VEINTIDOS

18 2 0
                                    

-FLASHBACK-

Nang marating ko ang address na sinasabi ng ate ko ay maagap akong lumabas ng kotse at nagtingin tingin sa paligid

Nagdial na din ako sa 117 at humingi ng tulong at nireport ang nangyari sa ate ko

Wala sya dito kaya hinanap ko pa sya inuli ko na ang paligid hanggang sa napadpad ako sa isang madilim na eskineta,
Nangingibabaw ang determinasyon ko na mahanap ang kapatid ko kesa sa matakot
Sa paglalakad ko at pagmamasid sa paligid may isang lumang bodega akong nakita
Malakas ang kutob ko na nandito ang kapatid ko

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng bodega at may mga naririnig akong mga nagsasalita sa loob

"Ano ba pakawalan nyo ako" boses yon ni ate

Maingat akong pumasok sa nakaawang na pinto, dahan-dahan din ang bawat mga
hakbang ko at iniiwasang makagawa ng inggay pero anak ng tokwa may natisod ako agad ko itong pinigilan upang hindi makagawa ng ingay

Pagsinuswerte ka nga naman oh, isa itong matigas na tubo, kinuha ko ito baka makakatulong ito sa akin, tumatago tago ako sa mga lumang kagamitan at ang bodega palang ito ay isang imbakan
Sumilip ako sa mga butas at nakita ko si ate na nakagapos, basang-basa ito marahil ay binuhusan nila ng tubig

"Let me go" sigaw nya

"Masyado pang maaga"

"Ano bang atraso ko sa inyo"

"Wala pero sa girlfriend ko meron, kung hindi mo sya kinalaban wala ka sana dito"

"So? Kinokonsente mo pa jowa mo sa kabaliwan nya, FYI sya ang unang umaway sa akin, ayaw ko lang magpatalo kaya gumanti ako"

"Aa" dumaing ang kapatid ko, nagngingit na ako sa kinatatayuan ko, sinampal niya ang kapatid ko, napakasalbahe nya wala syang awa sa babae

At dahil nakita ko na sasampalin muli ang kapatid ko ay mabilis pa sa alas cuatro na lumapit ako at sinipa ko ang sasampal sa ate ko.

"Noime!" Gulat nyang tawag sa akin, hindi nya siguro akalain na nandito na ako, ngumiti ako sa kanya at tumingin na parang sinasabi ko na ililigtas ko sya.

Naging alerto ako nang sumugod sa akin ang isa pang lalaki

"Pakialamera ka" susuntokin na nya ako ng agad ko itong sinipa at sa may hita ko ito natamaan, napaatras ito dahil narin siguro sa sakit, thank you at nagka-advantage ako dahil sa marunong ako magtaekwondo

"Aa" daing ko
Hindi agad ako nakaiwas sa suntok, nakalapit na pala yung isang lalaki, sa may tagiliran ako natamaan kaya natumba ako na sya ding dahilan nang paglaglag ng cellphone ko

"Gago talaga kayo, pati babae pinapatulan nyo" galit na sigaw ni ate

"Wala akong paki, ayoko lang sa pakialamera"

Agad akong tumayo nang papalapit na sa akin ang dalawang lalaki, gamit ang tubo na hawak ko, himala at hawak ko pa din ito
Dahil na rin sa may konte akong nainom bago pumunta sa ate ko ay nahihilo ako
Sinugod ako nung isa kaya na hampas ko ito ng tubo at sa may balikat nya ito tumama
Nasaktan ito sa ginawa ko
Lumayo muna ako sa kanila, dalawa lang sila pero hindi ko dapat sila minamaliit, lalaki parin sila di hamak na mas malakas sila kesa sa akin

*Kring*
Bigla na lang tumunog ang cellphone ko na nasa sahig, na umagaw sa attention namin.
Nilapitan ito nung isang lalaki tsaka nilimot ito at malakas na binato sa sahig.
Hindi pa nakuntento, pinag-aapakan pa ito hanggang sa madurog
Huhu RIP sa cellphone ko

Ghost On Me (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon