CLYDE RIVAS
Nakatulala ako sa kawalan habang yakap yakap ko ang walang buhay na katawan ni Amira.
Tumawag na ako ng ambulansya pero di pa dumadating. Ganun naman lagi, late sila.
Naririnig ko na ang sirena ng ambulansya sa labas at pagpasok ng mga taong taga hospital.
Naramdaman ko nalang na kinuha nila sakin si Amira at doon naputol ang pagkatulala ko. Di ko na alam gagawin ko. Sumama ako pagpunta sa hospital.
Habang nasa loob kami ng ambulansya, hawak hawak ko lang ang mga kamay ng taong mahal ko. Tinititigan ko ang payapa niyang mukha. Ang mukha niyang maputla pero ang ganda ganda niya parin. Siya lang pinakamaganda sa paningin ko.
Di ko namalayan na nasa hospital na kami. Binaba na nila yung stretcher na pinaglagyan kay Amira. Ang sakit sakin makita siyang nakaratay sa stretcher na yun.
Para akong patay na nakasunod habang sinusugod siya sa E.R.Sana nga namatay nalang din ako. Sana binaril din ako. Bakit? Bakit hindi ako? Bakit mo sinalo yung bala na para sakin? Ang dami mo pang pangarap pero bakit natuldukan agad yun ng ganun ganun lang?
Nakaupo ako sa labas ng kwarto na pinagpasukan kay Amira. Nakatulala lang ako sa pader na nasa harapan ko. Nawawalan ng gana mabuhay.
Ilang minuto pa ang nakalipas, lumabas ang doctor na nagcheck kay Amira. Wala akong lakas para tumayo. Lalo na ng umiling siya at sinabing masyado nang maraming dugo ang nawala sa kanya at dead on arrival na daw siya. Di na daw siya kayang salbahin.
Napayuko nalang ako at umiyak ng umiyak. Kala ko ubos na luha ko kanina, may mailuluha pa pala ako.
Tumayo ako at pumasok sa kwarto ni Amira. Walang nakasabit sa kanya na kung ano para suporta sa buhay niya kasi kahit siya sumuko na.
Niyakap ko katawan niyang walang buhay at tuloy tuloy parin dumaloy yung luha sa mga mata ko.
Bakit mo ko iniwan, mahal ko? Bakit mo sinalo yun na dapat para sakin? Mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung pano pa ako bubuhay na wala kana. Baka sundan nalang din kita.
Nagsisisi ako na di kita sinipot agad. Nagsisisi ako na mas inuna ko yung experiment ko kesa sa makasama ka. Nagsisisi ako na di ko ginugol lahat ng oras ko sayo habang buhay ka pa. Nagsisisi ako na pinabayaan kita. Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi paghihinagpis at pagsisisi.Nagkatotoo nga mahal, nawala ka nga sakin na di kita naliligtas.
Bakit ko pa kasi natapos yung experiment na yun? Di ka sana mawawala sakin.
Binuhat ko ang katawan niya na may balot parin na puting kumot. Di ako sinisita ng mga doctor at nurse na andito dahil kilala nila ako bilang doctor din. Isa ako sa nagsusupply ng medicines and medicinal drugs sa hospital na to.
Tinawagan ko yung kaibigan ko na nasa subdivision lang din namin. Konti lang kaibigan ko. Pinadala ko sasakyan ko.
Pagkarating ng kaibigan ko, binigay niya sakin yung susi ng sasakyan ko na may halong awa at pag-aalinlangan.
Sinakay ko katawan ni Amira sa sasakyan ko at umalis na ng hospital. Umuwi ako sa bahay. Bumalik ulit ang sakit sakin ng maalala ko na dito sa salang to siya binaril.
Dinala ko siya sa basement, sa lab ko. Hiniga ko siya sa isang metal bed na pinaglalagyan ko noon ng mga gamit ko sa experiment. Tinitigan ko ulit ang mala-anghel niyang mukha. Sobrang ganda niya. I might be crazy but I don't care.
Eto nalang ang natitira kong pag-asa para mabuhay siya. Eto nalang din ang tanging pag-asa na kinakapitan ko para magkaron ako ulit ng rason mabuhay. Siya nalang ang meron ako at ayokong mawala pa siya ng tuluyan sakin. Wala nang dugo sakanya.
YOU ARE READING
The Prober's Inamorata [On-hold]
RomanceClyde lost his family in a plane crash and now he lost his girlfriend, the one he loved the most. The only one who stayed by his side when no one else does. While he is mourning, he will find a way to bring back his lover. Will he be able to succes...