Simula nung bata pa ako mahilig ako magsulat ng poems o songs saka letter sa mader ko. Nung 2016 lang ako napasok sa novel writing. G7 ako non. Nung una napakajeje ko magsulat.
Ginagaya ko rin kasi format ng mga nabasa ko rati. Ay bago pala ako nagsulat, puro basa muna ako. Tapos ayun.
Anyway, palagi ako nagsusulat simula noon. Halos araw-araw. Iba-iba plot pa. Sa notebook ako noon nagsulat kasi wala naman akong phone.
Bitbit ko palagi sa school yun. Tapos pinapabasa ko sa bff ko. Siya naging taga-critic ko bhe. Like di ko alam na yung "jan" is diyan pala.
Mga ganoong bagay. Kasi yung jeje typings ko naman kasi nakuha ko lang sa mader ko eh kapag nagpapareply siya sa text tapos need same format ng text para alam na siya talaga nagrereply HAAHAHAHAHA anyway. Sa mga pagkakamali non maski yung emoji typings na nilalagay sa novel, nadevelop ako.
Laki talaga improvement ko non. Narealize ko na kaya rin ako nag-improve ng mabilis dahil araw-araw akong nagsusulat.
Yung una kong napub sa watty is inspired sa anime napanood ko. Favorite dati. Mahilig ako sa gore at mystery dati. Unang genre na focus ko HAHSHAHAHA. 30 chaps dapat yun eh kaso 12 chaps lang naisulat ko. Almira name ng MC ko.
First legit na baby ko HAHAHAHAHA anywya hindi natuloy yun dahil nawalan ako ng motivation o tinamad tapos busy sa acads. Nakakasulat ako ng ibang plot naman pero di ako satisfied. Balik basa ulit tapos natuklasan ko ang ✨fantasy✨.
Minahal ko ng todo to. Umapaw ng ideas teh. Tapos sulat ulit ng sulat. Napapansin ko na naiimprove ulit writings ko. Then by 2018, sumulat naman ako ng love oneshot story para ipasa sa sinalihan ko na contest sa fb pero di ako panalo.
Still big challenge yun sa akin kasi never ako nagsulat ng romance o love story kasi nacringe ako that time tapos waley ako pakialam sa love dati HAHAHAHAHAHA gurl introvert pa ako na may social anxiety na bongga.
Di ko alam paano gumawa ng convo na mukhang normal. Anyway by 2019, nakapagpub ako ng unang baby ko na fantasy.
Love ko yung mc since may persobality ako na hinalo at gusto ko makita paano siya maggrow within the story.
Pero bhie doon nagstart writing slump ko after makapagsulat ng chapter 8. Pasenior high na rin kasi. Stress akes pagkapasok. Tapos gurl nagpalit ako ng cp.
THEN LAHAT NG INFO ABOUT SA STORY NA YUN NAWALA NA. Tapos nakalimutan ko watty password ko at since bigay lang sa akin yun ng bff ko nung 2016, waley na yung email. So ayun ang sakit lang pag naalala ko HAHHSHSHS bumalik lang muli ako ngayong 2022.
Bagong story. Fantasy genre na love ko. Hinalo ko yung iba mula sa world setting na naalala ko sa fantasy novel na ginawa ko before. As of now, inaayos ko yung plot, characters basta lahat. Push lang na makasimula sulat na ng unang kabanata this month.
Sa bakit ako nagpatuloy? I just love writing. Feeling ko purpose ko sa mundo ay magsulat. Dito ako nakakahinga. Ito ang aking pahinga. Saka dati pa, lahat ng emosyon ko sa novel na sinusulat ko binubuhos.
Kaya siguro hindi na ako naging masyado sensitive ngayon HAHAAHAHAHA well, sensitive pa rin konti. Isa rin pala dahil ito rin way ko para ibuhos yung nasa isip ko. Mga thoughts ko sa bagay-bagay. Dito ako dumadaldal HAHAHAHAHA.

YOU ARE READING
Thrill Ride (The Journey Of Writers)
RandomDifferent emotions, different experiences, and different inspirations. A thrill ride that is full of different journeys from different writers. The journeys that will make you feel like you're on a roller coaster of emotions and words that will stri...