VEINTIUNO

21 1 0
                                    

"yung mga mahihilohin doon kayo sa upuan sa gitnang part mas nakakahilo kung sa may tapat kayo ng gulong uupo at kain lang kayo ng candy kapag nakakaramdam kayo ng hilo para hindi lang kayo masuka" sabi ko sa mga batchmate ko bago ko sila pinapasok sa bus

Bali tatlong bus kami at dahil isa ako sa team leader, ako ang kasama dito ng iba pang estudyante at sa dalawa pang bus ay sina ma'am at si pres

Katabi ko sa upuan si katty wala naman ibang nakaupo doon kaya she claim it nalang
Favor naman sa akin na katabi ko sya mas mae-enjoy ko yong byahe kapag kasama ko sya
Inabot ko ang kamay nya at pinagsaklob ko ito sa kamay ko

Humarap ako sa kanya at tinititigan ko lang ito

Habang tinitingnan ko sya may mga pumasok sa isip ko, ano nga ba ang kapalaran na meron saming dalawa, hindi nga normal ang relasyon na meron kami, buhay ako sya naman ay kaluluwa na hindi nababagay na magsama kami

"Anong iniisip mo bakit ganyan mo ako titigan?" Nakatingin na din sya sa akin habang matamis na nakangiti

Nang masilayan ko ang mga ngiti nito ay napangiti na din ako at umiling sa kanya bilang sagot sa tanong nito,
ang mga tumatakbo sa utak ko kanina ay bigla na lang naglaho at napalitan ng gusto ko syang makasama habang buhay, mamahalin at mamahalin ko sya kahit anong mangyari
Ang mga ngiti nya ang nagpapalakas sa akin, ang nagpapatibay sa akin

Im so really inlove with her

Nagsabi ako sa kanya ng i love you pero yong walang boses na lumalabas

Yumakap sya sa akin "i love you too" sagot nya sa akin
Nanatili lang sya na nakayakap sa akin at ang sarap sa pakiramdam ng mga yakap nya
Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako

Bakit nandito na naman ako, napanaginipan ko na ito dati ah, ako, ang dalawang lalaki at ang isang babae na nakagapos
Bakit ba lagi nalang sa panaginip na ito ako dinadala

Ngunit ngayon naman ay sinasakal nila ang babae at bigla nalang akong nakaramdam ng galit, bakit ba nila ito ginagawa

Lalapitan ko na sana sila ngunit

"Hey tally gising kana nandito na tayo"
Naalimpungatan ako sa isang yugyog sa akin at sa paggising nito sa akin

Paggising ko kakatigil palang ng bus, mabuti na lang at ginising agad ako ni katty

Inalis ko na sa isip ko ang misteryusong panaginip na iyon

Bumaba na kami dala ang aming mga bag
Lumapit ako kina ma'am

"Students makinig muna kayo, 5 people lang sa bawat room kayo ng bahala kung sino ang gusto nyong kasama pero all girls lang sa isang room at boys lang sa isang room bawal magsama sa isang room ang babae at lalaki baka kung anong milagro ang gagawin nyo, ngayon ang gawin nyo group yourselves into 5"

Pupuntahan ko na sana mga kaibigan ko ng pigilan ako ni ma'am

"Kasama ko na kayo sa room ko, hindi nyo na kailangan sumama sa mga kaibigan nyo"

Kaya ang ending hindi na ako umalis ng pwesto ko

Napatingin ako sa mga kaibigan na ko na nakatingin din sa akin na nagtatanong ang mga mata nila
Kaya ang ginawa ko nagsad face ako tapos tinuro ko sina ma'am parang sinasabi ko na sina shamie at si maam ang ka-roommate ko

Tumango na lang sila bilang sagot

"Tapos na ba lahat, kumpleto na ba?"

"Yes ma'am" sagot ng mga kabatch ko

"Okey, isang representative para kumuha ng susi dito yung mga girls muna mauna"

May hawak si maam na dalawang basket at laman nung ang mga susi, yung isang basket lang ang pinakuhanan sa mga lumapit na babae

Ghost On Me (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon