Red and Blue (JoKen)

613 13 1
                                    

"Suson!" rinig kong sigaw ni Mav. Inihagis niya sa akin ang bola at agad ko naman itong sinalo. Matapos nun ay walang alinlangan kong ishinoot ang bola mula sa three-point line. 

"Time out muna." ani Joshuel kaya naglakad kami isa-isa papunta sa mga bleachers para uminom ng tubig. 

Kasalukuyan kaming nasa covered court dahil nagkayayaang maglaro ng basketball. 

"Dude, 'yung phone mo nag-riring." tiningnan ko naman ang phone ko para malaman kung sino ang tumatawag.

"Hayaan mo." walang gana kong ani.

"Yare ka na naman dre. Labas na kami dyan ha." natatawang ani Joshuel. Nakita din kasi nila kung sino yung caller. Si Josh.

Nag-away kami nung isang araw at dalawang araw ko na siyang hindi kinakausap. 

~Tsk! Bahala siya!~

"Tara! Pag-aya ko habang sinasara ang tubigan ko."

"Woah! Suson, si Josh 'yun di ba?" napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Mav.

Agad kong tiningnan ang tinitingnan nila at nanlaki ang mata dahil totoo ngang si Josh yun, kasama sina Justin. 

Pero hindi talaga iyon ang nakapukaw sa atensyon ko, iyong buhok niya.

~Damn it, Santos!~

Huli na nung mapansin kong nilapitan na sila nina Mav. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanila. Agad bumungad sa akin ang nakangising labi ni Josh. Nag-igting naman ang panga ko dahil dito.

"Bro! Wassup! Ganda ng buhok natin, dre ah!" masiglang bati ni Joshuel.

"Oh pati pala si Jah, nagpakulay din!" ani Mav pero hindi ko inaalis ang tingin ko kay Josh. Tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Oo, kahapon sabay kaming nagpakulay. Sinamahan kami ni Stell at Pau." rinig kong pagkukwento ni Justin.

"Nice! Astig dre oh." manghang ani ni Mav.

"So, anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Joshuel.

"Magbabasketball din. Nabobore na kami sa bahay eh." natatawang ani ni Pablo.

"Tara, team niyo laban sa team namin." pag-aaya ni Stell.

"Paano yan, apat kayo, tatlo lang kami?" problemadong ani Mav.

"Ako, hindi na muna ako maglalaro. Sinamahan ko lang naman talaga 'tong tatlo eh." ani Justin at nagsi-tanguan naman sila. 


                              _____________________________


Nakapuwesto na kaming anim. Si Stell at si Mav ang nakapuwesto para sa jump ball. Si Joshuel ang nakabantay kay Pau at ako naman ang nakabantay kay Josh. 

"Tsk! Ako pa talaga ang huling nakakita ng buhok mo, ha." inis kong sambit. Tama lang ang lakas ng boses ko para si Josh lang ang makarinig.

"Tss. Kung sinagot mo ang tawag ko kahapon edi sana ikaw unang nakakita." pagsusungit din niya.

"Kay Justin ka pa talaga nagpasama!" gigil kong ani at nagsimula ng tumakbo dahil si Joshuel ang nakasalo ng bola. Agad niya itong naipasa sa akin pero bantay sarado ako ni Josh. Habang nagdi-dribol ako ay hindi natigil ang pag-uusap namin.

"Eh sa siya lang ang available eh saka kasama naman namin si Pau at Stell." aniya habang tinatangkang agawin sa akin ang bola.

"Kahit na. Alam mo namang pinagseselosan ko si Jah tapos sa kanya ka pa nagpasama. Ha! Tibay talaga!" lumayo ako sa kanya ng konti at agad na ishinoot ang bola. 

"Yown!" 

"Nice one!"

Ngumisi lang ako kay Josh bago tumakbo ulit. 

"Tsk! Napakayabang talaga!" rinig ko pang aniya. Nasa kanya ngayon ang bola at walang alinlangang ishinoot ang bola.

"Grabe, iba talaga ang mga tao kapag in-love!" ani Stell at nagtawanan naman sila. Inis ko namang tiningnan si Josh at ngisi lang ang iginanti niya.

Kalahating oras na kaming naglalaro at palaging nagtatabla ang score ng dalawang grupo.

"Break time muna!" ani Stell kaya agad kaming tumakbo papunta kung nasaan nakatambay si Jah dahil nandun din ang mga gamit namin. 

Habang umiinom ako ng tubig ay nakita kong inabutan ni Justin si Josh ng bottled mineral water at nakangiti naman iyong tinanggap ng mokong.

"Thank you, Jah." masiglang aniya.

Ilang munto muna kaming nagpahinga at sa ilang minutong yun ay hindi nawala ang inis ko dahil rinig na rinig ko ang pagdadaldalan nung dalawa. Nakakaasar.

Hindi na ako nakatiis at padabog na tumayo. Ramdam ko namang nagulat sila dahil dun. Naglakad ako papunta sa harap ni Josh at inis na hinablot ang kamay niya. 

Dali-dali akong naglakad papunta sa isang tabi, malayo sa mga kaibigan namin at sa kung saan walang makakakita sa aming ibang tao.

"Ken! Ano ba?! Saan-" pilit na nagpupumiglas si Josh mula sa pagkakahila ko sa kanya pero mas malakas ako. 

Inis ko siyang isinandal sa dingding at matalim siyang tiningnan habang hawak ko ang magkabilang balikat niya.

"Ano bang problema mo?!" galit at kunot-noo niyang ani.

Ilang segundo pa kaming nagtitigan bago ko niluwagan ang pagkakakapit ko sa balikat niya. Hinila ko siya palapit sa akin at mahigpit na niyakap.

Naramdaman kong natigilan siya pero agad din namang kumalma. "I'm sorry." sinsero kong ani.

"Ha?" ang tanging nasagot niya. Kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. 

"Sorry, kako. Hindi ko mapigilang hindi magselos kay Jah. Paano naman kasi, sobrang close niyo." nakanguso kong ani at natawa lang siya.

"Tss. Ilang beses ko bang sasabihing nakababatang kapatid lang ang tingin ko sa kanya." hinawakan niya naman pabalik ang pisngi ko. 

"Tsk. Oo na." 

"'Yan lang talaga sasabihin mo?" taas-kilay niyang ani.

"Hmmm?" tinitigan ko lang siya. 

"Ken? Wala ka bang ibang napansin? Wala ka bang sasabihin?" 

"Huh? Wala naman. Meron ba dapat?" pagmamaang-mangan mo. Agad naman niyang binitawan akong pagkakahawak sa pisngi ko at bahagyang lumayo.

"Alam mo? Bahala ka na nga sa buhay mo!" akmang aalis na siya pero muli ko siyang hinapit papalapit sa akin. "Ano ba?!"

"Ito naman, joke lang eh! Syempre napansin ko noh! Ganda kaya ng kulay ng buhok mo! Bagay sa kulay ng buhok ko hehehe." matapos ko iyon sabihin ay nagsumiksik ako sa leeg niya.

Naramdaman ko namang yumakap na siya pabalik kaya naman napangiti ako. 

"Okay na tayo? 'Di ka na galit?"

"Hindi naman ako galit. Nainis lang."

"Tss. Natiis mo ako ng dalawang araw, Suson." hinigpitan ko lang ang pagkakayakap sa kanya.

"Sorry naaa. Hindi na po mauulit." bahagya naman siyang natawa dahil dun. 

"Oo na. Oo na. Balik na tayo dun, sigurado akong hinahanap na nila tayo." pag-anyaya niya.

"Ano ba yan, sige na nga." 

Naglakad na kami pabalik sa court and this time, nakangiti na at magkawak-kamay. 

~Red and blue will always be a perfect combination~

One-shot StoriesWhere stories live. Discover now