"anong ibig sabihin nong message mo sa akin" curious kong tanong kay rex
"Nagresearch ako about your friend at may nalaman ako, may nangyari pa pala bago sya naaksidente, galing sya sa bahay ng classmate nya, pinuntahan ko yong bahay at luckily may mga cctv sila at nasave nila ang nakuhanan na video nung araw na iyon"
May kinulikot lang sya sa laptop nya tapos saka nya ibinigay sa akin
Kinuha ko ito at nakita ko ang nagpaplay na video, pinanood ko itoNakatingin lang din si katty sa laptop na hawak ko
Makikita dito ang naging halikan ng dalawang tao, hanggang sa dumating si katty at naabutan nito ang dalawang nagtutukaan
Mayamaya pa ay nagaway na ang mga ito, nagsabunotan
Hindi sila magawang maawat ng mga tao sa paligidNapatingin ako kay katty na ngayon ay nakakunot ang noo nito
hindi ko akalain na iba pala magalit si katty at alam ko na ang mangyayari sa akin kapag ginalit ko itoIbinalik ko muli sa cellphone ang attention ko
Matapos ang pagaaway nila
May sinabi si katty sa kanila at hindi ko inasahan sa gagawin nya isang mag-asawang sampal ang pinakawalan nya bago ito umalisKita din dito ang mabilis na pagalis ni katty sa lugar at ang pagpunta sa cr ni avy, nagulat pa nga ako na si avy ang nasa video ang babaeng nakaaway ni katty, tumingin muna sya sa paligid tapos sa kabila syang pinto dumaan palabas ng bahay
Mabilis itong sumakay sa kotse nya at umalis"20 minutes ang tinagal nya bago sya bumalik ng bahay ng celebrant, at pakinig mo naman sa usapan nila na nagpahangin lang ito at nagyosi kaya ito umalis,nakakapagtaka dahil malawak ang lugar na pwede nyang pagyosihan at makalanghap din dito ng sariwang hangin pero bakit kailangan nya pang umalis or baka ba gusto nya lang din talaga mapagisa"
"She's my cousin avy" sabi ko kay rex na nagulat pa sa sinabi ko "But i didn't know na magagawa nya ang mga yan, mabait at mabuting tao ang pagkakilala ko sa pinsan ko"
" suspect palang sya, hindi pa naman napapatunayan na siya talaga ay accuse sa nangyari, aalamin ko pa lang"
"Ano ang kailangan kung gawin bakit mo yan pinakita sa akin, confidential ang video na yan ah"
"Gusto lang kitang i-update"
"Salamat sa lahat ng tulong mo, napakabuti mo talaga"
"Bastat may na-aagrabyado tutulong ako, hustisya para sa taong mga naging biktima ng karahasan"
"Ang ganda ng pananaw mo sa buhay sana marami pang tao ang katulad mo"
"Sana nga, paano ba yan aalis na ako, may kailangan pa akong gawin"
"Sasabay na din ako sayo palabas"
___
Napansin ko na tahimik lang si katty sa tabi ko dito sa loob ng sasakyan
"Anong tumatakbo sa utak mo, bakit ang tahimik mo?"
Naagaw ko ang atensyon nya, napasinghap ito sa tanong ko
"Kaya pala ganon na lang ang inis ko sa pinsan mo dahil pala sa may hindi magandang nangyari sa pagitan namin, hay! wala talaga akong kwenta, bakit ba nawala sakin ang mga alalang iyon, yon lang naman ang alas ko para malaman ang totoo kung sino ang totoong may kasalanan, kung dati nasabi ko na wala na akong paki kung sino nakapatay sa akin ngayon sisiguraduhin ko na magkukulong iyon"
Gusto ko man ma-disappoint sa pinsan ko pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam ang buong kwento
"malapit mo na makuha ang hustisyang inaasam mo, tyaka wag mo nga sabihan ang sarili mo na walang kwenta, may kwenta ka sa pamilya mo at maging sa akin"
BINABASA MO ANG
Ghost On Me (GxG) COMPLETED
General FictionTally is a college student girl that contented in her life but an accident happened, she met this young lady that make her life messed Is her life would back like before? February-May 2022