❗Drare's Note❗
The following stories that you are about to read are mainly product of a playful and wild Imagination. Some places in the story are actually changed for reasons.Any resemblance to any place, person, living or dead and events is probably coincidental.
Note:
PLAGIARISM IS A CRIME
Do not distribute, copy, display, or recreate the contents of this work/story without permission.
Please do ask first.I'm sorry for my mistakes in writing.
Thank you and Enjoy Reading.
God Bless!Rare Lithium 💕
Caught by His Imperfection
Chapter 1
Medyo madilim pa ang paligid ngunit naghahanda na si Serces ng mga gamit niya para sa trabaho. Suot ang bota, maingat na binagtas ng binata ang maputik na daan patungo sa prutasan.
Malaki ang prutasan na pagmamay'ari ni Ramon Varde. Isang negosyante sa lungsod ng Alverdah. Si Mang Ruben na tatay ni Serces ang tagabantay ng prutasan kasama ang iba pang mga trabahador. Ilang ektarya rin ang laki ng prutasan kaya napakarami rin ang tanim dito.
Pagkadating niya sa lugar ay nagsimula na agad siyang mag'trabaho.
Sinusungkit ni Serces ang mga lantang dahon sa mga puno ng saging. Nakakasira kasi ito sa puno kaya kailangang kunin. Medyo malaki'laki rin ang area ng mga tamin na saging kaya kailangang maaga siya magsimula.
Mga alas'siete na ng umaga natapos si Serces sa pagtatrabaho sa taniman ng saging. Agad din siyang bumalik sa bahay nila at naghada na para sa eskwela. Wala ng nanay si Serces kaya mag'isa silang tinaguyod ng tatay niya. May kapatid siyang nagta'trabaho sa abroad. Kaya siya at ang tatay Ruben niya lang ang natira sa probinsya.
"o anak! Kumain kana para makahanda kana sa eskwela. Alas'otso pa naman ang una mong klase"
"opo tay. Maliligo lang po ako"
Pagkatapos maghanda at kumain ay lumuwas na para eskwela si Serces. Kailangan pa niyang sumakay ng jeep papuntang paaralan. Habang nasa jeep, napansin niya ang sapatos niya.
Sira na ito at may butas pa.
Bahala na. Mas importante ang pinag'iipunan ko.
Hindi na niya inintindi ang hiya. May mas importante siyang iniisip kaysa sa mga materiyal na bagay. Kahit pa ay para naman sana ito sa sarili niya.
Pag'kababa ng jeep. May tumawag agad ng pangalan niya.
Si Kaloy. Karl Adrius Aquinse. Ang matalik niyang kaibigan simula highschool.
"oy tol! Mabuti on time ka ngayon. Patay ka na naman sana kay Prof. Nung isang araw, Ilang minuto nalang para next subject ka pumasok." Bungad agad ni Kaloy sa kaibigan.
"Hayaan mo na"
"Hindi naman sa wala akong pakealam sayo ha..pero tol. Ilang linggo kanang medyo nahuhuli sa klase e. Baka nakalimutan mo, scholar ka."
Sa sinabi ng kaibigan niya ay doon siya napahinto.
Niligon niya ito at tinanong.
"Ganoon na ba ako kapabaya?"
BINABASA MO ANG
Caught By His Imperfection (#1 CB Trilogy)
Ficción GeneralSometimes we see the beauty not on the outside. But in the inside. Irahd don't need to worry about boys. Because boys are just a glance away for her. With her beauty and talents, she's every guy's dream. Her parents always tell her to find a guy...