HANICA CLIFFORD
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko, nasulyapan ko lang ang laptop kong nakabukas. Nakalimutan kong may ginagawa nga pala akong research kagabi at nakalimutang patayin yung laptop ko kasi pinagmamadali ako nila Kia kanina tapos iiwanan lang din naman pala ako mga taksil.
Sinarado ko lang yun ng maalala kung ano yung nireresearch ko kagabi. Nalungkot na naman ako nang maalala ko ang pangyayaring iyon. It was one of the heartbreaking events that happened in my life.
I shooked my head and went to take a shower.
Pagkatapos ko maligo at magbihis, umupo lang muna ako sa kama ko habang nakasandal sa headboard ng kama. Binuksan ko yung IG ko at naisipang imessage na si Clyde since baka nakauwi na din yun.
@itsNica: Sir, nasa sayo po pala yung Art Materials ko pati yung book. Need ko po yun before Monday.
@Clyderima: Ohh, I didn't notice. Let's meet? Or I will come to your place and give it to you?
@itsNica: No! let's meet nalang po.
@clyderima: Okay. Let's meet tomorrow at the park, is that okay with you?
@itsNica: Sige po. Thank you Sir.
@clyderima: You can drop the 'Sir'. It's fine.
@itsNica: Okay Clyde.
Gagi bat ang init ng mukha ko at bat ako nakangiti? Dilikado na to.
Malapit lang naman yung park sa subdivision namin, ilang minutes lang lalakarin paglabas.
Nakangiti parin ako kahit nakababa na yung cellphone ko. What is happening to me, ni wala ngang nakakakilig sa usapan namin. Magkikita lang kami bukas para sa materials ko.
Wait- magkikita kami bukas??
OMG! Date ba to?
Napasapok ako sa ulo ko, luka luka talaga pano naging date to eh ibibigay niya lang naman yung materials ko.
Maya maya kumatok si Ate Linda, isa sa kasambahay namin at siya yung pinakamatagal nang nagsisilbi samin. Close ko din siya at parang ate na din talaga since only child lang ako at wala akong ibang kasama sa bahay bukod sa kanila.
May dala siyang meryenda, nilapag niya lang sa side table ko at umupo din sa kama ko paharap sakin.
"Ikaw ah, kanina ka pa nakangiti diyan. May boyfriend ka na?" una niyang bungad sakin.
Napanganga nalang ako sa bigla.
"Ate! Ano ka ba! Wala no" tanggi ko naman agad kasi totoo namang wala.
"Asus, namumula ka nga eh oh. Kung hindi jowa, crush?"
"OMG, Ate stop na" tinakpan ko ng unan yung mukha ko kasi nararamdaman ko ulit yung init sa pisngi ko. Lalagnatin yata ako.
Tumawa lang siya ng mahina na may halong pang asar.
"Okay okay, di ko naman sasabihin sa Daddy mo"
"Ateeee"
Patuloy lang siyang tumatawa ng pang asar sakin habang naglalakad palabas ng kwarto ko. Nong nakalabas siya, nakahinga ako ng maluwag.
"Basta pakilala mo sakin yan ha?" bigla niyang bukas sa pinto at sinarado ulit.
"ATEEEEE!"
Lahat nalang ng tao sa paligid ko inaasar ako. Hays.
Binuksan ko ulit laptop ko at nanood nalang ng series sa netflix habang kumakain ng meryenda na dala ni ate Linda.
YOU ARE READING
The Prober's Inamorata [On-hold]
RomanceClyde lost his family in a plane crash and now he lost his girlfriend, the one he loved the most. The only one who stayed by his side when no one else does. While he is mourning, he will find a way to bring back his lover. Will he be able to succes...