Prologue

58 15 8
                                    

THIRD PERSON'S POV

Tumutunog ang life support na nakakabit sa katawan ng isang babae senyales na nagiging critical ang kondisyon nito.

Habang nagsusulat ang scientist na si Professor Rivas na isang 25 years old. Siya ay nakapagtapos ng kanyang pag aaral sa murag edad dahil sa taglay niyang angking talino at siya ay tinatawag sa modernong term na 'prodigy'. Hindi maunawaan ni Professor Rivas kung bakit tila palpak na naman ang kanyang ginagawang eksperimento.

Ilang taon na siyang naghintay. Ilang taon niyang pinag aralan ang bagay na iyon ngunit tila di parin siya nagtatagumpay.

Tarantang taranta si Professor Rivas kung anong gagawin niya upang maisalba ang buhay ng babae na kanyang ginamit sa kanyang eksperimento. Kukunin niya na dapat ang isang test tube na naglalaman ng mga likidong kanyang pinag aaralan rin para sa kanyang ginagawang eksperimento. Ngunit huli na ang lahat.

Tumigil ang life support ng isang labing walong taong gulang na babae. Nabawian ito ng buhay. Napaluhod na lamang sa pagkabigo si Professor Rivas. Dahil di niya nailigtas ang babae.

CLYDE RIVAS

Pinagpapawisan ako ng malamig at hingal na hingal. Di ko akalain na babangungutin na naman ako ng panaginip na yon.

Halos dalawang linggo na ang nakalipas mula nong napanaginipan ko yun. Ano ba ibig sabihin non? Bakit ako mageeksperimento na di ako sigurado sa gagawin ko? Bigla akong kinabahan dahil sa nangyari sa panaginip na yun. Hindi. Hindi maaari yun. Hindi dapat mangyari yun. Gagawin ko ang lahat para mabalik ka lang sakin.

Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na wala ka na. Halos isang taon na rin akong nangungulila sayo. Naluluha at nalulungkot lang ako pag naaalala ko ang mga masasayang araw natin na magkasama.

Kung alam ko lang na mangyayari yun, di na sana kita binabaan nong gabing yun. Sinagot ko sana mga tawag mo at sinipot na sana kita. Pero wala, napakatanga ko. Hinayaan kitang mamatay sa mga bisig ko dahil sa katangahan ko.

Tuloy tuloy ang agos ng mga luha ko habang nakahiga pa ako sa kama, nakatingin sa pader na parang uukit don ang nakangiti mong imahe.

Pagsisisi. Paghihinagpis. Pangungulila. Kulang pa ang mga salitang yan para ikumpara ang nararamdaman ko ngayon.

Kasalanan ko.

Kasalanan ko lahat. Kung di lang ako naging scientist. Di ka na sana nawala pa.

Naaalala ko pa yung panahon na sobrang busy ako sa ginagawa kong study, nagsusulat ng formula at sumusubok ng mga chemicals, buong araw tinuon ko sa pinag aaralan ko na halos di na kita nabigyan ng oras at panahon. Nakakalimutan ko anniversary natin at dates natin dahil sa mga experiments na kasalukuyan kong ginagawa. Nagtatampo ka na dahil wala akong oras at panahon sayo pero di ako nakinig bagkus hinayaan pa kita. Kung alam ko lang. Kung alam ko lang na yun na ang huli. Kung alam ko lang na di na mauulit na magdate pa tayo at magkasama ng matagal, edi sana sayo ko itinuon lahat ng oras na pwede kong maibigay.

Kaso wala na. All I can do now is to regret.

Pinunasan ko ang luha ko para mag ayos na at bumangon. Pumunta na ako ng cr sa loob ng kwarto ko para maligo. Pagkatapos ko maligo, nagbihis na ako ng simpleng shirt at pants dahil wala naman akong gagawin ngayon. Di naman na ako nag eexperiment o kung ano. Ilang buwan na ako tumigil

Bumaba na ako sa kusina para kumain. Ako lang mag-isa dito sa bahay dahil wala na akong parents. Kasama ko siya noon dito, magkasamang namumuhay. Because both of our parents died in a plane crash 7 years ago. Kami nalang namumuhay ng magkasama noon. Pero ngayon, ako nalang mag-isa. Napabuntong hininga nalang ako pag naaalala ko kung gano miserable buhay ko ngayon.

Pagkatapos ko kumain, nanonood ako ng tv sa sala.

I'm in the middle of the movie ng bumaba si chaos, my cat na kakaampon ko lang 4 months ago para atleast may kasama ako dito sa bahay, sa hagdanan na patungo sa underground facility ko. Sinundan ko siya dahil baka anong gawin niya.

Chaos stopped in front of the metal door of my facility waiting for me to open it. Nagdadalawang isip akong buksan kasi di ko na binubuksan yun pagkatapos ko managinip ng ganun.

I took all the courage and opened the door. And there, I saw it. Shattered glass all over the floor. Mga basag na pipettes, test tubes, flasks, beakers at iba pang mga sirang gamit ko. Nagkalat sa sahig na parang dinaanan ng bagyo.

I was about to call the police kasi baka may nangloob sa bahay ko when I saw my old journal. There I saw my failed experiments.

That's when I remember, the nightmare I always dreamed of everynight is not just a dream, it's a bad memory.

It actually happened.

I killed the girl.

I failed.

------------
⚗️

The Prober's Inamorata [On-hold]Where stories live. Discover now