TAHIMIK na naghihintay si Irhad sa labas ng Mercury Drugs habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Hinihintay si Aika na bumibili ng supplies bago bumalik sa ospital.
Biglang may kumatok sa bintana ng kotse.
Isang batang nagtitinda ng turon.
Binaba niya naman ang salamin para makita siya ng bata. Sakto naman ang dating ni Aika.
"What's that?" Tanong nito habang nilalapag ang mga binili.
"Turon Aika"
"Ate..bili po kayo?"
"Magkano ba yan boy?"
Kumuha ang dalaga ng pera sa bulsa niya at binilang yon."5 pesos po isa ate.."
"May langka ba yan?" Excited na tanong ni Aika.
Napatingin naman si Irhad sa dalaga. Hindi kase nito alam na mahilig pala ito sa turon na saging na may langka."Opo" sagot ng bata.
"Good! Pabili!" Agad na Sabi ni Aika.
"Ilan po inyo?"
"Sampu"
Pagkatapos magbalot ng bata ay inabot niya na ito sa dalawa.
"Bayaran mo na Rad"
"Ano? Ikaw lalamon ako magbabayad?"
"Eeeh.. na'ubos na cash ko e..sige na."
"Hay naku" napakamot nalang ang dalaga habang nagaabot ng bayad.
Bumalik na agad sila sa ospital dahil kailangan na asikasuhin ang paglabas ni Badong.
"Sa wakas. Lalabas ka na rin." Sabi niya sa binatang kahit naghihirapan ngumiti dahil sa namamaga pa rin ang mukha ay todo sikap parin ito na magbigay ng positibong tugos sa kanila.
"After two weeks of being stuck in this room. Makakakita ka na rin ng araw Badong" masaya namang tugon ni Sam.
Paglabas na sila sa ospital. Hindi maiwasang pagtinginan sila ng mga tao sa paligid.
Sino ba naman ang hindi. Anak ng mga kilalang negosyante, enhinyero,at abogado sa kanilang lungsod magkasama. Si Sam na may dala'dalang dalawang bag na malalaki. May supot pang nakatali sa sling ng bag. Nakasuot ng crop top at naka'jumpsuit.
Si Irhad naman nakatoka sa mga unan at medical na gamit sa ni Badong .Simpleng sexy short lang at loose shirt ang suot.
At si Aika naman ay nakasunod sa gilid ng wheelchair habang naglalakad. May dala'dalang envelope sa kamay. Nakabantay kay Badong. Isang dress naman na peach color ang suot nito. Sa Ganda ng tatlo ay imposibleng hindi sila pagtinginan ng tao.Pagkalabas ay agad na kinuha ni Irhad ang sasakyan niya.
"Parang nagmukha akong katulong sa sting tatlo ah."reklamo ni Sam.
"Ok lang yan. Maganda ka naman kahit may dalang dalawang bag" sabat ni Aika.
"Wag mo akong lokohin Aika. Kilala kita"
"Totoo naman."
"Mukha mo"
"Maganda"
"Hindi Aika. Baka nagkamali ka lang ng tingin"
Habang nagtatalo ang dalawa ay pinarada na Irhad ang sasakyan.
"Tigilan niyo na nga yang dalawa. Kayo..kahit saan talaga."
"Sa totoo lang wala naman kayong dapat ikahiya tatlo. Ako nga ang nahihiya e. Sa pangit kong to.. tatlo kayong kasama ako. Kulang nalang
mamatay ako sa titig ng mga tao dito."
reklamo ni Badong.
______In the car.
"Sam. Bili ka naman ng lunch." Biglang sambit ni Aika.
"Ano?"
"Sige na. I don't have cash e."
"Kanina pa yang "I don't have cash" mo Aika. Gamitin mo kaya yang credit mo." Sabi naman si Irhad.
"Girl kung gutom ka, wag mo kami idamay" Sabat ni Sam.
"Wala nga akong pera dito e.."
Hindi na nakatiis ang pasyenteng tila akalimutan nila.
"Mga ma'am. Pwede po ba. Mamaya na kayo mag'away sa pagkain. Nahihilo na po ako sa ingay niyo."
Natahinik sang tatlo sa katatalo.
Napagdesisyonan na ni Aika na sa kanyang puder muna si Badong. Todo tanggi naman ang binata."Ayoko po ma'am"
"Bakit ba? Ano bang problema mo?"
"Ayoko po dito. Pwede po ako mangupahan ng boarding house"
"Sapak gusto mo?!"
"Ayoko nga po dito e"
"Ano bang problema sa bahay ko? Maayos naman ah."
"Ano kasi..."
"Badong.. it's good for you na dumito na muna. Maayos pa matutuluyan mo while you're recovering. Wag mo nang tanggihan yang si Aika dahil alam mo nang kahahantungan mo." Singit ni Irhad.
Umalis si Sam at Aika para maghanda ng pananghalian nila habang si Irhad naiwang kasama ang binata.
"Nahihiya kasi ako" biglang Sabi ni Badong.
"Ang laki na ng ginawa ni Aika para sa akin. Ayoko nang maging isang pasanin pa Irhad." patuloy nito.
"It's fair though" inayos ni Irhad ang pagkaupo at humarap sa kanya.
"It's only fair Badong. Why? Kasi matagal mo siyang binabantayan at pinoprotektahan. Ngayon na ikaw naman ang nangagailangan ng tulong, salo ka niya.""Trabaho ko yung protektahan siya at bantayan. Pero kahit na.. ayoko maging pabigat sa kanya.. sino ba ako?"
"Well for me.. from what I saw. You're more than just a driver and a bantay to her Badong. Just let her do her decisions. Para rin naman yun sayo"
Naalala ulit ni Irhad and itsura at kondisiyon ni Aika sa panahong malubha si Badong.
Badong is five years older than Aika. Turing nito sa dalaga ay parang kapatid na. Dinidisiplina, inaaruga, binabantayan at pinoprotektahan. Andiyan lagi ang binata sa tabi ng dalaga. At nakita ni Irhad lahat yun. Kaya parang alam na niya kung bakit gaano nalang kalungkot at pag'aalala ang naramdaman ni Aika nung nadisgrasya sila.
"Wag mo na munang isispin yun. Sige na tulungan na kita dun s akwarto mo. Baka mahilo ka pa."
Irhad took his arm and lead him to his room na kanina ay tinuro ni Aika."Salamat Irhad"
"Sige na. Magpahinga ka muna. Gigisingin ka nalang ni Aika if the lunch is ready"
Natulog na si Badong at dumiretso na si Irhad sa kusina kung nasaan ang dalawa pa niyang kaibigan.
"Girl! May news ako sayo!" Biglang sigaw ni Aika.
"Pwede ba? Wag nga kayong maingay.
Kahahatid ko lang kay Badong sa kwarto niya. Natutulog yung tao e.""Ay. Thank you besh. Wait! Oo nga. May news ako e." Sabi ni Aika.
"Ano na naman?" Tanong niya sa kanila.
"You'll represent your department in the Next Top Model"
Sabi ni Sam."Tsss" nailing nalang siya.
"I told them I don't like those kinds of things""Wala ka nang magagawa. They already released the names. Nakabalandra na ang mukha mo dun sa FB Page ng school"
"As if I have a choice Sam"
"Don't worry you have a good partner gurl" Aika said with a smirk in her face.
Nagtataka man. Nagtanong nalang din siya.
"Sino naman partner ko aber?"
Nagkatinginan muna si Aika at Sam bago humarap sa kanya. Nakangiti ang dalawa nang nakakaloko.
"Si Damian"
BINABASA MO ANG
Caught By His Imperfection (#1 CB Trilogy)
Fiksi UmumSometimes we see the beauty not on the outside. But in the inside. Irahd don't need to worry about boys. Because boys are just a glance away for her. With her beauty and talents, she's every guy's dream. Her parents always tell her to find a guy...