4-Luha

97 44 11
                                    

Tulad ng nakagawian, chi-ni-check ko muna ang mga notifications ko sa e-mail, facebook at Wattpad account bago umalis ng bahay.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o madidismaya dahil sa wakas, nag-reply na ang reader kong pa-misteryoso. Pinaghintay lang naman niya ako magdamag kaya hindi ako nakatulog nang maayos.

Napataas ako ng kilay nang mabasa ang reply niyang, "Kinikilig ako sa 'yo, author. Sa wakas, napansin mo rin ako."

Fan 'yan?

Kung nasa harapan ko lang siya nang mga oras na 'yon ay baka kanina ko pa siya nabigwasan. Magdamag akong naghintay sa reply niya tapos iyan lang ang natanggap kong sagot. Ang layo rin ng sagot niya sa tanong ko.

Pero kahit papano, nabawasan ang kaba ko, nakahinga ako nang maluwag.

Ayos na sana ang lahat ngunit nadagdagan ang inis ko sa sunod kong nabasa.

Halata kasing brokenhearted ka.

"Oo na, ako na 'tong hindi maka-move on. Obvious na obvious. Bakit kailangan n'yo pang ipamukha sa 'kin?" pagkausap ko sa sarili.

Pagkatapos no'n ay hindi na niya ako masyadong kinukulit.

Nagulat na lang ako dahil isang araw, biglaan ang pagdagsa ng mga bago kong readers at followers sa Wattpad.

No'ng araw ding 'yon, malimit na siyang magparamdam sa akin kaya nagtaka ako. Kung hindi pa nila ako m-in-essage na ni-recommend daw ng kaibigan nila ang mga nobela ko, hindi ko pa malalaman na si Kuyang Misteryoso pala ang may pakana.

At dahil do'n, nagkaroon ulit ako ng rason upang i-message siya. Hindi naman ako gano'n kasama para hindi siya pasalamatan, kahit hindi ko naman sinabing gawin niya 'yon para sa akin.

Hi. Thank you sa pag-recommend ng mga stories ko sa mga friends mo.

Wala pang isang minuto ay nakapag-reply agad siya. Ni hindi ko na nga magawang reply-an lahat ng message niya dahil sa bilis niyang mag-type.

Ang kulit kasi niya saka ang daldal. Hindi lang ako sigurado kung gano'n din siya sa personal. Nabuhayan yata siya ng loob dahil sa pag-reply ko. Hindi sa pagiging assuming pero pakiramdam ko, sinadya niyang gawin 'yon para i-message ko siya.

Hindi ko napansing nakangiti na pala ako habang nakikipagpalitan ng mensahe sa kaniya. Nawaglit sa isip kong may pasok pa ako kaya nagawa ko pang magpagulong-gulong sa kama.

Bigla akong natigilan nang mapadako ang tingin ko sa orasan namin. "Shoot! Late na ako," taranta kong sabi.

Doon na nagsimulang magtuloy-tuloy ang usapan namin. Hindi ko alam kung tama itong desisyon kong makipag-usap sa taong hindi ko naman kilala sa personal pero aminado akong masaya at nakakaaliw siyang kausap.

Harmless naman siya kaya hinayaan ko na lang. Ano ba naman 'yong pakitunguhan ko nang maayos si Kuyang Misteryoso, 'di ba? Baka sabihin ulit niyang bitter na nga ako, masungit pa.

Naroon pa rin ang curiosity ko na malaman kung sino ba talaga siya pero nagdadalawang-isip ako. Kinakabahan ako at saka natatakot. Mas okay na sa akin na hanggang lang dito lang kami.

Alam kong darating araw na mauumay siya sa akin lalo na sa mga kuwento kong puro trahedya pero ipinagpapasalamat ko na lang ang pagiging makulit niya dahil kahit paano nabawasan ng kaunti ang bigat ng nararamdaman ko.

Muling kong naalala 'yong tanong niya sa akin dati. May isang tao kasing sumagi sa isip ko no'ng araw na itinanong niya 'yon.

Kung magmamahal ako man ako ulit, handa na ba ang aking tinta na muling magsulat ng panibagong love story? Handa na ba ang puso kong isalaysay 'yon?

Tinta, Luha, at Ikaw [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon