6-Ikaw [Finale]

119 44 12
                                    

Riley Cabrera's POV

Iyon ang palayaw ko noong bata pa ako at iyon din ang pangalang sinabi ko sa kaniya noong pinakilala niya ang sarili sa akin.

Marahang pagtango ang naging tugon ko. "Ang tagal na no'n. Akala ko nga nakamalimutan mo na," natatawa kong sabi.

"Oh my gosh!" Nagtaka ako dahil bigla na lamang niyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga palad. Pansin kong namumula iyon at umiiwas siya ng tingin sa akin.

"Siguro naman, magkakaroon na ng happy ending 'yong kuwentong sinusulat mo ngayon," pang-aasar ko.

"Eh, kasi bigla na lang nag-pop up ang pangalan na 'yon no'ng time na nag-iisip ako ng pangalang puwedeng ipalit sa real name mo," nahihiya niyang sabi.

"I'm sorry, Eloa." Natigilan siya sa pagsasalita at dahan-dahang tumingin sa akin.

"B-bakit Riley?"

"Sorry kong hindi kita nagawang protektahan kay Colby," malungkot kong sabi.

Mapait siyang ngumiti. Kasabay noon ay ang pagpatak ng luha sa kaniyang pisngi. "Wala akong nagawa noong mga panahong nililigawan ka niya kahit alam kong hindi iyon ang totoong intensiyon niya."

Pinunas niya ang luhang pumatak sa kaniyang pisngi. "Hindi mo kasalanan 'yon, Riley. Pasensiya na rin kung dinamay kita sa galit ko sa kaniya."

"Maraming beses ko siyang sinubukang pigilan sa panloloko niya sa 'yo pero nabigo ako. Galit na galit ako sa kaniya no'ng araw na nakita kitang umiyak. Gusto kitang yakapin para maibsan ang bigat ng nararamdaman mo pero hindi ko magawa dahil alam kong minahal mo siya kahit papaano." Kahit ako ay hindi na napigalan ang sariling umiyak kahit nasa tabi ko siya.

"Hayaan mong bumawi ako sa 'yo, Eloa. Hindi lang ngayon kung 'di sa panghabangbuhay. Gawin nating happy ending ang kuwento ng mga bidang sinusulat mo ngayon." Mas lalong humagulgol si Eloa at niyakap ako nang mahigpit.

Marahan kong hinaplos ang kaniyang likod upang patahanin siya.

Noon pa man, ginagawa ko na ang lahat upang makabawi sa kaniya. Alam kong hindi niya pansin 'yon dahil mismong si Colby ang gumagawa no'n sa kaniya.

Uwian na noon nang biglang bumuhos nang napakalakas ang ulan. Natanaw kong mag-isang nakatayo si Eloa sa labas ng kanilang classroom habang hinihintay na tumila ang ulan. Ipinahiram ko kay Colby ang payong na nakatago sa bag ko at sinabing may masasabayan ako pauwi kaya siya na muna ang gumamit.

Mabilis akong tumakbo palabas sa classroom namin at nakisabay sa kakilala kong may dalang payong. Nang lumagpas na kami sa gate, nagpasuyo akong ihatid niya ako sa may tindahan sa kabilang kalsada para doon muna tumambay.

Ang totoo ay hinihintay kong ihatid ni Colby si Eloa sa may gate at masiguro kong may masasak'yan siya pauwi bago ako umalis. Doon lang napanatag ang aking loob. Hindi kasi ako mapakali hangga't hindi ko siya nakikitang nasa maayos na kalagayan at ligtas.

Alam ng Diyos kung gaano ako kasaya noong araw na nalaman kong magkaklase pala kami sa kolehiyo. Napakabuti talaga Niya. Alam kong imposible na magkita pa kami ulit pagkatapos naming gumradweyt sa hayskul pero dininig Niya ang panalangin ko.

Hindi naging madali ang lahat noong unang taon namin sa kolehiyo. Ramdam kong galit pa siya sa akin dahil sa ginawa ni Colby sa kaniya. Hindi ko naman siya masisisi dahil kahit alam kong sobra siyang nasaktan sa nangyari.

Noong nalaman kong nagsusulat pala siya ng mga kuwento sa isang writing platform, hinanap ko kaagad ang app na 'yon at d-in-ownload sa cellphone ko.

Aksidente kong nakita ang username ng Wattpad account niya nang minsang naiwan niyang nakabukas ang kaniyang cellphone sa mesa habang may group report kaming tinatapos.

Nakakatuwa nga dahil palagi niya akong nasusungitan. Doon ko siya madalas na kulitin kapag weekend. Nahihiya pa rin kasi akong kausapin siya kahit maayos na kami.

Nabasa ko na halos lahat ng kaniyang mga akda. Magaling siyang maghabi ng kuwento ngunit wala ni isa roon ang may happy ending.

Doble 'yong sakit na naramdaman ko, sa totoo lang. Ang pagsusulat ang naging sandalan niya noong mga panahong tinuturuan niya ang sariling makalimot sa mapait na nakaraan. Doon niya ibinuhos lahat ng sakit.

Walang araw na hindi ko ginawa ang lahat para lang makita siyang nakangiti ulit. Kaya noong dumating ang araw na muli kong nasilayan 'yon, tinuloy-tuloy ko na. Sa tulong ni Lord, naging maayos ang lahat.

"Ang pag-iibigan natin ang kauna-unahang istorya na magwawakas na masaya. Hindi lang sa Wattpad pati na sa totoong buhay. Simula ngayon, masasayang alaala natin ang isusulat ng aking tinta," nakangiti niyang wika.

"I love you, Eloa. Nandito lang ako palagi para sa 'yo."

"I love you too, Reel. Maraming salamat. Kung luluha man ako ulit, sa tamang tao na. Ikaw ang dahilan kung bakit natuto ako na magtiwala ulit."

"Sobra-sobra na po ito, Lord. Woah! Love na love mo po talaga ako. Akin na po ang babaeng 'to forever, ah? Hayaan n'yo pong makasama namin ang isa't isa hanggang sa pagtanda," naiiyak kong sabi habang yakap nang mahigpit si Eloa at nakatingin sa papalubog na araw.

♡♡♡

Wakas.

Tinta, Luha, at Ikaw [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon