Sa aking tahanan, may maliit na espasyo
Huwag ko raw tingnan sapagkat nakakandado
Sa bawat pagbabawal ay akong na-engganyo
Ano ang nakatago? Hinuha ko'y misteryoMaraming nag-abala na silipin ang loob
Subalit walang nakalabas sa rami ng pumasok
Noong sumiwang ang pinto, ano itong amoy na nakakasulasok?
Ano ba itong nakatago? Ah, sa akin ang katotohana'y tumurok.Hindi pala ito espasyo ng misteryo
Isa pala itong hukay ng mga sikreto!
Ang tahanan ko pala kung tawagin ay "mundo"
ay may espasyo para sa maruming gobyerno.
Walang nakalabas sa rami ng pumasok
Marahil sa kanilang bibig ay mayroong nakasuksok
Maaaring salapi, bala, o ang iba sa kanila'y hayok
na mapabilang din sa espasyo upang marating ang rurok.
Published: March 31, 2022

YOU ARE READING
A Poet's Pad
PuisiEveryone has a chapter they don't read out and -she's there. Trapped in those torn pages and owned a pad of poems about life, shits and, dark shaded tales. Photos that being used in this work were not mine. A hundred fold of gratitudes and credits t...