36. Ikatlo, Talo Ako (A Spoken Word Poetry)

0 0 0
                                    

Naaalala mo ba
noong tinanong kita?
Kung papaano mo sasabihin
kung sakaling aayaw ka na?
Kung papaano mo aaminin
na pabitaw ka na?
Kung papaano ka kakalas kapag
naghiwalay na tayong dalawa?
Sinagot mo ako ng,
"Hindi ko alam, Andra,
sa loob ng tatlong taon,
wala na akong balak
na iwan ka."

Nakakatawa.
Lumipas ang tatlong buwan,
hindi ko na kailangan magtanong pa.
Wala kang sinabi
na ayaw mo na,
na bibitaw ka na,
na makikipaghiwalay ka na.

Wala kang sinabi
pero hindi ko na
kailangang magtanong pa,
dahil sa loob lamang ng
tatlong minuto,
alam ko na—
kailangan na natin itong tapusin,
bago pa man ang labi mo
ay bumuka,
sapagkat ang espasyo ko sa puso mo
ay tuluyan na palang nagsara.

Sa lahat ng bigo
hango sa salitang ikatlo,
pagbilang ng tatlo,
tanggapin natin na sa huli
talo na talaga tayo”.

Published: April 6, 2022

A Poet's PadWhere stories live. Discover now