Nasa isa akong lugar na hindi familiar sa akin may nakikita akong tatlong tao, yong isa ay nasa may gilid at nakatali at yong dalawa ay nasa harap ko na nakatayo, hindi ko maaninaw ang mga muka ng mga ito dahil sa blurred ito kaya hindi ko alam kong sino sila at maraming tanong ang tumatakbo sa utak ko, paano ako napunta dito? Sino sila?
Naririnig ko na nagsalita sila pero hindi ko iyon maintindihan
Takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, sino bang hindi kung pagmulat mo nasa unfamiliar places kana diba
Lumapit sa akin yong isang tao at may hawak itong tubo sa kanan nyang kamay
Di ko inaasahan ang gagawin nya, ipinalo nya sa akin ang hawak nyang tubo
Ang kanina kong takot ay doble na ngayonNapahiga ako at parang namanhid ang buong katawan ko
Maging ang pagsasalita ko ay hindi ko magawaNapapikit nalang ako ng muli nyang ihahampas sa akin ang hawak nya
Naghihintay ako nang pagdapo sa akin ng tubo ngunit wala akong natanggap
Nagmulat ako at puting kisame ang aking nakikita, hinihingal ako na parang tumakbo ng napakalayo
"Hay panaginip lang pala" sabi ko sa aking sarili, parang totoong nangyari
Iwinaksi ko na lang ang aking napanaginipan, panaginip lang iyon wala iyong patutunguhan
Nang naging normal na ang tibok ng puso ko at doon ko lang napansin ang brasong nakayakap sa akin, hala bakit may nakayakap sa akin, paano ako nagkaroon ng katabi sa kama
Sinundan ko ng tingin ang pinanggalingan ng brasong ito at nadapo ito sa muka ng babaeng mahimbing na natutulog sa tabi ko at doon ko lang naalala na sa kwarto ko nga pala ito natulog kagabi
Napatitig ako sa perpekto nitong mukha, iaalis ko na sana ang pagtitig ko dito pero sadyang parang may magnet ang mata ko na ayaw maalis sa mukha nito
Ang kilay nyang natural na maganda ang pangkakalinya nito at may kaitiman pa, ang ilong nyang may pagka-slim tapos matangos, at ang labi nyang natural na pinkish ang kulay
Ang ganda nya siguro kung nabubuhay pa ito baka madaming nagkakandarapa dito
*Ring*
Bigla kong naalis ang titig ko kay katty dahil sa tumunog ang cellphone ko
Inabot ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang nagmessage
May nag message sa group chat at kay shamie nanggaling ang message
Sinasabi nya na wala kaming pasok today dahil sa masamang panahon
Sumaya naman ako sa balita ni president kahit paano
Binalik ko na ang phone ko sa ibabaw ng table
Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni katty sa pagkakayakap sa akin
Ngunit niyakap nya uli ako at mas umusog pa palapit sa akin, sobrang lapit na ng mukha namin sa isat-isa
Ang kaninang normal na tibok ng puso ko ay nagkakarambulan na ngayon
Lalapit pa sana sya pero bigla na akong bumangon, kung hindi ko yon gagawin baka mahalikan pa nya ako
Dahil sa pagbangon ko nagising na din si katty
"Kanina ka pa gising?" Bumangon na din ito habang inaalis ang kumot na bumabalot sa kanya
"H-hindi kakagising ko lang din" totoo ba iyon tally sabi na lang ng magaling kong utak
Mabilis akong umalis sa ibabaw ng kama at pumunta sa may bintana, hinawi ko lang ang kurtina para tingnan ang labas, malakas pa din ang pag-ulan
Pagbaling ko sa kama maayos na ito ngunit wala na si katty, wala na sya sa buong kwarto, marahil ay lumabas na ito
BINABASA MO ANG
Ghost On Me (GxG) COMPLETED
General FictionTally is a college student girl that contented in her life but an accident happened, she met this young lady that make her life messed Is her life would back like before? February-May 2022