5-Ikaw

115 45 14
                                    

"Hi, Riley," nakangiti kong bati sa best friend ko nang magkasalubong kami sa corridor.

Kagagaling ko lang sa AVR ng school namin dahil doon ginanap ang photo shoot ng mga ga-graduate sa kurso namin.

"In love ka ba? Ang saya mo, eh," pang-aasar niya sa akin.

"Grabe ka naman sa 'kin. Kapag masaya pala ang isang tao, ibig sabihin no'n, in love na?" natatawa ko namang tugon.

"Oo, naman," saka siya tumawa. "Bakit? May iba pa bang rason?" Hinampas ko siya nang mahina sa braso at nakitawa. Umiling ako kahit iyon naman talaga ang rason.

Natatandaan n'yo pa ba si Riley? Isa siya sa mga kaibigan ni Colby no'ng high school. Inilarawan ko siya sa inyo bilang tahimik at hindi masyadong nakikihalubilo sa iba.

Madalas ko siyang makitang mag-isa sa isang sulok habang nakasuksok ang earphone sa magkabila niyang tainga.

Kung hindi cellphone ang palagi niyang hawak, minsan makapal na libro. Kaya hindi na ako nagtaka noong napabilang siyang Dean's Lister sa klase namin.

Kami na nga halos ang magka-kompitensiya sa section namin. Siya 'yong tipo ng estudyanteng tahimik lang pero may ibubuga.

Alam kong mali na dinamay ko siya sa galit ko kay Colby noon pero nang maging magkaklase kami sa college, nabago ang pakikitungo ko sa kaniya. Isang taon ko rin siyang iniwasan noon. Pero nang sumunod na taon, palagi na kaming magkasama.

May mga activities kasi kami sa school na kailangan namin ng tulong ng isa't isa. Hindi naman puwedeng dedmahin ko na lang siya habang buhay dahil lang sa galit ko sa kaibigan niya.

Hindi siya katulad ni Colby na mahangin magsalita. Na-a-ppreciate ko 'yong pagiging malumanay niya kapag kausap ako.

Nirerespeto rin niya ang desisyon ko kapag may mga bagay akong hindi magawa sa task at sinasalo niya lahat iyon. Hindi ko nakarinig sa kaniya ng reklamo.

Sobrang bait pala niya na sobrang layo sa inaasahan ko. Bukod sa pagiging matalino, napaka-humble din niyang tao.

Hindi ko namalayang sa paglipas ng mga araw, buwan at taon, siya na ang naging karamay at kakampi ko sa lahat ng bagay. Wala akong masabing hindi maganda sa pakikitungo niya sa akin.

Kaya no'ng araw na napagtanto kong nagkakagusto na ako sa kaniya, todo tanggi pa ako kahit halata naman sa mga ikinikilos ko.

"Ma-mi-miss kita, Elle." Nasamid ako sa iniinom kong juice. Niyaya kasi niya akong mag-snack sa canteen at pumayag naman agad ako. Libre kasi, eh.

"Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong. Sunod sunod ang ginawang kong pagtango.

"Oo, okay lang ako. Medyo matamis kasi ang pagkakatimpla nito," palusot ko.Tinitigan niya ako nang matagal bago binawi ang tingin sa akin.

"Ikaw? Hindi mo ako ma-mi-miss?" Saglit akong natigilan sa pagsasalita bago narinig ang mahina niyang pagtawa.

First time kasi niyang bumanat sa akin ng gano'n.

"S-siyempre naman," pag-aamin ko. Ngumiti siya nang malapad bago sumulyap sa labas.

"Nahanap mo ba 'yong sticker paper na binigay ko?" Napalunok ako ng laway bago magsalita.

Tinta, Luha, at Ikaw [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon