Mayabang. Iyan ang unang impresyon ko kay Colby Tolentino.
Kung ibang babae siguro ang nasa sitwasyon ko no'ng araw na iyon, tiyak na hinimatay na ito sa kilig dahil sa gano'ng galawan niya ng pagpapapansin.
Hindi sa pagpapabebe pero hindi ganoon ang tipo kong lalaki. Iyon bang nasobrahan na ng confidence sa sarili?
Malaking ekis 'yon sa akin although wala pa naman akong balak magka-boyfriend sa edad kong 'to, dahil may balak pa akong magpatayo ng sarili kong library para sa mga Wattpad books ko. Dyok lang!
Bukod sa mabulaklak siyang magsalita, may kapilyuhan din siya minsan. Hilig nilang pareho ng kaibigan niyang si Kenji ang magpapansin sa mga babae. Hindi katulad ni Riley na tahimik lang at hindi masyadong nakikihalubilo sa iba.
Hindi ko alam kung nagkataon lang o talagang sinasadya ng tadhana na palaging nagkukrus ng landas namin ni Colby.
Kaya imbes na mayamot sa mga trip niya, madalas ay tinatawanan ko na lang. Harmless naman kasi siya. Honestly speaking, doon ko siya mas lalong nakilala.
"Elle, punta tayong library today. Hindi raw papasok si Mrs. Aguilera," pagyaya ng kaibigan kong si Kaye.
"Sige," pagsang-ayon ko.
Lihim akong napangiti sa ideyang makakapagsulat na naman ako ng panibagong kabanata dahil tahimik at maaliwas doon. Tiyak na makakapag-concentrate ako.
Napalunok ako ng laway nang makita sa logbook ang pangalan ni Colby at ng mga kaibigan niya. Matagal akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses niya mula sa aking likuran.
Ramdam na ramdam ko ang pamumula at pag-init ng aking pisngi nang maamoy ang pabango niyang hindi nakakasulasok sa ilong. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto nito sa akin. Minsan kasi, kahit nasa bahay na ako, naaamoy ko pa rin iyon.
Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Sa hindi malamang rason, bigla na lamang akong napabahing dahilan para mapatitig kay Colby ang mga kaibigan niya bago sila napahagalpak sa tawa.
"Silence please!" sigaw ng librarian sa amin.
Nakayuko akong tumungo sa puwesto ni Kaye. Nawala sa isip kong i-chika sa kaniya ang nangyari kaya bigla na lamang ako napaigtad nang sundutin niya ako sa tagiliran.
Literal kasing umaalog ang balikat ko habang pinipigilan ang sarili kong hindi mapahagalpak sa tawa. Alam n'yo 'yon? Ang epic fail ng nangyari.
Naitakip ko pa ang notebook ko sa mukha bago seryosong tumingin sa kaniya. In fairness, effective ang ginawa kong 'pag inhale-exhale dahil nahimasmasan kaagad ako.
"Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong. Sunod sunod ang ginawa kong pagtango bago itinuon ang aking atensiyon sa isinusulat kong kuwento sa kuwaderno.
Ganito pala ang pakiramdam kapag makatotohanan ang bawat eksena. Mas lalo akong ginaganahan sa pagsulat.
Bago ko tapusin ang huling pangungusap para sa kabanatang iyon, wala sa isip akong napasulyap sa puwesto ni Colby.
Shoot! Nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Ngunit bago ko pa man bawiin ang aking tingin, isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin.
♡♡♡
"Pauwi ka na ba?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Colby sa aking tabi.
Anim na buwan na ang nakakaraan simula nang mangyari ang 'di ko makakalimutang eksena sa library.
Sino ba naman ang makakalimot agad do’n? Hanggang ngayon nga, eh hindi pa ako maka-move on.
First time ko kayang masigawan ng librarian. No'ng elementary kasi ako, isa ako sa mga estudyanteng awardee ng 'most behave' sa klase, pero hindi na yata ngayon.
BINABASA MO ANG
Tinta, Luha, at Ikaw [Completed] ✓
Teen Fiction❝Ang pag-iibigan natin ang kauna-unahang istorya na magwawakas na masaya. Hindi lang sa Wattpad pati na sa totoong buhay. Simula ngayon, masasayang alaala na natin ang isusulat ng aking tinta.❞ Word count: 7,918 words Book Cover: Canva Sinimulan: A...