girl that contented in her life but an accident happened, she met this young lady that make her life messed Is her life would back like before? February-May 2022