34. Sige, Ako'y Hubaran

0 0 0
                                    


Sige ako ay iyong hubaran!
Hayaan mong maglandas
ang makati mong kamay
sa aking katawan.
Hayaan mong buhayin
ng maka-mundo mong isipan
ang iyong kalamnan.
Sige ako'y iyong hubaran!
Hinubad na rin naman
ng iyong kahalayan
ang aking puri’t kalinisan
dahil gaano man kakapal
ang telang sa aki’y nakaharang

manatiling hubad pa rin
sa mata ng makasalanan.

Published: April 6, 2022

A Poet's PadWhere stories live. Discover now