01

902 20 1
                                    

Samantha Bernardo, a known Queen sa PBB High. Wala na yata talagang makakalamang sa ganda niya. Hindi lang din naman kasi ganda ang meron siya. She also has the brains. Talagang matalino din siya to the point na sa buong school nila, siya ang Top 2. Aside from that, nung tumakbo siyang Student Council President last summer ay nanalo siya, kaya this year, siya na ang newly elected President.

Sa ugali naman, dun siya sablay. Known din kasi siyang mataray at snob, but of course, maliban dun sa mga kaibigan niyang pili lang din.

She obviously loves being on the top. Kaso hindi siya satisfied sa pagiging Top 2 niya sa overall grade rankings. And bitter din siya sa taong nasa First.

And speaking of the Top 1 student.

"Ly! goodluck sa game mamaya!" biglang sigaw ng kaibigan niyang si Anji.

"oh! thanks Anj!" rinig niyang sagot ng taong pinaka ayaw niya. She has lots of reasons to hate this person.

Si Alyssa Valdez.

The Top 1 student. Ang kaisa-isang umagaw ng pagiging Top 1 niya the moment na lumipat ito sa school nila 2 years ago.

She hates the girl to the core.

Nag smile ito sa kanya pero inirapan niya ito and tinaasan ng kilay bago magsalita.

"wag mo akong ngitian Valdez. I hate it." she said na kinangiti lalo ni Alyssa.

"manunuod ka ng game mamaya?" tanong nito sa kanya.

Another thing she hates about Alyssa is how the girl thinks na friends sila. Kinakausap siya kahit halatang-halata na ayaw niya sa kanya.

"kailan ba ako nanuod?" she answers back in a bitchy way pero nag chuckle lang si Alyssa.

"chill..tinatanong ko lang naman. kasi if manunuod ka, magpapa reserve ako ng seat for you kasi alam mo namang malakas ka sakin eh." sabi nito sa kanya sabay wink.

She rolled her eyes at that.

Isa pang rason is because this girl is never ashamed to publicly show everyone na may gusto ito sa kanya.

Yes. The Top 1 student and popular Volleyball MVP Alyssa Valdez is gay and is in love with her. Very vocal ito about her feelings but never siyang formally na niligawan. Alam yata na wala talagang chance.

"shut it Valdez. Umalis ka na nga, you're so annoying." sagot niya dito and nag taas ng kamay si Alyssa, as if surrendering.

"okay babe, I'll go na. goodluck sa class mo!" sabi nito sabay smile sa kanya and alis, nakasunod dito ang mga kaibigan nito.

"the nerveeeee!!" inis na sabi niya ng makaalis na ito.

"eii. aminin mo Sam, cute si Alyssa diba?" pang-aasar ng kaibigan niyang si Alexa sa kanya.

"eww, no, never." sagot niya sabay irap.

"tara na nga sa room. aga-aga nasisira araw ko." sabi niya sabay tayo, rinig din niya na tumatawa ang mga kaibigan niya behind her.

annoying Valdez! she thinks as she walks towards her classroom.

+++++

She wants the ground to swallow her whole. Nakalimutan niya kasi na dahil siya ang newly elected President, ibig sabihin nito ay siya din ang mag ha-handle ng games, kasali na ang Volleyball.

Hanggang organizing lang kasi ang ginawa ng previous President since hindi na niya hawak ang title. Kaya naipasa na din sa kanya ang responsibility.

Kunot-noo siya habang kausap sila Anji at Alexa na member din ng council.

"jeez Sam. kalmahan mo lang. Aly is not doing anything, hindi pa nga niya pansin na andito ka oh." Alexa told her.

Tumingin siya sa direksyon kung nasan ito and nakita niyang busy ito.

"busy na busy oh, parang kailangan mo pang madapa sa harap niya para mapansin niya ang presence mo." sabi naman ni Anji na inirapan niya.

"as if naman gusto kong pansinin niya. tsaka tumigil nga kayo and instead let's start the program na." sabi niya na tinanguan naman ng dalawa, but syempre, may smiles na kasama.

She rolled her eyes at that as she went back to look at Alyssa. Halata sa itsura nito na seryosong-seryoso ito. Hindi pa nga nagsisimula ang laro, ganyan na ang itsura. She then started to think na totoo nga sigurong magaling talaga sa Volleyball si Alyssa.

"tapos ka ng tumitig Sam? start the program na." rinig niyang sabi ni Alexa na tumatawa pa.

She felt her cheeks heat up dahil dun.

"hindi ako nakatitig, kung ano-ano sinasabi." pagde deny niya, nakita naman niya yung hawak na mic ni Alexa kaya kinuha niya.

She did not know na kakasaksak lang nung mic, sinaksak na kasi ng member na naatasan sa sound system ang wiring..and mas lalong hindi niya alam na naka on na ito automatically, kaya kung ano man ang sunod na sinabi niya ay narinig ng lahat.

"tsaka I won't ever fall for Valdez, d ko siya type and hindi ko siya papatulan noh. kadiri kaya. eww." sabi niya.

Kita niya kung pano nanlaki ang mga mata ni Alexa na para bang nakakita ito ng multo.

"what?" she asked and that's when she heard the echo.

She slowly turned her head sa buong place and saw everyone's reaction, including Alyssa's.

Nagkatitigan sila and even with the distance between them, kitang-kita niya ang evident na sakit sa mga mata nito.

"ohhhkay everyone! sorry about that. it was a misunderstanding noh? anyways, so ayun nga, sisimulan na natin formally ang program!!" pag-iiba ni Alexa ng topic, nakuha na pala nito ang mic mula sa kamay niya.

Alyssa smiled at her, pero ibang smile, hindi yung usual na smile na binibigay nito sa kanya. Yun yung smile na nasasaktan. Tumango din ito sa kanya sabay baling ng atensyon sa mga kasama nito.

"the heck did I just do?" she asks herself.

Maldita and ma attitude siya, yes, pero hindi niya intention na saktan ng ganun si Alyssa.

"stupid mic." sabi niya sabay tingin kay Alyssa.

"once again, I am your Vice President, Alexa Ilacad..now, let the game, begin!" rinig niyang sabi ni Alexa.

Buti nalang ay nag opening na ito, wala na kasi siyang strength na gawin pa yun.

+++++

"who on earth plugged in the mic?!!!" galit na tanong niya sa ibang members.

"a-ako po." rinig niyang sagot ng isang member. Halatang takot ito sa kanya and she rolled her eyes.

"next time, you all should check the mic din kung naka on ba or not!" reklamo niya na tinanguan ng lahat.

"sorry Pres." she heard them say.

Nag walk out na siya after nun.

She feels like she needs to.

Nakita niya din kasi si Alyssa na papalapit sa pwesto nila since nasa bandang exit sila ng gym.

And d pa din nawawala sa mga mata nito ang lungkot kahit na nanalo sila sa game. And she knows why.

Sobrang nasaktan niya lang naman ang taong pinaka ayaw niya. And hindi siya masaya sa nangyari. In fact, she feels guilty.

++++

NOTE: FIRST CHAPTER IS DONE!! :)

THOUGHTS?

ALSO, ILABAN SI SAMANTHA HANGGANG BIG NIGHT!!

BBS SAMANTHA

I Kissed a GirlWhere stories live. Discover now