Cough* Cough* Cough*
"Here"
"Wag na po"
Malamig siyang tinitingnan ng dalaga.
"Take it"
"Pero ayos lan-"
"I said take it. Ang lamig 'lamig dito. It's raining at ang nipis pa ng damit mo. May mga pasa ka pa dahil sa aksidente. Baka sisihin mo pa ako pag'magkasakit ka."
Wala nang nagawa ang binata kundi kunin ang jacket sa kamay ng dalaga.
"Get in. Ihahatid na kita sa farm"
Mag'aalas kwarto na ng umaga. Naabutan na sila ng umaga sa paghihintay at pag'aasikaso sa nga bayarin at papeles. Dagdag pa na may pulis na dumating sa hospital matapos malaman na kotse ng anak ni Attorney Rey Ramirez ang nakabangga.
After na'settle ang lahat, doon na ni Irhad napagpasyahan na ihatid ang binata. Tutal ay empleyado nila ito sa farm ay responsibilidad din nila ang kaligtasan nito.Mabuti nalang at holiday. Walang pasok.
Wait.. biyernes ngayon ? Diba sabado manunungkit yung mga trabahante?
"So.. diba mag'kokopra sa farm? Sa sabado yun diba?"
Minabuti na lang ni Irhad na itanong dahil sabi ng dad niya.
"Bukas po ma'am"
"Gaano ba katagal ang trabaho?"
"Matagal po. Mga Isang buong araw ang panunungkit. Depende sa Dami ng niyog ang tagal sa pagkokopra"
"Ok"
Dumating sila sa farm. Papasok sila sa gate nang madaanan nila si Mang Ruben. May dala'dalang supot ng tinapay at nangingiti'ngiti sa daan sa kung sino ang makikita niya.
Malawak at malaki ang farm ng pamilya ni Irhad. Kaya dito na pinapatayo mga bahay ng mga trabahante para hindi na sila mahihirapan pa sa mga trabaho. At hindi na sila uuwi sa malayo.
Ipinarada ni Irhad and sasakyan sa ilalim ng isang puno.
"Ma'am! Magandang umaga po!"
"Good morning din po Mang Ruben"
Hindi pa nakikita ni Mang Ruben ang anak dahil nasa kabilang dako pa ito ng sasakyan at paika'ika pa ito."Napabisita po kayo ma'am?"
"May hinatid lang po ako"
"Ah ganoon po ba. E magkape po muna kayo ma'am. Naku ke'aga aga pa po."
"Actually pa-" nabitin
"Serces? Anak? Ikaw ba yan?"
Patay..
"Mang Ruben let me ex-"
"Ikaw talagang bata ka! Saan ka naman nagpupupunta!? Halika dito! Sabi ni Rosang wala ka sa kanila! E ang paalam mo kagabi ay may kukunin ka lang sa kanila sandali. Hindi ka na umuwi!" Talak ni Mang Ruben sa anak..
"Sandali lang po tay!"
"Halika dito! At makakatikim ka sa akin!"
"Sandali po!" Iwas naman ni Serces sa akmang palo ng ama.
"At bakit ka may mga pasa?! Nakipag'away ka na naman?!"
"W-Wala po a!! Di po ako ganun!"
Oh god. Baka madagdagan pa tong pasa ni Serces pag hindi pa ako sumingit.
At doon na sumingit si Irhad.
"Sandali lang po Mang Ruben.. Let me explain po"
Nagtaka naman na tiningnan siya ng matanda.
"Siya po ang hinatid ko dito. Nabundol po siya ng kotse ng kaibigan ko na nadisgrasya kagabi po. Wag po kayong mag'alala.. na'check up na rin po siya. Binayaran na rin po ang mga natapon niyang paninda. Settled na rin po ang mga bayarin sa hospital. Pasensya na po. Humihingi ako ng pasensya on behalf of my best friend" medyo nabunutan siya ng kaba pagkatapos nagpaliwanag.
BINABASA MO ANG
Caught By His Imperfection (#1 CB Trilogy)
Fiksi UmumSometimes we see the beauty not on the outside. But in the inside. Irahd don't need to worry about boys. Because boys are just a glance away for her. With her beauty and talents, she's every guy's dream. Her parents always tell her to find a guy...