Irhad
"Kumain ka muna Aika tapos matulog ka. Si Sam muna magbabantay."
"Ok. Thanks."
Kinuha ni Aika ang supot ng Jollibee sa table at umupo sa couch di malayo sa kama ni Badong na ngayon ay natutulog.
"How about you?" Tiningnan ko si Sam na naglalaro sa phone niya habang nakupo sa kabilang couch.
"Diba aalis ka?" Patuloy niyang tanong sa akin.
"Oo.. mga 10 na siguro ako pupunta sa farm. Kailangan kong puntahan e. Utos ni dad."
"Wala naman akong gagawin ngayon so dito muna ako. At least makatulog tong isang to"
Since the accident happened, hindi na umuuwi si Aika. Sinabihan siyang pauwiin ng daddy niya pero ayaw niya. She stayed in the hospital para bantayan ni Badong. Wala masyadong tulog.
She's taking care of Badong. Ayaw niya na iba ang mag'aalaga dito. Minsan nga naguguluhan kami ni Sam sa kanya.
Isispin mo, she's so naughty and annoyed at Badong. But she's not going anywhere right now just to take care of him.Umalis na ako para dumiretso sa farm. Dumaan muna ako sa market para bumili ng pagkain ng mga trabahante.
Pagdating ko sa farm. Nakasalubong ko si Mang Ruben na may dala'dalang malaking basket.
"Mang Ruben magandang araw po"
"Naku ma'am! Nandito na po pala kayo. Nandoon na po sila sa niyogan."
Sinundan ko lang ang matanda. Di nagtagal nakarinig na ako ng mga kalabog. Mga pagsungkit ng niyog.
"Ingat lang po ma'am ha. Baka may niyo na mahulog" paalala niya.
Maingat naman akong sumunod. Magbabantay na baka mahulugan ako ng niyog habang dumadaan sa mga puno.
Nakarating kami sa maliit na kubo na katabi ng pugon.
Nagpapahinga rin ang ibang mga trabahante. Nagtatawanan sila habang nagkukwentuhan. Natigil lang sila nang mapansin nila na dumating ako."Magandang araw po ma'am!" Bati nila.
"Magandang araw din."
"Mabuti po nakapunta kayo" it's Damian. Nakasuot ng long sleeves na jacket at naka'cap. Pero ang mukha niya nakabalot ng t-shirt. Para siguro sa init habang nagtatrabaho.
"Oo. Pasensya na.. medyo natagalan lang ng konti. Bumili na rin ako ng para pananghalian"
"Naku! Nag'abala ka pa ma'am." Sabi ng isang lalaking medyo may pagka'chinito.
"Ok lang yun.. Saan ko pwede ilagay tong mga to?" sabay pakita ko sa mga supot na dala ko.
"Ako na po bahala ma'am."
Sabi naman ng isang may mataas ang buhok."Irhad. Ipapakilala ko muna mga kasama namin dito.
Si Macmac yung may mataas ang buhok. Si Jomar naman yung chinito diyan. Si Antonio yung nasa dulo."Patuloy lang si Damian sa pagpapakilala sa mga kasamahan nila. I found out na magkakamag'anak ang iba.
Masaya naman silang makasama. Si Jomar ang mapagbiro sa lahat. Sabi ni Damian,he's their clown in the group.Di nagtagal ay bumalik din sila sa trabaho. I was wondering ano kayang trabaho ni Damian pag'nagkokopra.
"Antonio? Anong gagawin mo?" Nakita ko kasi siyang kumukuha ng bato.
"Ako kase nakatoka magluto ngayon ma'am.."
He piled big rocks in same sizes pabilog. Then gathered twigs to make fire..
"Anong lulutuin mo?"
"Iihawin ko lang po yung karne na binili mo"
"The rice?"
"May mga baon na po kaming kanin. Tamang'tama rin po yun para sa atin lahat.."
Tumulong akong mag'ready ng mga karne. Ayokong walang ginagawa dito. I'm surrounded with hard working people. Tapos ako magpapakadoña.
After kong matapos ang ginawa ko Antonio said siya na daw tatapos. Kaya naman pumunta muna ako sa labas kung saan sila nagtatrabaho.
May mga nanunungkit, kumukuha ng niyog na nahuhulog, may humahakot, nagbabalat, nag'bibiyak.I saw Damian. Tagabalat siya ng niyog. Medyo napangiwi ako nang makita ang talas ng pangbalat. It's so sharp na kumikinang pag nasisilagan ng araw. Bawat hampas niya ng niyog upang mabalatan, parang nag'aalinlangan akong tingnan. Baka madiretso ang kamay niya.
"Mahirap ba?" Namalayan ko nalang sarili ko na nasa tabi niya..
"Nung una. Pero nasanay na rin"
"Have you been.. alam mo na.. nasugatan?"
"Opo" he chuckled
"Madalas po dati,nahiwa na nga po tung palad ko. Sa talim ba naman nito" Kasabay nun ay ang paghubad ng gloves niya at nakita ko ang mabahabg peklat sa palad niya.Mabilis siya kumilos. Maraming niyog na rin ang nababalatan niya sa ilang minuto.
I can't help na mag'isip. Mabuti nga may mga trabahante na gaya nila. Ginagawa ang lahat, kahit na nakabilad sa araw, kahit delikado,.kahit sobrang sakit sa katawan ng trabaho, sumisikap parin silang magampanan ang tungkulin. Kung wala sila, kung wala ang mga ganitong tao, paano makakaproduce ng kopra? Or kahit sa palayan if walang mag'aani, walang bigas.People should appreciate the efforts of these workers. Pasalamat sila na bibili nalang sila ng cooking oil sa market para pangluto. Pero itong mga nagtatrabaho, ilang araw pa ang kayod nila bago makapag'produce ng kopra para may gagawing oil na siyang gagamitin ng mga tao.
Naghanda na si Antonio ng kainan. Nandoon na ang inihaw niyang karne. May iba pang mga ulam. Sabi nila, mga baon daw nila ang yun. Naghanda na ang lahat for lunch. Suddenly, Damian gave me his baon.
Natataka naman akong tumingin sa kanya."Sayo na to. " Matipid niyang sabi.
"What? Binibigay mo ang baon mo sa akin?"
"Oo. Wala kang dalang pangkain Irhad. Sayo na tong mga gamit ko para maayos ang pag'kain mo."
Sabay abot sa akin ng baon niya na may lamang kanin, inihaw na karne, may pritong isda at may saging. May kasamang tinidor at kutsara.Wait.. he's the one working here. He's the one who's tired. He's the one who needed to eat properly. Tapos ako ang kakain ng baon niya? Ano to?
"Sige na po"
Nag'aalinlangan man. Tinanggap ko nalang yung offer niya.
Baka sasama loob niya if tatanggihan ko."Paano ka?"
"Naku. Wag kang mag'alala sa akin"
Walang ka'ano-ano.. pumitas siya ng dahon ng gabi na nasa gilid lang namin. At yun ang ginawa niyang plato.
"Tol.. Pakilagyan mo nga ako ng pagkain. Salamat!"
After niya kumuha ng pagkain ay tumabi siya sa akin. Bago pa man siya kumain, he placed a bottle water on my side.
"Sayo yan"
"Yours?"
"Ayos lang ako.. may tubig naman doon. Kumain ka na."
Di ko maiwasang ma'touch sa paging gentleman ni Damian. I never thought that he is this kind. Mabait naman siya kahit sa school. But it's different when you, yourself experience it.
______________
So so so sorry! Sobrang tagal Kong Di nakapag'update💔. I'll try my best to update more💕 Thank you!
BINABASA MO ANG
Caught By His Imperfection (#1 CB Trilogy)
General FictionSometimes we see the beauty not on the outside. But in the inside. Irahd don't need to worry about boys. Because boys are just a glance away for her. With her beauty and talents, she's every guy's dream. Her parents always tell her to find a guy...