07

398 14 4
                                    

"oii, nag text na sayo si Ly noh? pa smile smile ka eh." sabi sa kanya ni Anji sabay taas baba ng kilay nito.

She chuckled sabay iling.

"kumain na tayo. gutom na'ko." sabi jiya sabay kuha din ng pagkain mula sa dinala ni Alyssa para sa kanila.

"sus. sabi kanina hindi daw gutom..tas ngayon. luh." sabi ni Alexa sabay iling.

Hindi nalang niya pinansin ang dalawa at nagsimula ng kumain.

+++++

"let's go home na? madami na din tayong natapos today, pwede nalang tayong tumambay bukas eh." sabi ni Anji habang nililigpit na mga gamit niya.

"true. let's go na Sam?" pag sang-ayon ni Alexa.

"sige, wait lang. I'll just arrange these papers muna." sagot naman ni Sam.

Inayos na niya ang mga papeles on top of her desk while the two waited for her.

"I'm done, tara." she announced sabay kuha sa bag niya.

She was the one that locked the office while Anji and Alexa are busy with their phones.

"hi!" she yelled a familiar voice behind her.

"oi Ly." Alexa greeted with a smile.

"naks, hinihintay mo si Sam, Ly noh?" tanong ni Anji dito.

Napakamot sa batok si Alyssa dahil dito.

"anong hinihintay pinagsasabi mo jan Anj. ikaw talaga." sabi ni Sam ng humarap na ito sa tatlo.

"though what brings you here Ly?" she asked.

Hindi halata pero kinikilig na si Sam. Ngumiti naman si Alyssa sa kanya bago nagsalita.

"gusto mo bang kumain together ng dinner?" tanong nito sa kanya.

"t-tayo lang?" nabubulol na tanong niya.

Tinawanan naman siya nila Anji at Alexa.

"I mean, gusto niyo ba? Anj? Lex?" tanong ni Alyssa sa dalawa pang nasa gilid lang.

"nah, ihahatid ako ni Ben pauwi ngayon.. gusto siya ma meet ng parents ko eh." sagot ni Alexa.

"jusko naman, ako nalang ba single dito satin?" reklamo ni Anji.

"last time I checked, single pa naman din ako. ewan ko lang kay Sam." sabi ni Alexa kaya pinalo siya ni Sam.

"aray naman!"

"single pa din ako. sira!" sabi ni Sam.

"hopefully not for long." sabi ni Alyssa na nagpangiti kay Sam, kinilig naman si Alexa at Anji.

"aii ewan! Lex, madadaanan niyo lang naman bahay ko, pakisabihan naman yang bola bola player mo na isabay ako oh." sabi ni Anji na tinawanan nilang lahat.

"anong bola bola oii!" natatawang saway ni Alexa.

"basketball player needs a ball to play.. kaya bola bola player." paliwanag ni Anji.

"pag ikaw talaga nahulog sa bola bola player din ewan ko nalang." sabi ni Alexa.

"so nahulog ka na nga kay Ben?" mapang-asar na tanong ni Alyssa kay Alexa.

"aii ewan! kayo na nga mag date jan. Anj tara na.!" naiinis na sabi ni Alexa bago umalis.

Napailing nalang si Alyssa dahil dito.

"so, dinner?" tanong niya ulit kay Sam.

"okay." sagot ni Sam kaya ngumiti si Alyssa sa kanya.

That smile is now dangerous for me.

She thinks sabay naglakad na sila.

"mabait ba yung Ben?" biglang tanong niya kay Alyssa.

"oo naman, talented pa tsaka funny." sabi nito.

"babaero?" tanong niya.

"hindi noh. maraming nagkagusto dun but si Lex lang nakikita niya. ang tagal na kaya niyang crush si Lex pero this year niya lang nalapitan, torpe eh." natawa sila pareho ni Sam dahil dito.

"sana hindi niya saktan si Lex." sabi ni Sam after a short while.

"mag e-spike ako sa mukha niya pag nangyari yan." sabi ni Alyssa that made Sam chuckle.

Importante kay Sam ang mga kaibigan niya kaya ayaw niyang masaktan ang mga ito. Ayaw niyang mangyari sa kanya at sa mga kaibigan niya ang nangyari sa family niya.

Pero pwede bang piliin kung sino yung mamahalin? kasi kung oo, gusto niyang sabihin sa mom niya na sana hindi nalang si dad niya ang minahal nito.

+++++
NOTE: HI!! Nabuhay ulit ako. I am so sorry sa mga naghintay ng next ud. Sobrang busy lang ng life to the point na hindi na ako nakakapag bukas ng accs ko to update.

Ang daming ganap, anyways, ingat kayo lahat and God bless :)

Thank you for patiently waiting :)

I Kissed a GirlWhere stories live. Discover now