EXPI EIGHT: BUMPED INTO EACH OTHER

33 8 1
                                    

CLYDE RIVAS

I am preparing myself for today. This is a big day for me. I am wearing a simple white long sleeves polo, black slacks, black shoes and my specs. Well, I think I am ready to go.

Paglabas ko ng kwarto, sumalubong lang sakin si Chaos kaya pinakain ko na bago ako nagprepare ng breakfast ko. I don’t usually eat breakfast pero nasanay ako dahil pinipilit ako lagi ni Amira dati kumain. I am just eating french toast, bacon and coffee.

Nang matapos ako kumain, nagtoothbrush lang ako ulit at lumabas na ng bahay. Nilagyan ko din muna ng cat food ang pagkainan ni Chaos para may makain siya habang wala ako.

I drove there for almost 15 minutes or so, di naman gaanong malayo medyo traffic lang since it’s 7 am in the morning. People are rushing to go to work and students to go to school.

When I arrived there, pinark ko lang sasakyan ko at naglakad na sa field nila. Medyo konti palang ang mga tao kasi maaga palang naman. 8 am pa naman yung start ng class usually.

Habang naglalakad ako sa lobby patungong principal’s office, nahuhuli ko ang mga panakaw nakaw tingin ng mga babaeng estudyante habang may impit pa na mga kilig.

I just sighed and shook my head. This is not new to me. Di ko nalang pinansin at naglakad nalang ng diretso habang hinahanap yung principal’s office.
Kailangan ko muna ifinalize yung transferral ko sa school na to before anything else.

Kumatok lang ako sa office at pagpasok ko nakita ko ang isang middle aged man na nagsusulat sa isang papel habang nakaharap din sa kanyang laptop.
Nong mapansin niya akong nakatayo sa may pintuan, inangat niya tingin niya at ngumiti sakin.

“Good morning, Sir.”

“Oh it’s you, Mr. Rivas. Have a seat.”

Umupo lang ako sa isang upuan na kaharap ng table niya.

“So, here’s your schedule and keys to your locker. Andyan na din ang room number mo at locker number.” Sabi ni sir Principal habang naglalapag ng papel at mga susi sa harap ko, maybe duplicates.

“Thank you Sir. Mauuna na po ako baka malate pa ako sa klase ko.”

“Sige Mr. Rivas. Good luck on your first day.”

Tumayo na ako at lumabas na ng office. Wala nang mga estudyante sa lobby at hallway kasi magsisimula na ang klase.
Tiningnan ko lang ang papel na binigay sakin na may laman ng schedule ko.

12-STEM B Room 306, pumasok na ako sa elevator para pumuntang third floor since nasa ground floor ako. They got a pretty high-quality of facilities here. Probably because puro mga high profile yung mga nag aaral dito.

Nong nagstop na ng third floor yung elevator, lumabas na ako at dumiretso sa room 306.

Nasa labas palang, maingay na yung room.
I opened the door and everyone went silent. Habang papasok ako ng classroom, sinusundan din ng mga tingin nila ang mga galaw ko.

I walk straight to the table in front.
The girls in the classroom have the same reaction with the students in the lobby.

“Good morning, class 12-STEM B”
I wrote my name and surname in the chalkboard.

“Call me Mr. Rivas or Sir Rivas, whatever you prefer.”

“Can we call you Love, Sir?” tanong ng isang estudyante habang kinikilig kilig pa, nadamay din pati yung iba sa kilig na nararamdaman niya. Napailing nalang ako.

“It depends on the situation, Miss-”

“Wilston Sir, Roxanne Wilston.” Impit na kilig niyang sinabi.

The Prober's Inamorata [On-hold]Where stories live. Discover now